Nakababa na ng barko si Joaquin at sinalubong siya ng driver niyang si Fredo, dala nito ang kotse niyang Montero Sport. "Welcome back, Sir," pagbati nito sa kanya ngunit wala siya sa wisyo, iniisip niya pa rin kasi si Samantha. "Salamat," saad niya kay Fredo nang kunin nito ang mga bagahe niya at isakay sa kotse. Sumakay na siya sa backseat, at sinimulan ng mag drive ni Fredo. Habang palayo ay lumingon si Joaquin sa may likod upang tanawin ang Cruise Ship na nagbababa ng mga pasahero. Mukhang naiwan ata ang puso niya sa Cruise Ship na iyon dahil hindi siya mapakali, he wanted to go back and kiss Samantha's soft and sexy lips ngunit naaalala niyang ang dalaga na mismo ang umiwas sa kanya. "Why did she have to do this to me?! Damn that woman!" Masamang masama ang loob ni Joaquin