Mari’s pov DINALA ni Mari ang kanyang painting sa apartment ni Dominic. Hindi namalayan ni Dominic na nakakuha siya ng duplicate key sa bahay nito. Wala si Dominic nang dumating siya. Wala ang kotse nito sa loob ng garahe. Malinis ang buong kabahayan. Nakangiti na ibinaba niya niya ang kanyang bitbit sa maliit na table na yar isa kahoy. May dala rin siyang pagkain para sa lalaki. Inayos niya iyon sa refrigator nito nang may narinig siyang bumukas ng gate. Agad siyang nagtago sa CR sa takot na baka may kasama si Dominic. Lumakas ang kabog ng kanyang puso. Tumatambol iyon. Ngayon niya lamang naramdaman ang ganoong pakiramdam. Ang gusto niya lang sana ay magpasalamat sa lalaki. At ang makita ito dahil tatlong araw na nitong ginugulo ang kanyang isipan. Naglakas loob lamang siyang du