Towel

1347 Words
CHARM's POV Naiilang ako kanina dahil sa kiss namin kahapon. Hindi nga ako masyadong nakatulog sa kakaisip sa punyetang kiss na 'yun! Akala niya ay nalulungkot ako dahil hindi ako nakasama sa Baguio. Palibhasa hindi kasi siya bago sa mga ganung bagay. Sigurado more than kiss pa nga ang naranasan na niya. Pero parang lalo akong nailang dahil sa naging takbo ng usapan namin kanina. Paulit ulit na tumatakbo sa isip ko 'yung sinabi n'ya. Alam mo 'yung parang sirang plaka? Paulit ulit! Nakakairita! You have a great personality and that alone makes you more beautiful and stand out.. Bwisit naman, o! Bakit ang lakas ng dating sa'kin kapag galing sa'kanya 'yung pamumuri? Arg! "Ninong!" sigaw agad nung batang karga karga ni Atty. Stanley. Singkit din ang mga mata niya na may pagkakahawig din sa tyuhin. Mukha na silang totoong mag-ama. Agad na bumaba ito sa Daddy niya at tumakbo palapit kay Atty. Xavier. Yumuko agad siya at agad kinarga 'yung bata. Ninong? So, inaanak niya pala? Ang ganda ng ngiti niya habang karga karga ito. Hindi ko alam kung bakit hindi ko agad naalis ang tingin ko sa'kanila. Hinalikan niya ang magkabilang pisngi nito at inangat sa ere. "Higher!" sigaw nito. Agad naman siyang itinaas ni Atty. Xavier ng mas mataas. Humagikgik ang bata. "Ugh! You are so heavy now, Baby! I'm seriously having a hard time lifting you up!" malambing na sabi niya at hinalikan ulit sa pisngi 'yung bata. Ipinilig ko ang ulo ko dahil parang biglang nag-hang ang utak ko sa ngiti at boses niya. Mukhang hindi kinaya ng mga braincells ko ang nakikita ng mga mata ko ngayon. Ang sarap niyang panoorin katabi 'yung bata. Sigurado, magiging mabuting Tatay 'to- Ugh! Punyeta! Bakit ba kung saan saan na naglakbay 'tong utak ko? Pero seryoso talaga... He looked so damn good with kid! Nag-aya na si Atty. Stanley na pumasok sa loob at pinatuloy kami sa magarbo nilang sala. Ang luwang ng bahay pero mukhang bagong lipat pa lang sila dahil hindi pa kumpleto ang mga gamit. Umupo kami sa sofa at katabi ko si Atty. Xavier habang kalong niya ang inaanak. Napatingin sa akin ang bata kaya ngumiti ako sa'kanya. Ngumiti rin siya pero agad ding binalik ang tingin sa Ninong nito. "Ninong, who is she?" rinig kong tanong nito. Tumingin naman si Atty. Xavier sa akin at bahagyang lumapit para akbayan ako. Natulala na naman ako sa'kanya pero pinilit kong kumalma. "She's Tita Charm. She's my girlfriend, baby. Come on, say hi!" utos niya dito. Agad namang bumaba ito sa'kanya at nag-angat ng kamay sa akin. Nakangiting kinuha ko siya at pinaupo sa kandungan ko. Nakita kong titig na titig siya sa mukha ko. Ngumiti ako sa'kanya at tinusok niya ang ibabang labi ko. "What's your name, cutiepie?" tanong ko. Ngumiti siya bago sumagot. "My name is Stella Kim Hwang! But you can call me Kim!" bibong sagot nito. Pinisil ko ang pisngi niya. Ibinalik niya ang tingin sa mukha ko at tinusok ulit ang gilid ng labi ko. "She has dimples, too, Ninong. But they are small!" sabi nito habang kunot noong hinuhuli ang dimples ko sa gilid ng lips. Natawa ako sa ka-cutan niya. Maya maya ay dumating ang isang babaeng halos kasing age ko lang. Petite siya at hanggang balikat lang ang buhok. Napatingin siya sa gawi ko at ngumiti. Tumayo agad si Atty. Stan at pinakilala siya sa akin. "Hersh, this is Charm, Xavier's girlfriend. Charm, this is Hershey. Siya 'yung partner ko sa pagfofoster kay Kim." pakilala nito. Tumayo ako at agad namang lumapit siya at naglahad ng kamay. Nakangiting inabot ko 'yun. "Hershey..." sabi niya at pinisil ang kamay ko. "Sa wakas, Zave! May napili ka rin!" kantyaw nito kay Atty. Xavier. Ngumiti lang ako at umupo na ulit sa tabi niya. Agad na inakbayan ako ni Atty. Xavier. Lumuwang ang ngiti ni Hershey. "Cute niyo!" sabi pa nito. "Kayo ni Stan, kailan aamin?" kantyaw ni Atty. Lenard dito. Sinamaan agad ito ng tingin ni Atty. Stan at inginuso si Kim na busy sa paglalaro ng buhok ko. "Sus! Never!" rinig kong sabi ni Hershey. Natawa ako nang ngumuso si Atty. Stan sa'kanya. "Never talaga sa pangit na tulad mo.." bulong nito. "Mas pangit ka!" mariin ngunit mahinang ganti naman nito. Nagtinginan sila ng masama kaya natawa na ako. Ang cute nila tignan! Maya maya ay nagyaya si Hershey sa kusina para magpatulong maghanda ng mirienda. "Sa labas muna kami. Basketball lang." rinig kong sabi ni Atty. Stan. Tumayo na rin sina Atty. Xavier. Sumunod ako kay Hershey na naniningkit ang mata sa papalabas na si Atty. Stan. "Feeling gwapo! Ang pangit mo kaya, Stanleypot!" parinig niya pa. Nakita kong ngumuso si Atty. Stan pero hindi na nakaganti ng pang aasar dahil hinatak na ni Atty. Xavier. Tumawa si Hershey kaya napatingin ako sa'kanya. "Hindi nakaganti! Buti nga!" parang batang tuwang tuwa na nakalamang sa kalaro. Napailing ako. Naiimagine ko na ganito ang eksena sa bahay nila araw-araw. Mayroong cake, lasagna at carbonara na nakahanda sa mesa kaya kumuha kami at dinala na sa labas para doon na sabay sabay magmirienda. "Kakaalis lang nila Daddy bago kayo dumating. May date pa kasi sila ni Mommy kaya hinayaan namin." nakangiting sabi ni Hershey habang palabas na kami kasunod ang dalawang kasambahay nila. Tumango lang ako at nakita naming wala na silang pang-itaas lahat. Si Atty. Xavier at si Atty. Lenard ang magkalaban at nagmistulang referee naman si Atty. Stan. Hawak ni Atty. Xavier ang bola at halos mabitawan ko ang dala dala nang makita kong nag-flex ang muscles niya nang magdribble at sinubukang i-shoot ang bola. Ang lakas ng tawa niya nang tumalon si Atty. Lenard para i-block ang tira niya pero hindi naman siya tumalon. Fake lang. Nang makita niyang tumalon ito ay agad siyang nagdribble palapit sa ring at nag-lay up. Shoot! Nakangisi siya nang tignan si Atty. Lenard. "s*x pa, Nard! Humihina tuloy tuhod mo!" kantyaw ni Atty. Stan. Nagtawanan silang tatlo. Narinig ko ang ungol ni Hershey sa gilid ko. "Bastos talaga ng bibig ng Stanley na 'yan!" "Boys..." naiiling na sabi ko. Tumango naman siya at ngumiwi pero maya maya ay ngumiti rin. "Pero mas malala tayo diyan, 'di ba?" nakangising sabi niya. Nag-approved naman ako. "Naman! Mula muscles hanggang ano nila napag-uusapan natin!" sabi ko. Humagalpak siya ng tawa at nakipag-appear sa akin. Maya maya ay lumapit na sila sa gawi namin. Dinampot ni Hershey ang damit ni Atty. Stan at ibinato iyon sa mukha niya. Sinamaan siya nito ng tingin at kinusot ang mata. "Magdamit ka na! Baka habulin ka ng pusa diyan sa tabi! Pagkamalan kang tinik!" pang-aasar niya dito. "What did you say?" lalong naningkit ang mga mata ni Atty. Stan at saka unti unting lumapit kay Hershey. Tatakbo sana ito pero agad siyang napigilan ni Atty. Stan at hinapit siya sa beywang. Tumawa siya dahil sa pagkapikon nito. "Walang ulitan!" natatawang sigaw nito. Agad na kinuha ni Atty. Stan ang dalawang kamay nito at idinikit sa kanyang matipunong dibdib. "Tinik yan, ha? Tinik yan? Baka gusto mong iba ang tumusok sa'yo..." makahulugang sabi nito. Luminga si Hershey sa paligid na tila hinahanap kung nasaan si Kim. Nang makitang nasa malayo ito ay tinalakan niya si Atty. Stan. "Itigil mo 'yang bastos mong bunganga! Marinig ka ng anak mo!" sermon nito. Napatigil ako sa panonood sa kanila nang maramdaman ang presensiya ni Atty. Xavier sa gilid ko. Nilingon ko siya. Nakabalandra ang makinis at pawisan niyang dibdib sa harap ko. Kumikintab din sa pawis ang leeg niya. Nag-iwas ako agad ng tingin at pinulot ang towel na nasa ibabaw ng poloshirt niya at inabot iyon sa'kanya. Kinuha naman niya iyon pero laking gulat ko nang sa palapulsuhan ko siya humawak at siya na mismo ang naggiya sa kamay ko para punasan ang pawis sa leeg niya! Natutulala ako at nawawala sa sarili habang ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin. Parang lalagnatin ako sa sobrang init ng aking pisngi! Shit, Bes! Towel nalang ang pagitan ng palad ko sa katawan niya. Mainggit ka, please? Hahaha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD