CHARM's POV
Isang oras na yata mula nang mangyari 'yung di sinasadyang pangyayari kanina ay hindi parin ako dinadalaw ng antok. Hindi ko magawang lingunin ang couch kung saan nakahiga si Atty. Xavier dahil hiyang hiya ako sa nangyari.
Kung bakit naman kasi ang hilig hilig niyang mangharot! Panay ang lapit tapos pati mukha ilalapit pa! Nakaka bwisit talaga! Buti sana kung hindi siya kaakit akit! Kahit maghubad pa siguro siya sa harap ko e deadma lang ako. Kaso, kahit ayaw kong tumingin, 'yung mga mata ko kusang bumababa sa katawan niya. Diyos ko! Sobrang ganda ng katawan niya. Yung sinabi ko kaninang mukha siyang naglalakad na buto? Kasinungalingan 'yun. Ang totoo, para siyang naglalakad na ulam! Hindi lang basta ulam, kundi masarap na ulam!
Muling pinikit ko ang aking mga mata pero lalo lang akong hindi dinadalaw ng antok dahil naaalala ko pa rin ang pakiramdam ng labi niya sa labi ko. s**t! First kiss ko 'yun!
Kanina pa ako natutuksong bumiling ng higa para masilip siya. Nakatulog na kaya siya? Malamang oo dahil hindi naman niya first time makipaghalikan!
Bibiling na sana ako nang maramdaman kong bumangon siya. Napalunok ako at pinagbuti ang pagpapanggap na tulog.
So, hindi pa siya natutulog? Bakit? Iniisip din ba niya 'yung nangyari? Imposible! Sobrang imposible, Charm!
Ilang sandali lang ay narinig ko ang pagbukas ng TV. Mahina lang ang volume na halos hindi ko na marinig. Pero wala pang limang minuto ay in-off niya narin iyon. Nakiramdam pa ako hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na ako ng tuluyan.
Kinabukasan ay wala na siya sa kwarto nang magising ako. Umupo ako sa kama at tinignan ang oras. Pasado alas sais pa lang. Ang aga niya naman nagising! Naghikab ako at tumuloy sa CR. Medyo antok pa ako at napapapikit pa kaya hindi ko na namalayang nakasara ang pinto ng CR na tanda na may tao sa loob.
Halos mawala ang antok ko nang makita ko ang likod ni Atty. Xavier. Nakaharap siya sa salamin at puno ng shaving cream ang kalahati ng mukha niya. Basa pa ang kanyang buhok at amoy na amoy ko rin ang sabon na ginamit niya. Wala rin siyang damit pang-itaas at tanging faded jeans lang ang suot!
Pati ba naman likod nito ang hot pa rin!
Kunot noong napalingon siya sa akin nang magtama ang mga mata namin sa salamin.
"Morning..." bati niya. Lumunok ako at nag-iwas ng tingin bago tumugon.
"M-Morning din. Maaga ba tayong aalis?" tanong ko. Nakita kong agad na niyang tinapos ang pag-shave at hinarap ako. Nakapameywang pa siya at nakabalandra ang matipuno niyang dibdib! Todo iwas ako ng tingin na kahit peripheral vision ko ay hindi siya mahagip ng tingin.
"We will leave before eight o'clock. Sige na, maligo ka na..." sabi niya at naglakad palapit sa akin. Halos hindi ako nakagalaw nang tumigil siya sa tapat ko. Konting galaw ko lang ay mapapadikit na ako sa dibdib niya!
Diyos ko! Ang aga namang tukso nito!
"Aren't you gonna move? Hindi tayo kasya sa pinto..." rinig kong sabi niya. Tumingala ako at nasalubong ko ang titig niya.
Grabe ang lakas lalo ng dating niya kapag basa ang buhok! s**t! Saan ba nanggagaling ang nag-uumapaw na s*x appeal ng lalaking ito?
Nagbaba agad ako ng tingin at saka tuloy tuloy ng pumasok sa loob ng banyo. Kabang kaba ako sa di malamang dahilan at nanghihina ang mga tuhod ko.
Agad na naligo ako at nagbihis. Pagbaba ko ay nasa dining area na si Atty. Xavier at nagbabasa ng diyaryo. May kape rin sa gilid niya. Nang akmang iinom siya sa kape niya ay nahagip niya ang tingin ko. Tumikhim ako at naglakad na palapit sa gawi niya. Wala pa sina Lolo at Lola.
Nakita kong palapit na rin sina Elsa at Sally para maghanda ng agahan. Malulungkot ang mga mata nila nang tignan ako. Tumaas ang kilay ko.
"Bakit parang biyernes Santo ang mga mukha niyo?" puna ko. Nakita kong napatingin na rin si Atty. Xavier sa'kanila.
"Aalis na pala kayo? Akala namin ay hanggang linggo pa kayo dito?" sabi ni Sally habang ibinababa ang fried rice sa mesa.
"Kailan ulit ang balik niyo, Charm? Matatagalan?" tanong naman ni Elsa. Tumawa ako ng mahina. Pero sa totoo lang ay mamimiss ko talaga ang mga ito.
"Di pa nga kami nakakaalis, pinapabalik niyo na kami? Agad agad talaga?" biro ko. Nakita kong napailing si Atty. Xavier at tinuloy na ang pagbabasa.
"Malulungkot na naman si Senyora pag wala na kayo..." nakatungong sabi ni Sally.
"Ang tagal ko ng naglalagi dito sa resthouse, ngayon lang umingay dito, e. Mamimiss ko iyon panigurado!" segunda naman ni Elsa. Ang dadrama naman ng dalawang ito!
"Wow! Artista na yan! Gusto niyo bigyan ko na kayo ng jacket?" biro ko. Humagalpak silang dalawa. Rinig ko ang pagtikhim ni Atty. Xavier pero nakatakip ang mukha niya ng binabasang diyaryo kaya hindi ko makita ang mukha niya. Napatingin ako sa dalawa na minumwestra si Atty. Xavier.
"Tumatawa..." basa ko sa bibig ni Elsa. Napailing naman ako.
"Saan nga pala sila Lolo at Lola?" pag-iiba ko sa usapan. Hindi ba sila sasabay sa amin ngayon? Sayang naman at mamimiss ko sila.
"Kanina pa sila gising, Charm. Pinapahanda lang ni Senyora 'yung mga pasalubong na iuuwi mo." sagot ni Elsa. Nanlaki ang mga mata ko.
"Bakit pa? Ang dami na niyang ibinigay sa akin kagabi!" sabi ko at nilinga ang pinto nang makita kong papasok na sina Lolo at Lola. Nakangiti na kaagad si Lola pero mukhang malungkot ang mga mata nang lumapit sa amin. Nagbaba naman ng diyaryo si Atty. Xavier at tumayo para humalik sa pisngi ng Lola niya.
"Morning, 'La. We're leaving before eight..." rinig kong sabi niya. Umirap ang Lola niya at saka lumapit sa akin.
"Nasa compartment na ang mga prutas para sa pamilya ni Charm, Xavier." rinig kong sabi ni Lolo.
"Lola, nakakahiya po. Hindi na dapat kayo nag-abala..." nahihiyang sabi ko. Tumawa lang siya at umiling.
"Wala 'yun, Hija. Ni hindi ka nga nakapasyal manlang dito! Kung bakit naman kasi madaling madali..." sabi nito at nilinga pa si Atty. Xavier. Napakamot naman ito sa batok.
"Lola naman...." naiiling na sabi nito.
"Wag mo ng sisihin ang apo mo, Czarina... May trabaho iyan na kailangan asikasuhin." singit ni Lolo. Nakita kong inirapan siya ni Lola.
"Ewan ko sayo, Ferdinand! Pareho kayo ng anak mong iminulat sa trabaho itong si Xavier kaya hindi na magawang mag-asawa. Puro trabaho na lang! Mabibigyan ba ako ng apo sa tuhod ng mga papel?" palatak ni Lola. Nagpigil ako ng tawa at nakita kong tumaas ang kilay ni Atty. Xavier.
"Wag na wag mong pababayaan si Charm dahil sa trababo mo, ha, Xavier? Isumbong mo sa akin, Charm kapag puro trabaho na lang yan, ha?" bulong ng Lola niya sa akin. Alangang napatango na lang ako.
"Paanong mapapabayaan naman ng apo mo si Charm, e, magkasama naman sila sa opisina. At isa pa, matino naman itong si Xavier. Wala sa lahi namin ang palikero. Sadyang maganda lang talaga ang lahi namin!" proud na proud na sabi ni Lolo. Kitang kita naman sa itsura nito na kahit may edad na, e, halatang may itsura ito nung kabataan. Mukha itong kastila sa tangos ng ilong at lalim ng mga mata. Halos hawig na sila ni Lola sa mga features ng mukha. Mas soft lang ang features ni Lola. Tumaas ang kilay ko nang mapatingin kay Atty. Xavier.
Hindi palikero? Talaga lang, ha? Sa gwapo niyang iyan ay mukhang nakarami na siya ng girlfriend bago naging sila ni Atty. Ashley!
"Kahit gaano pa ka-gwapo kung wala namang time mag-alaga sa babae, wala rin iyon. Mas gusto naming mga babaeng inaalagaan kami!" sabi ulit ni Lola. Nakita kong napatingin si Atty. Xavier sa akin. Tumaas ang kilay ko.
Anong tinitingin tingin mo? Oo, tama ang Lola mo. Mas masarap parin magmahal ng lalaking marunong mag-alaga kaysa sa gwapo!
***
Halos ayaw ng bumitiw ni Lola sa akin nang magpaalam na kami na aalis na. Panay ang bulong niya sa akin na bumalik daw kami agad. Puro tango lang naman ako.
"We will visit you again, Lola..." bulong ni Atty. Xavier sa Lola niya habang yakap yakap niya ito ng mahigpit. Ngumingiti ito at bumabalandra ang mga dimples sa pisngi. Mukhang may ibinubulong ang Lola nito sa'kanya na kung ano. Napapatingin pa siyang madalas sa akin habang nakangisi.
"Bye po! Babalik kami!" sabi ko pa nang nasa kotse na kami. Sabay lang silang tumango at kumaway sa amin hanggang sa makalabas na kami ng gate ng resthouse. Narinig ko ang buntong hininga ni Atty. Xavier nang mawala na sila sa paningin namin.
"I'm sorry... I didn't know na magiging ganun ka-clingy si Lola sayo..." rinig kong sabi niya. Tumango lang ako at ngumiti.
"Okay lang 'yun, Attorney. Ang babait ng Lolo at Lola mo. Ang swerte mo sa kanila..." sabi ko. Nakita ko ang paglingon niya sa gawi ko.
"You like them, too?" tanong nito. Nilinga ko rin siya at tinitigan. Saglit lang siyang nakipagtitigan at muli ng binalik ang tingin sa daan.
"Oo naman! Kaso, hindi ko hinayaang mapalapit ng todo sa kanila. Alam mo na..." sabi ko. Kitang kita ko ang paglingon niya sa akin at ang pagsinghap niya pero hindi siya nagsalita.
Mabilis ang naging byahe namin mula Tagaytay hanggang Manila. Nang nasa Manila na kami ay nagsalita ulit siya nang mapahinto kami dahil sa traffic.
"Is it okay if we'll go back after a week or two?" tanong nito. Agad na tumango naman ako. Hindi dahil trabaho ko ang sundin siya kundi gusto ko rin talaga na bumalik doon para makabonding ang Lolo't Lola niya at ang mga kasambahay.
"Thanks, Charm..." sabi niya. Nilingon ko siya. Nagtagal ang titig niya sa akin kaya nakarinig pa kami ng busina ng nasa likod dahil umusad na pala ang traffic. Narinig ko ang mura niya at pagkagat sa ibabang labi. Natawa ako ng mahina at hindi na siya nilingon.
Pulang pula ang tenga niya kanina na parang hiyang hiya. Tsk tsk!
Ilang sandali lang ay natanaw ko na ang daan papasok sa lugar namin. Agad na umayos ako ng upo at nakita kong halos mag-aalas onse na ng umaga. Bago kami umalis ay nagtext ako kay Cholo na uuwi na ako ngayon at pinasabi kong maghanda ng pananghalian dahil baka abutin kami ng tanghali at sa bahay na pakainin si Attorney Xavier.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay nilingon ko siya. Nakita kong wala siyang balak magpaiwan sa sasakyan kaya nakagat ko ang ibabang labi. Mukhang papatuluyin ko pa siya sa bahay. Medyo nakakahiya dahil hindi naman kalakihan ang bahay namin. At hindi rin katulad sa resthouse at sa opisina na centralized ang aircon! Sa bahay ay electric fan lang ang meron!
Tinulungan niya akong kuhanin ang mga gamit sa compartment ng kotse. Nagulat pa ako nang may iabot siya sa akin na mga paper bags at apat na box ng buko pie. Sa paper bag ay iba't-ibang klase ng tarts. Saan niya kaya ito binili at kailan? Hindi naman kami tumigil kanina sa mga shops.
"Ako na dito..." sabi niya na ang tinutukoy ay ang bag ko. Sinabit niya iyon sa kanyang balikat habang buhat sa mga kamay ang dalawang basket ng prutas na pinadala ng Lolo't Lola niya.
Kitang kita ko ang mumunting pawis sa noo niya. Nakagat ko ang ibabang labi. Dito pa lang sa labas ay pawis na pawis na siya. Ano pa kaya sa loob?
"Nay, andito na sila Ate!" rinig kong sigaw ni Cholo nang makarating kami. Napailing ako nang sinalubong niya kaagad ako ng yakap.
"Pasalubong?" ngiting ngiting tanong niya. Ginulo ko kaagad ang buhok niya at iniabot ang mga pasalubong na galing kay Atty. Xavier.
"Wow, ang dami, Ate!" sabi niya habang tinitignan iyon.
"Galing kay Atty, Xavier yan. Magpasalamat ka! Kasi kung ako lang, hindi kita papasalubungan pagkatapos mong lait-laitin ang eyebags ko!" biro ko. Nakita kong ngumiti si Atty. Xavier kay Cholo nang magpasalamat ito. Konting ngiti niya lang ay nakalabas na kaagad ang dimples niya. Nakita ko siyang medyo ginalaw ang ulo at nanlaki ang mga mata ko nang makitang pawisan na siya.
"Pasok, Attorney! Pagpasensyahan mo na 'tong bahay ha? Walang aircon dito!" sabi ko. Hindi siya kumibo at sumunod lang sa akin. Sumalubong kaagad sina Tatay at Nanay sa amin pagdating sa sala. Kunot ang noo ni Tatay at agad tinulungan si Atty. sa mga dala niya.
"Anong nangyare, Charm? Bakit may dala ka pang mga prutas?" tanong ni Nanay at nakatingin kay Atty. Xavier na nagpupunas ng pawis.
"Magandang tanghali po. Hinatid ko lang po si Charm. Maraming salamat po ulit sa pagpayag niyong isama ko siya..." magalang na sabi niya. Kinumpas naman ni Nanay ang kamay niya.
"Naku, wala ho 'yun, Attorney! Trabaho iyan, e. Bakit nag-abala pa kayong magdala ng mga 'yan?" napakamot naman si Atty. Xavier sa batok.
"Pinadala po ni Lola para daw po sainyo." sagot nito. Napatingin naman si Nanay sa akin. Nagtaas ako ng kilay.
"Wala akong ginawang kapalpakan dun, Nay! Promise!" sagot ko agad. Napailing naman siya at hinarap ulit si Atty. Xavier.
"Hindi mo pa naman sisisantehin 'yung anak ko, 'di ba, Attorney?" alangang tanong ni Nanay. Nagulat siguro sa dami ng pinadalang pasalubong. Tumawa si Atty. Xavier at umiling.
"Hindi po. Napasaya nga po niya si Lola. Medyo may kakulitan pero okay naman po siya..." sagot niya.
Wow ha? Hindi naman siya masyadong honest sa lagay na 'yun?
"Ganun ba? Makulit lang talaga at madaldal iyan at madalas na parang timang pero matino naman 'yan. Hindi lang masyadong halata sa itsura..." bulong pa nito na narinig ko naman. Tumawa ng mahina si Atty. Xavier. Tumaaas ang kilay ko.
Nanay ko ba talaga ito? Makalait sa'kin wagas na wagas, e!
"Paupuin mo ang bisita, Mila. Aba'y dinaldal mo na ng dinaldal, hindi mo manlang paupuin. Ang layo pa ng binyahe ng mga 'yan..." rinig kong sabi ni Tatay. Napangisi ako at lumapit kay Atty. Xavier para kuhanin ang bag ko. Kitang kita ko ang pagtaas ng kilay ni Tatay.
Siya ang nagpumilit magdala ng bag ko, 'Tay! Sumunod lang ako dahil amo ko siya!
"Oo nga pala! Sorry naman, Cardo! Nadala lang ng emosyon!" nakakalokong sabi ni Nanay kay Tatay. "Upo ka muna, Attorney! Dito ka na mananghalian, ha? Saglit na lang maluluto na iyon!" sabi nito. Ngumiti naman si Atty. Xavier at nilinga ako. Nakita kong binuksan ni Tatay ang TV. Kinuha ko ang electric fan at tinutok iyon sa'kanya. Nakita ko ang pag-iling niya.
"Ipaikot mo na. I'm okay..." sabi niya at sinulyapan ng tingin si Tatay. Infairness, marunong talaga siya makisama.
Ilang sandali pa ay tumayo na ako para tulungan si Nanay sa paghahain. Nilinga ko si Atty. Xavier na nakatuon ang atensiyon sa TV.
"Sa kusina lang ako, Attorney. Tulungan ko lang si Nanay. Okay ka lang ba dito?" tanong ko. Agad na tumango naman siya.
"Sure! Do your thing... I'm okay here. Don't worry..." sabi niya. Tatayo na sana ako nang biglang tumakbo si Cholo sa loob nang nakangiti. Kasunod niya ang bihis na bihis na si Arcie, ang bestfriend kong binabae na mukhang hindi binabae dahil sa sobrang gwapo at tikas ng pangangatawan nito.
Ang luwang kaagad ng ngiti niya ng makita ako. Agad na tumayo ako at sinalubong siya ng yakap.
"Bes!"
"I missed you!" rinig kong sabi niya. Napansin kong lalake ang boses niya kaya kumalas ako agad ng yakap at kunot noong tinignan siya. Nakita ko ang paglipat ng tingin niya sa likod ko at saka ko lang nakuha ang dahilan ng pagkilos lalaki niya.
May ibang tao nga pala dahil nandito si Atty. Xavier!
Kumunot ang noo ni Arcie kaya nilingon ko ang gawi ni Atty. Xavier at nakita kong kunot noo din siyang nakatingin dito.