KINABUKASAN ay nagising si Samantha sa hindi pamilyar na lugar. Masakit na masakit ang buong katawan niya at mahapdi ang kanyang p********e ngunit kailangan niya ng umalis dahil baka magising pa ang lalaking katabi niya na wala ring saplot.
Kaagad siyang nagbihis dahil late na siya sa trabaho. Siguradong lagot na naman siya sa Manager nilang si Jospehine.
Bagama't masakit pa at nanginginig ang kanyang mga tuhod ay pinilit niyang makalabas sa VIP Cabin na iyon at saka tumakbo dahil late na talaga siya.
Dali-dali siyang nagbihis ng uniporme niya at saka lumabas ng cabin nila.
Paglabas niya ay saktong nakahilera na ang mga kasama niyang cabin stewardess at tinatawag ang pangalan nila isa-isa.
Nakasimangot ang manager nilang si Jospehine habang hawak hawak ang listahan ng pangalan ng mga cabin stewardess.
"Villaluna, Villaluna!" dali-daling humilera si Samantha nang marinig niya ang pagsigaw ni Josephine sa apilido niya.
"Ma'am, present!" saad niya.
Inobserbahan siyang mabuti nito at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Lumapit pa ito sa kanya at tinititigan ang kanyang mukha.
"You're late," mataray na saad nito.
"I'm sorry Ma'am tinanghali po kasi ako ng gising," paliwanag niya sa mataray na manager.
"Hindi excuse ang tinanghali ng gising! At dahil dyan ay mag o-over time ka mamaya ng 1 hour para madala ka at wag mo ng ulitin pa ang ginagawa mong kapabayaan!" sigaw nito sa kanya.
Humarap siya sa aming lahat.
"Ayusin nyo yang mga uniporme ninyo! Ang tatagal na ng iba rito hindi pa rin marunong mag ayos ng sarili! Ikaw Xhymich! Yang skirt mo, sinabihan na kita na wag mong iklian pero ginagawa mo pa rin, hindi ka pokpok dito! Cabin crew ka! Ikaw naman Jean, pag may mga gamit kang nakikita itabi mo kaagad para hindi ka napagkakamalang magnanakaw, at ikaw Joy, bawas-bawasan mo ang kaka-cellphone mo sa oras ng trabaho! Kaya hindi ka makapag concentrate paano dutdot ka ng dutdot! Hindi tayo naglalaro dito o nagpapakasarap sa buhay kaya kumilos kayo ng tama!" naiinis na paalala ni Josephine sa kanila.
"Opo Ma'am," saad nilang lahat na walang nagawa at sumang ayon na lamang.
"Hala sige! Magtrabaho na kayo! Ayusin ninyo ah!" saad ulit nito at sumunod naman ang mga cabin crew.
"If I know, inggit lang siya sa makinis kong legs kaya niya nasabing maikli ang skirt ko, okay lang naman, hindi ba?" tanong ni Xhymich kay Callie na nakangiti lang sa kanya.
"Hayaan mo na, baka nire-regla lang si Ma'am kaya mainit ang ulo," saad nito.
Tumaas naman ang kilay ni Xhymich at nagsalita,"Niregla din naman ako pero hindi ako ganyan ka-sungit, Girl!"
Kanya-kanya na silang linis, iniiwasan ni Samantha si Xhymich dahil tatanungin siya nito pag nakasalubong niya ito sa paglilinis ngunit ang nakasama niya ngayon sa paglilinis ay si Doreen.
"Hey, Samgirl! Saan ka galing at bakit late ka?" tanong ni Doreen sa kanya.
"Lasing tayo kagabi noh, tinanghali talaga ako ng gising," tugon niya na ayaw ipaalam kagabi na may nakilala siyang gwapong mayaman na naka-one night stand niya.
"Excuse me, kayo lang ang lasing dahil iniwan niyo ako kay Dave!" singhal ni Doreen kay Samantha.
"Edi wow! Ayaw mo pa? Kumusta na pala kayo ni Dave?" Tanong ni Samantha sa kanya upang kay Doreen mapunta ang topic at hindi sa kanya.
Lumapit siya kay Samantha at binulungan ito, "Nag s*x kami kagabi,"
Napatalon at napahiyaw pa si Doreen sa sinabi niya samantalang si Samantha ay nagulat lang dahil ganon din ang nangyari sa kanya kagabi ngunit pinilit niyang wag madala ng sariling emosyon.
"Grabe Beshy! Ang laki at yung abs! Perfect! kaya ang sarap ng ungol ko kagabi!" saad pa ni Doreen na tuwang-tuwa.
Napangiti na lamang si Samantha dahil hindi niya maiwasang wag maalala ang nangyari sa kanila ni Joaquin kagabi. Tandang-tanda niya pa rin kung paano siya hawakan nito at ramdam niya pa rin ang mga labi nito sa kanyang labi at ang mga kamay nitong lapastangang humawak sa kanya kagabi ngunit alam niya sa sarili niyang hindi na mauulit pa iyon at hindi niya na ulit makakadaupang palad pa si Joaquin dahil isa lamang siyang hamak na cabin stewardess.
Nagmo-mop na siya ng sahig sa may lobby nang mag krus ang landas nila ni Xhymich.
"Hoy Babae! Saan ka galing kagabi huh?! Hindi ka natulog sa Cabin natin! Tawag kami ng tawag sayo pero hindi ka naman sumasagot!" saad ni Xhymich, nanlaki naman ang mata ni Samantha sa gulat dahil naalala niya ang cellphone niya.
Hindi niya pa iyon nahahawakan simula kaninang umaga kung kaya't kinapa-kapa niya ang uniporme ngunit wala doon.
"Hala! Cellphone ko, nawawala!" saad niya kay Xhymich.
"Anak ng tokwa naman Samgirl! Kaya pala hindi kita makontak! Nasaan ang cellphone mo? Saan mo iniwan?" sunud-sunod na tanong ni Xhymich ngunit hindi niya na pinansin ang kaibigan at nag abalang hanapin ang cellphone niya.
Samantala, nagising si Joaquin sa Cabin niya na masakit na masakit ang ulo niya at napatingin sa gilid niya ngunit wala na ang babaeng nakasama niya kagabi. Pilit niyang inaalala ang pangalan ng babaeng iyon.
I'm sure her name is Noreen.
Saad niya sa sarili habang hinahanap ang mga damit niya, napansin niya ang dugo sa bedsheets.
Damn that woman, she's a virgin at ipinaubaya niya lang sa akin ang katawan niya ng ganon ganon lang at pagkatapos ay iiwanan niya na lang ako dito sa Cabin ko mag-isa, hays,
Nag shower si Joaquin at nilinis ang sariling katawan, naaalala niya ang pagka lasing niya kagabi at hindi na napigilan pang sumuka sa bowl. Masamang masama ang pakiramdam niya ng araw na iyon.
Nang matapos siyang magbihis ay akmang lalabas na siya ng Cabin ngunit nakalimutan niya ang watch niya kung kaya't bumalik siya at kinuha iyon ngunit nakakita siya ng cellphone na katabi ng watch niya.
Kinuha niya iyon at binuksan at pagka-flash ng screen ay nakita niya ang picture ni Noreen. Napangiti siya at umiling-iling.
Huh, babalik ka rin sa akin, my dear Noreen, cellphone mo pa talaga ang iniwan mo huh,
Isang desisyon ang nabuo sa kanya ng araw na iyon, he will find Noreen on that ship no matter what ngunit paglabas niya ng Cabin ay napabuntong hininga siya, paano niya sisimulang hanapin ang babaeng iyon? Sa laki ng Cruise Ship ay mukhang kulang ang isang araw para libutun iyon pero susubukan niya pa rin kapag nakahanap siya ng oras.
Meron kasi siyang importanteng meeting sa Romualdez Group of Companies. Ang kasama niya lang naman sa Cruise Ship na iyon ay walang iba kundi ang sikat na sikat na business tycoon na si Renzo Romualdez at ang napakagandang asawa nito na si Rossy Romualdez.
"Greetings, Mr. and Mrs. Romualdez, it's a pleasure to finally meet you," saad sa kanila ni Joaquin at iginiya sila sa boardroom na naroon.
Nang matapos ang agreement nila at pagpirma ng kontrata ni Mr. Romualdez ay uminom siya ng brandy kasama ito, nagpaalam naman si Mrs. Romualdez na may mahalaga siyang aasikasuhin.
Hindi maiwasang wag mapatingin ni Joaquin sa asawa nitong si Rossy dahil postura ito, mala-kutis porselana ang balat at ang mukha ay mala-anghel sa ganda.
"You have a very beautiful and lovely wife, Renzo," saad niya sa kaigan.
"Yes, indeed, she is really beautiful with a bright mind of course, almost a perfect woman," pag sang ayon ni Renzo sa kanya.
Tumalikod silang dalawa at pinagmasdan ang magandang view sa deck nang makaalis na si Mrs. Romualdez.
"Your wife died a long time ago with your child on her belly, right? Why don't you try to… love again?" seryosong saad ni Renzo dahil pakiramdam niya ay napaka lungkot ng buhay ni Joaquin.
"Renzo naman, matanda na ako, sino pa ang magkakagusto sa akin sa edad kong 'to?" saad niya sa kaibigan.
"Joaquin, age is just a number at saka you're aging like a fine wine, magandang lalaki ka naman, responsable, you're a good man,try mo lang," saad pa ni Renzo, bigla namang sumagi sa isip ni Joaquin ang babaeng kaniig niya kagabi.
Kinuha niya sa bulsa nito ang cellphone nito, sinubukan niyang buksan iyon ngunit may password kung kaya't binalewala niya na lang at ibinalik sa bulsa niya.
Noreen, where are you? I want to see you again.
Samantala, naglinis ng naglinis ang mga cabin Stewardess ng maghapong iyon hanggang sa nagsi-pahinga na ang mga kasama ni Samantha at naiwan siya. Badtrip na badtrip siya dahil hindi niya makita ang cellphone niya, halos mabaliw na siya kakahanap at kakaisip kung saan niya iyon nalagay ngunit hindi niya talaga matandaan kung naiwan niya ba iyon sa Bar or sa cabin ni Joaquin.
"Sam!" nilingon niya si Josephine na tinawag siya.
"Oh, ito ang huli mong designated room, overtime ka ngayon diba? Linisin mo 'yan, VIP Cabin Suite number 69," saad ni Josephine na binigyan siya ng mataray na tingin at inilagay sa kamay niya ang master key card.
"Ayusin mo huh, VIP room yan, pag may nag reklamong customer dyan ay malilintikan ka talaga sa akin," saad pa ni Josephine.
Tumango na lang si Samantha at saka pumunta sa designated room na iyon pero parang natatandaan niya ang kwarto na iyon.
Hindi kaya ito yung Cabin ni Joaquin? Hay naku, bakit naman kasi pare-pareho ang hitsura ng mga Cabin dito?!
Reklamo niya sa sarili dahil hindi niya man lang nagawang silayan ang Cabin Suite ni Joaquin para malaman sana ang Cabin nito at mahanap ang cellphone niya.
Kasi naman Samantha, basta basta ka na lang sumasama doon hindi mo naman lubusang kilala ang lalaking iyon! Nawala pa ang cellphone mo dahil sa kalandian mo! Ngayon wala kang balita sa boyfriend at sa pamilya mo, naku, patay ako nito kay Alex my loves!
Sabi-sabi pa ako sa kanya na siya lang, pero ipinaubaya ko na ang sarili ko sa iba, but Joaquin is just simply nice, thoughtful and a real gentleman, although he's older than me, he was really good looking and dashing. I can sense that he was a good person. A walking green flag.
Ang kanyang matipunong katawan, ang mga bisig na handang yumapos sa akin, ang kanyang labi na napakasarap halikan, ang mga matang kung tumingin ay nakakatunaw at ang mga kamay niyang handang umalalay at ingatan ako anumang oras, sino ba naman ang makakatanggi sa ganon? Tila ba baliw na lang yata ang tatanggi.
At higit sa lahat mayaman, he can even save me from my unfortunate life. Hay naku, Samantha, bakit mo ba naiisip yan?! Mabuti kang tao at hindi ka mapagsamantala sa kapwa kaya tigilan mo ang pag iisip ng ganyan.
Saway niya pa sa sarili ngunit binalewala niya na lang ang isiping iyon at sinimulan ng maglinis.
Habang naglilinis ay hindi niya maiwasang mapatingin sa napaka gandang VIP Cabin Suite, minsan lang kasi siya magawi rito dahil puro regular cabin lang ang nililinis niya ngunit ang Cabin na ito na nililinis niya ngayon ay VIP room kung kaya't iginala niya na ang paningin sa paligid, napakaganda ng lugar, ang kwarto ay kulay ginto at ang mga gamit katulad ng Sofa, LED TV, Wooden tables, mga designs at paintings ay napaka gara at pang mayaman talaga, napunta siya sa bathroom at nakita ang jacuzzi, napaka ganda doon.
Tinignan niya ang wristwatch niya at konti na lang ay matatapos niya na ang overtime niya kung kaya't hinubad niya ang suot niyang uniporme at inilugay ang kanyang buhok at sumampa sa jacuzzi, wala siyang tinirang saplot sa katawan niya, inayos niya rin ang temperature ng tubig upang maging maligamgam iyon.
Nang mailublob niya ang katawan sa jacuzzi ay napapikit siya dahil pairamdam niya ay unti-unti ng napapawi ang stress at pagod niya sa maghapong pag gawa. Sobrang pagod na pagod siya at gusto niya lamang magpahinga kung kaya't sinamantala niya na ang pagkakataon na iyon upang maligo, wala naman kasing jacuzzi sa cabin nila at ngayon lang siya nagawi ulit sa isang VIP room. It's a once in a lifetime moment for her.
Sabihin na nilang malakas ang loob niyang gawin iyon ngunit hindi nila masisisi si Samantha, it's one of the grandest ship in the world, primera klase at tanging mga mayayaman lamang ang nakakatapak sa lugar na ito at siya ay hamak na sinuwerte lamang na nabigyan ng oportunidad na magtrabaho dito kung kaya't lulubos-lubusin niya na ang natitira niya pang panahon upang makapag enjoy rito kahit na nagta-trabaho.
This is life. Ika nga.
Napatingin siya sa bintana ng cabin na nasa gilid ng jacuzzi, ang bilog na buwan na siyang nagpakinang sa napakalawak na karagatan ang tanawin doon, napakaganda, sayang nga lang at wala ang cellphone niya upang kunan iyon ng litrato.
Kumusta na kaya si Ian? Ano na kayang ginagawa ni nanay at tatay? Nag-aaral kaya ng mabuti si Victor?
Iyon ang tanging nasa isip niya habang nakababad ang katawan sa jacuzzi at nakatingin sa bintana.
Unti-unti ay dinalaw siya ng antok.