Chapter 19–Labahan

2173 Words

Chapter 19 Zai POV NAGISING ako mula sa ingay sa labas. Bigla akong nagmulat ng mga mata nang maalala ang pangyayari kagabi. Hubo't–hubad akong lumabas sa kwarto ni Zane kagabi pagkatapos niya akong pahiyain. Hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog kagabi, dumiretso ako dito sa bodega na sinasabi ni Zane. Kahit papano nagpapasalamat ako at may maliit na higaan dito, marami nga lang mga box at mga librong pang–medisina tiyak kong pag–aari lahat ni Zane. Naghalungkat ako sa mga box nagbabasakaling makakita ako nang maisusuot buti na lang at may nakita akong mga bestida na mga luma sa isang box. Maayos pana man sila suotin kaya kumuha ako ng isa at ito ang isinuot ko, habang ginagawa ko ang bagay na iyon---wala naman tigil kakatulo ang mga luha ko. Masakit ang sobrang pang–iinsult

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD