TATUM'S POV
"Tatum."
Nilingon ko ang nagsalita at nakita si dad na naglalakad palapit sa akin.
"Nasaan ang magaling mong kapatid?" Malamig nitong tanong habang walang emosyon ang kaniyang mukha. Agaran naman akong napa-iwas ng tingin at napakamot sa aking batok.
"Iniwan ko po sa school dahil abala siya sa paggawa ng projects niya." Pagsisinungaling ko at ibinaba ang aking kamay sabay tingin ng diretso sakaniya. "Dad, hindi naman ata tama na panlamigan mo at pagsabihan ng masasakit na salita si Toose. Kahit papano ay anak niyo parin siya." Pangangaral ko pa rito.
"Wag kang umastang may pakialam ka."
Nilingon namin ni dad ang nagsalita at nakita si Toose na kakapasok lang sa pinto. Gaya ng dati ay umuwi nanaman ito na puno ng pasa ang mukha.
"Tignan mo kung gaano ka-miserable ang buhay niya." Bulalas in dad at umiling-iling sabay harap kay Toose. "Hoy lalaki, kung araw-araw mong hinahanap ang sakit ng katawan ay sabihin mo lang sa akin at ako ang sasapok sayong hangal ka." Sermon nito.
Akmang susugurin niya na ito mabuti nalang at mabilis ko siyang naawat bago pa sila magkasakitan.
Hindi umimik si Toose at dinaanan lang kami in dad na para bang wala siyang nakita, nang dahil dun ay mas lalong nagalit si dad sakaniya.
Hinabol naman ni dad si Toose at hinawakan ang braso nito sabay pihit sakaniya paharap.
Napabuntong hininga nalang ako sa kalagayan namin. Heto nanaman kami.
"Hanggang ngayon ay hindi mo parin ako nirerespeto. Akin na ang car key, wallet, at phone mo." Ma-awtoridad na hayag ni dad na agad namang ginawa ni Toose.
Inilabas nito ang mga bagay na hinihingi ni dad at padaskol na inilapag iyon sa palad ni dad.
"Simula ngayon, gusto kong makikita na kita rito sa loob ng bahay ng 4 pm at hindi ka pwedeng pumunta sa kung saan mo gusto ng hindi kasama si Tatum."
Kapwa kami natigilan at nanlaki ang mata sa sinabi ni dad. Bakit pati ako at nadamay sa usapan nila?
Oo gusto kong mapalapit kay Toose para magka-ayos na kami pero ayokong lagi nalang nakabuntot sakaniya dahil paniguradong mas lalo lang siyang magagalit sa akin, ayaw na ayaw niya pa namang nakikita ang pagmumukha ko.
"Pero-"
"Wala ng pero pero." Agarang sambit ni dad ng hindi pinapatapos ang sinasabi ni Toose kaya naman wala itong nagawa kundi ang suminghap at padabog na naglakad patungo sa kwarto niya. "Tatum, gusto kong bantayan mo siya ng maigi. Tulungan mo akong ayusin ang buhay niya at gawin siyang responsableng lalaki." Pagkaka-usap naman sa akin ni dad na tinanguan ko.
Para namang may angal ako.
"Chad, heto na ang susi." Wika ni yaya Britney sabay abot kay dad ang isang susi.
Masama ang pakiramdam ko sa ibig sabihin ng susing iyon.
Umalingawngaw ang malakas na kalabog na nagmumula sa itaas na para bang may kung sinong malakas na sumipa sa pinto, kasunod nun ay nakita ko si Toose na nagpupuyos sa galit na nakatayo sa hagdan.
"Pati ba naman ang sarili kong kwarto ay ipagbabawal mo?!" Asik nito at inis na ginulo ang kaniyang buhok.
"Kasama mo nang matutulog si Tatum sa kwarto niya at hindi maibabalik lahat ng gamit mo hanggang hindi ka nagtitino." Sagot naman ni dad rito na mas lalo kong nginiwian.
Damay nanaman ako.
"DAMN YOU!"
Kulang nalang ay magiba na ang bahay sa pagdadabog niya. Napangiwi pa ako ng malakas na umalingawngaw ang pagsarado ng pintuan ng kwarto ko. Kawawa naman ang mahal kong kwarto.
Bumalik sa reyalidad ang pag-iisip ko ng ilahad sa akin ni dad lahat ng gamit ni Toose na kinolekta niya kani-kanina lang.
"Itago mo yan, tsaka mo na ibalik kung alam mong nagtitino na siya. May tiwala ako sayo at alam kong hindi mo siya kukunsintihin. Nagkaka-unawaan ba tayo?" Anito.
Kinuha ko ang mga gamit na iyon at tanging pagtango lang ang naisagot ko. Tinapik naman ako nito sa braso at naglakad na paalis.
Bumuntong hininga ako at inilagay sa loob ng aking bag ang mga gamit ni Toose sabay lakad na patungo sa aking kwarto. Pagbukas ko palang ng pinto ay bumungad na sa akin ang nagkalat kong mga damit sa sahig.
Pambihira, isang minuto palang siyang narito pero parang may malakas ng bagyong sumalanta sa apat na sulok ng kwarto ko. Ito ang ebidensya kung gaano siya kagalit sa araw na ito.
"Toose, kung hindi mo kayang maging malinis sa kwarto mo ibahin mo ang kwarto ko." Panenermon ko rito at sinimulang pulutin ang mga damit kong nagkalat sa sahig.
Wala namang ibang gagawa nito kundi ako. Hindi ko rin siya mauutusang ayusin ang mga ginulo niya kaya kapilitan talagang ako ang gagawa.
"Ayoko." Matigas nitong sagot at tumagilid ng higa sa kama ko.
Napailing nalang ako at inayos ang buo kong kwartong ginulo niya. Isa ito sa pagkakaiba namin. Mas gusto kong malinis ang kwarto ko dahil napaka-aliwalas tignan, habang siya ay mas gustong makalat at hindi ko alam kung anong dahilan niya. Siguro ay normal lang iyon dahil babae ako at lalaki siya.
Matapos iyon at nameywang ako at tinignan si Toose. Sunod-sunod ang pagsinghap nito at kahit na nakatalikod sa akin ay nakikita ko ang pagngiwi niya habang hinahaplos ang kaniyang pisngi. Agaran naman akong nakaramdam ng awa sakaniya kaya lumabas ako ng kwarto ko at nagtungo sa baba.
Kumuha ako ng ice bag at first aid kit sabay lakad pabalik sa kwarto ko. Naupo ako sa tabi ni Toose at inilapag ang bag ng first aid kit sa ibabaw ng kama sabay lahad sakaniya ng ice bag.
"Mas mabuti kung gagamutin mo yan imbes na pinagtitiisan ang sakit." Turan ko rito subalit hindi niya ako pinansin. "Toose." Pagtatawag ko pa sakaniya.
Naupo naman ito at hinarap ako. Nagkatinginan kaming dalawa hanggang sa bigla niya nalang akong sinapak sa mukha.
"Gamutin mo ang sarili mo, tch." Usal nito at bumalik sakaniya ng pagkakahiga.
Napasinghal nalang ako at nasapo ang aking pisngi. Agaran naman akong napangiwi ng maramdamang masakit iyon kaya naman sarili ko nalang ang ginamot ko.
Deputa! Babae ako pero nagawa niya akong sapakin?!
"Ganito ba kalala ang pagkamuhi mo sa akin?" Tanong ko sakaniya habang abala ako sa panggagamot sa sarili kong mukha.
Dagdag gulo nanaman ito kapag nalaman ni dad na sinuntok niya ako.
"Kulang pa yan. Gustong gusto kitang suntukin hanggang sa mamatay ka pero papatayin din ako ni dad kapag ginawa ko iyon, tsk." Sagot nito sa malamig na boses na nginusuan ko.
"I see." Tangi kong bulalas at napatingin sa ibang direksyon. "Pero alam mo bang ang sakit sa pakiramdam na naririnig ang mga katagang iyan mula sa nakababata kong kapatid?"
"Shut up."
Napayuko nalang ako at bumuntong hininga.
"Hindi mo ako pwedeng bastusin sa sarili kong kwarto, Toose." Seryoso kong sambit na agaran niyang ikinabangon sakaniyang pagkakahiga at hinarap ako.
"At hindi mo rin ako mapapasunod sa lahat ng nanaisin mo." Hayag nito at binato niya ng unan ang mukha ko. "Sa sahig ka matutulog."
Niyakap ko ang unan na ibinato niya sa akin at nahiga sa kama ko. Gusto ko ngang maayos na ang gusot sa pagitan naming dalawa pero hindi sa lahat ng oras ay kailangan kong pairalin ang pagiging mabait ko.
"Nagpapaka-isip bata ka nanaman. Umalis ka na diyan at sa sahig ka mahiga!" Asik nito sa akin at pinagtutulak niya ako para lang makaalis ako sa kama ko pero hindi ko naman hinayaang mangyari iyon.
Tuloy-tuloy lang siya sa pagtutulak sa akin hanggang sa madala niya na ako sa dulo. Natigilan ako ng mapagtantong wala na ng ibang matutuntungan ang katawan ko pero mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng sugurin ako ni Toose at itinulak gamit ang kaniyang dalawang kamay.
Tuluyan na ngang nahulog ang katawan ko pero naisama si Toose dahil nasa pagitan ng hita niya ang mga paa ko.
Napangiwi ako sa sakit ng pagkakabagsak ng katawan ko sa sahig pero sumeryoso naman ang mukha ko ng makita ng malapitan ang mukha ni Toose dahil nakapaibabaw ito sa akin. Ngayon ko lang napagmasdan ng ganitong malapitan ang mukha niya at masasabi kong hindi nga nagkamali ang mga babae na pagkaguluhan siya kahit na napakabasagulero niya.
Kapwa kami walang imik habang pinagmamasdan ang mukha ng isa't isa, pero bumalik sa reyalidad ang pag-iisip ko ng maramdaman ko ang sobrang pananakit ng aking likuran.
"Toose, umalis ka na sa ibabaw ko." Sambit ko sakaniya na ikinakurap nito at sinundan ng pagngisi ng kaniyang labi.
"Bakit? Naiilang ka?" Mapang-asar nitong saad na agaran namang ikinakunot ng noo ko.
"Ang sakit na ng likod ko dahil sa pagkakabagsak kaya umalis ka na." Pagtataboy ko rito pero hindi parin siya umaalis. "Ayaw mo?" Mapanghamon kong hayag pero mas lalo lang tumaas ang gilid ng kaniyang labi.
"Ayo-"
Iniangat ko ang aking kamay at ihinawak iyon sakaniyang batok. Hinila ko naman siya palapit sa akin hanggang sa maglapat ang aming mga labi na halatang ikinagulat niya.
Alam kong napakalaking kalokohan itong ginawa ko pero hindi bale na. Magkapatid naman kami kaya wala namang masama, siguro.