Madi’s pov NAPATINGIN si Joaquin sa kanya habang kinukuha niya sa bag ang baong jacket. Nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa kanya. “Para saan yan?” tanong sa kanya ni Joaquin. “Nakakahiya naman kasi sa parents mo kung makikita nilang ganito ang ayos ko,” sagot niya. Inihanda niya talaga ang jacket kung sakali man na haharap siya sa magulang ng lalaki. Ngumiti sa kanya sa Joaquin. “Hindi mo kailangan yan,” wika sa kanya ni Joaquin kaya napatingin siya sa lalaki. “May sarili akong bahay at isa pa out of the country ang mga magulang ko,” wika pa nito. “Dapat ba ako maging masaya?” tanong niya sa lalaki. “Oo naman dahil masosolo mo ako,” pilyong wika sa kanya ni Joaquin. Huminto ang sasakyan ni Joaquin sa Southworld village sa Makati. Kilalang maya