Chapter 4: The Lost Phone

1216 Words
Samantala, sinimulan na ulit ni Samantha ang nakakapagod na araw at hindi na ulit inintindi pa si Joaquin. She wanted to accept the cheque that Joaquin is giving to her earlier ngunit naisip niyang hindi siya ganun kababaw na babae kung kaya't hindi niya na lang tinanggap. Kikitain niya pa naman iyon. Habang nagmo-mop siya ay dinidiinan niya talaga ito. "Ang kapal kapal ng mukha ng bilyonaryo na iyon! Akala mo kung sino! Porket mayaman, ano akala niya sa akin? Parausan?! No! Kung hindi siya just-just lang edi hindi rin ako just-just lang! Hayop siya!" saad ni Samantha sa sarili na ibinubuhos ang inis sa pag mo mop ng sahig sa lower deck ng barko. "Hoy Samgirl! Aguy! Mapudpod naman 'yang sahig sayo, dahan-dahan naman!" saway sa kanya ni Callie na tatawa-tawa. "Eh kasi nakakainis!" singhal niya sa katrabaho. "Sino? Yung manager natin or yung hot fafa na guest na nagpatawag sayo kanina?" tanong ni Callie na nang aasar ang mukha at parang kinikilig pa sa tinuran niya kay Samantha. "Pareho," saad ni Samantha na bumuntong hininga. "Sino ba ang guest na iyon? Ipakilala mo naman ako, ang gwapo kasi at saka mukhang yummy!" saad ni Callie. "Wala iyon, isang hambog na guest dito sa Cruise Ship, wag na lang iyon dahil masama ang ugali niya," saad ni Samantha sa katrabaho. "Ay ganun ba, sayang type ko pa naman siya parang sugardaddy type, pero nevermind," saad ni Callie at saka itinuloy ang paglilinis at hindi na siya pinansin. "Sugardaddy? Iyon? Sugardaddy? Eh mukhang kuripot nga eh," saad ni Samantha sa isip. Nang matapos ang duty nila ay nagulat siya dahil sama-samang kumakain ang mga ka-trabaho niya sa may pantry. "Hoy! Mga aliping sagigilid! Ano?! No imbayt?! Ang sasarap ng kain ninyo hindi niyo man lang ako sinasama! Ayos ah!" pagrereklamo niya sa mga ito at saka kumurot ng chicken drumstick. "Ikaw naman Samgirl! Relax halika at umupo ka rito at iho-hot seat ka namin," saad ni Xhymich at saka tinulak ito sa upuan, kamuntik ng masubsob ang mukha niya sa hapag kainan. "Aray ah! Dahan-dahan! Maldita ka!" saway niya kay Xhymich habang ito ay natatawa lang. "Hindi mo naman sinasabi sa amin Girl, na nakabingwit ka pala ng malaking isda dito sa Cruise ship," saad ni Karen. "Isda? Saan? Tara na at kaliskisan natin, para mailuto na at makain, tamang tama bagay iyon dito sa sawsawan oh," saad ni Samantha habang kumakain. Sa totoo lang kasi ay kalaban nila ang gutom sa paggawa ng trabaho nila at nakakakain lang sila kapag may extrang oras, sa dami ng guest sa Cruise Ship ay hindi na sila magkandaugaga kaka-assists kaya kapag may pagkakataon ay kumakain sila ng patago upang magka laman man lang ang tiyan nilang kumakalam at magkaroon ng kaunting lakas para makapag assists at makapaglinis na ulit. Sinabunutan naman siya ni Xhymich. "Boba! Hindi literal na isda, ang tinutukoy namin ay gwapong mayaman, malaking isda, the famous Joaquin Dela Vega, kaibigan niya lang naman ang may-ari nitong Cruise ship," saad ni Xhymich, nagulat naman si Samantha at napanganga at napatigil sa pagkain. "Kaibigan niya ang may ari nitong Cruise Ship? Kaya pala nasa VIP Cabin siya, eh teka muna, paano niyo nalaman iyon?" tanong ko sa kanila. "Hinahanap ka niya ulit sa cabin natin kanina at nagtanong-tanong siya sa amin," saad ni Jennilyn. "Girl! Ang haba ng hair mo, hanggang dito na sa akin, natatapakan, mygosh!" saad ni Doreen. "Saan mo ba siya nakilala, Samgirl? Baka naman may kapatid 'yan," saad ni Jean. "Alam mo bang siya ang nagbigay nitong mga pagkain na 'to, Ate! Ang bait niya!" saad naman ni Joy "Nagpakilala siya sa amin na boyfriend mo raw siya, grabe ang haba-haba ng buhok mo doon, Girl ang sarap gupitin eh! Hindi ka man lang nagsasabi sa amin, parang hindi tropa ah!" saad ni Xhymich. "Ano?! Hindi ko siya boyfriend noh, at saka si Alex lang ang boyfriend ko!" pagtatanggol ni Samantha sa sarili. "Sus, iwan mo na iyon! Wala namang pera iyon! Si Joaquin, marami, Girl! Huthutan mo na, katasin mo na ng katasin, Girl!" saad ni Xhymich na tatawa-tawa. "Tang 'ina niyo hindi ako ganoong klase ng babae! Ligpit niyo na nga 'yang mga pagkain na 'yan! Walang kakain ng bigay ni Joaquin! Walang kakain sa pamilyang 'to!" saad niya na masama ang loob at lumabas ng cabin nila, tapos na rin naman na ang duty nila kung kaya't libre na ang oras niya. Nag unwind siya sa deck, gabi na naman kung kaya't Kitang-kita niya ang makikinang na bituin sa kalangitan at ang buwan na nagsisilbing ilaw sa madilim na karagatan. "Kamusta na kaya ang pamilya ko? Kamusta na kaya si Alex? Ang tagal ko ng walang balita sa kanila, iniisip rin kaya nila ako?" saad ni Samantha sa isip. "There you are, kanina pa kita hinahanap eh, bakit ba ang hirap mong hagilapin?" napalingon siya sa nagsalitang si Joaquin na ngayon ay nakatayo na sa kanyang harapan. "You again? Anong ginagawa mo dito? At saka ano iyon? Bakit binigyan mo ng pagkain ang mga ka-trabaho ko? At bakit nagpapakilala ka sa kanilang boyfriend ko? Talaga bang gagawin mong miserable ang buhay ko dito sa Cruise ship? Well, you're winning now, happy?" sarkastikong saad ni Samantha kay Joaquin. "Ginagawa ko 'to dahil ayaw mong umamin sa akin na ikaw si Noreen, pinakiusapan ko pa ang kaibigan kong si Richard Weighman na may-ari nitong Cruise ship na kung pwede kong makita ang listahan ng mga passengers dito ngunit walang ibang Noreen dito kundi ikaw lang! Your name is Samantha Noreen Villaluna, right?" tanong ni Joaquin sa kanya. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako si Noreen? Pakialam ko kung hinahanap mo ang girlfriend mo?!" mataray niyang saad nito. "Oh, so you're not Noreen? Okay, naiwan niya kasi itong cellphone niya sa akin," sabay pakita kay Samantha ng cellphone niyang nawawala, "ang ganda noh? Mana sa may-ari itong cellphone na 'to eh, malinaw siguro camera nito kaso hindi ko mabuksan eh, hindi ko alam password sayang naman, maybe I'll just throw this to the Pacific ocean," saad pa ni Joaquin na akmang ibabato nga ang cellphone. "Amin na 'yan! That's my phone!" saad niya na nakikipag agawan kay Joaquin, itinaas niya naman ang kamay niya upang hindi maabot ni Samantha ang cellphone. "I thought you're not Noreen, so hindi sayo 'tong cellphone!" saad pa ni Joaquin na nang aasar at natatawa sa kanya dahil hirap na hirap ito na abutin iyon sa kanya dahil mas matangkad siya sa dalaga. "Amin na nga sabi! Akin yan, cellphone ko yan!" saad ni Samantha na naiinis na habang nakikipag agawan pa rin kay Joaquin. "Aminin mo muna sa akin na ikaw si Noreen," saad ni Joaquin na tatawa. "Fine, I'm Samantha Noreen Villaluna! Argh! Nakakainis ka! Amin na ang cellphone ko!" saad ni Samantha na tumalon na upang makuha niya ang cellphone niya ngunit nagulat si Joaquin sa pagtalon niya at nabitawan nito ang cellphone at tumilapon iyon sa dagat ngunit nasalo naman siya ni Joaquin at napadagan si Samantha sa kanya. Kamuntikan na silang maghalikan ngunit kaagad na tumayo si Samantha at tinanaw ang cellphone niya ngunit talagang nahulog na iyon sa dagat. "Nakita mo na ang ginawa mo?! I hate you! I hate you so much Joaquin!" singhal ni Samantha sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD