Chapter 18

1024 Words
Halatang nabigla ang binata. “A-anong gagawin mo doon? Gaano ka katagal. Bakit ang bilis? Wala kang nabanggit sa akin?” Kumilos siya at naglakad patungo sa harap ng kotse nito at sumandal doon. Sumunod ito at sumandal din sa tabi niya. “Bago tayo magkakilala ay nag-aayos na ako ng mga papeles sa pagpunta ko doon. Hindi ko nababanggit sa iyo dahil hindi ko naman naisip na kailangan. Isa lang naman tayong normal na magkaibigan. Iyon ang alam ko. Isa pa, ayaw ko talagang pinagsasabi ang tungkol sa pag-alis ko, kahit sa mga malalapit kong kaibigan, hangga’t hindi pa sigurado kung approved ang visa ko. Kakalabas lang ng resulta ko ng nakaraang linggo at pumasa ako para magkaroon ng visa. Kinuhanan kaagad ako ng tita ko ng ticket papunta doon.” Hindi nakapagsalita ang binata. Nanatiling nakatitig sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Nabasa din niya ang mga tanong base sa reaksiyon ng mukha nito. Muli ay huminga siya ng malalim bago nagpatuloy. “Pupunta ako doon para magtrabaho. Para kahit papaano ay mabigyan ko ng magandang buhay ang pamilya ko. Para makapag-ipon kahit kaunti baka sakaling maipagpatuloy ko ang pag-aaral ko. Maipapagawa itong bahay namin. Makapag-ipon sa pag-aaral nila Gerom at nang kambal. Malaki na ang kikitain ko sa loob ng anim na buwan. Alam kong sandali lang iyon at …” nagkibit-balikat siya. “Bahala na kung anong mangyari sa akin sa anim na buwang nandoon ako.” “Six months… mabilis lang ang six months…. I can wait Riki. Pero puwede ka namang hindi pumunta doon. Kaya kitang tulungan. Sa pagpapaaral sa mga kapatid mo. Sa pagpapalago ng puwesto niyo. Tutulungan din kitang makapagpatayo ng bahay niyo ---.” “Perry…” putol niya sa mga sasabihin pa nito saka siya umiling. “…hindi… siguro ay wala akong ideya sa kung ano ang kaya mong gawin at kung ano ang mga kaya mong ibigay. Siguro ay kaya mong ibigay sa akin lahat ng pwede kong hilingin sa’yo…. Pero hindi ko gagawin. Hindi ako mapagsamantala – kami ng pamilya ko. Mas gusto kong makamit ang mga pangarap ko dahil sa sarili kong pagod. Ayokong isipin mo o gawin sa iyo na sasagutin lang kita dahil kaya mong ibigay ang lahat ng pwede mong ibigay gumanda lang ang buhay naming pamilya.” “Oo, mahal din kita… pero may mga bagay pa akong kailangang gawin para sa sarili ko at sa pamilya ko. Hindi sa hindi kita pinipili, kahit kaya mong ibigay ang lahat ng pangangailangan ko…pero sa pagkakataong ito… gusto ko ding may mapatunayan sa sarili ko.” Hindi nakapagsalita ang binata. Titig na titig lang sa kanya. Mukhang ipinoproseso pa nito sa utak ang lahat ng mga sinasabi niya. “Gaya ng sinabi mo… anim na buwan lang naman. Madali lang ang anim na buwan. Pagkatapos ng mga panahong iyon, kapag ganito pa rin ang nararamdaman natin sa isa’t - isa… malay natin hindi ba? Pero kung magkaroon ng pagkakataong magkagusto ka sa iba ---.” “I can’t love anyone else maliban sa iyo Riki. Tandaan mo yan. Kahit ilang taon o gaano katagal ka pang mawala sa paningin ko…alam kong hindi na ako muling magmamahal ng ganito. At kung lumagpas ang anim na buwan na naroon ka pa, susundan kita doon at iuuwi pabalik dito. O kung gusto mo pa ring magtrabaho doon pagkatapos ng anim na buwan, handa pa rin akong maghintay sa iyo. Handa akong maghintay kahit ilang taon na handa ka nang bumalik dito sa Pilipinas. Kung magbago ang isip mo ay handa din ako sa isang long distance relationship ---.” “Hindi ko kaya ang long distance relationship, Perry.” Kaagad niya itong pinutol. Totoo iyon. Ayaw niya ng long distance relationship dahil maraming pwedeng mangyari kapag magkalayo ang dalawang nagmamahalan. Maraming tukso. “Mas mainam na ang ganitong pareho tayong malaya. Maging handa nalang tayo sa mga susunod na mangyayari.” Napalunok siya. Bagamat sinabi niya ang mga bagay na iyon ay parang gusto na niyang tugunin ang panunuyo nito pero matindi ang motivation niya para sa sariling pamilya. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi nito. “Kung magkita tayong muli pagkatapos ng anim na buwan at ganito pa rin ang nararamdaman natin… saka natin bigyan ng pagkakataon ang isa’t-isa…” Matagal bago pumayag ang binata. “I can wait for six months.” “May isang kahilingan lang ako sa iyo.” “What is it” “Habang nandoon ako at nandito ka… Huwag muna tayong mag-usap. Huwag mo akong tawagan at gayundin ako sa iyo…” “Pero bakit? Kaya kitang puntahan doon kapag sinabi mo lang?” Umiling siya. “Ayokong ikulong natin ang sarili natin sa isa’t-isa habang magkalayo tayo Perry. Gawin mo ang normal na ginagawa mo at magtatrabaho ako habang naroon ako. Aaminin ko sa iyong baka mapauwi ako ng di-oras dito kapag palagi tayong mag-uusap. Gusto ko sanang ituon ang buong atensiyon ko sa pagtatrabaho doon.” “Mahirap gawin ang gusto mo Riki.” Hirap na sabi nito. Masuyo niya itong nginitian. “Alam ko, pero kailangan ko itong gawin.” Tanging nasabi niya. Kahit siya ay duda sa sarili kung magagawa niyang huwag itong kausapin sa loob ng ilang buwan. Lalo at alam nilang pareho ang nararamdaman nila sa isa’t-isa. Isa pa, kung talagang sila ang para sa isa’t-isa ay naroroon pa rin ang damdamin nila pagkatapos ng ilang buwan. At kung hindi man… ipinilig niya ang ulo. Ayaw muna niyang isipin ang ganoong bagay. Halatang hindi ito pumapayag sa sinabi niya pero wala itong nagawa dahil nakapagdesisyon na siya. “Okay… papayag ako sa lahat ng gusto mo. Pero dahil alam kong mahal mo din ako, pagkatapos ng anim na buwan ay babalik ako dito. At wala ka nang magagawa para itaboy ako. Dahil sa panahong iyon, hindi na ako papayag na umalis ka pa ulit. Naiintindihan mo?” “Naiintindihan mo. At salamat Perry. Salamat sa pagmamahal mo.” Sa kaloob-looban nila ay pareho silang umasa na pagkatapos ng anim na buwan ay muli silang magkikita. Sa pagkakataong iyon ay pareho na silang magiging masaya sa piling ng isa’t-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD