Nathaniel

2652 Words
May isang gubat sa Hilagang Luzon ang pinaniniwalang kuta ng mga lamang lupa, halimaw at marami pang hindi pangkaraniwang elemento. Sa gubat na ito naninirahan ang isang tribo na kumukontrol sa banlanse ng kagubatan. Sila ang batas at sila ang masusunod. Dahil sa may mga tribong hindi tanggap ang katotohanang may mas mataas sa kanila, nagsasagawa sila ng mga plano upang pabagsakin ang tribo na iyon pero wala silang magawa kundi ang umatras dahil makapangyarihan ang tribo na ito. "Eh kuya naman eh, ilang ulit mo nang ikwenento sa akin ang tungkol diyan. Kabisado ko na yata yan eh!" pagmamaktol ng limang taong gulang kong kapatid. "Eh, ano bang gusto mong ikwento ko sayo?" tanong ko sa kanya. Wala na kasi akong alam na kwento kundi ang kwento ni lolo sa akin noong bata pa ako. "'Yung mga Superhero kuya! Gusto si Superman, " napailing na lamang ako sa sinabi ng bunso kong kapatid. "Eh, palagi mo namang pinapanood' yung mga pelikula ni Superman, ano pa ba ang ikwekwento ko sayo?" sagot ko naman sa kanya. Nakabusangot na ang kanyang mukha na nagsasabing nababagot na siya. "Matutulog na nga lang ako kuya, wala ka namang kwenta magkwento, eh! " aba ok tong batang to, ha! Siya na nga ang nagrerequest na magkwento ako,siya pa itong may ganang magreklamo. "Halika nga bunso, kiss mo nga si kuya, " lumapit naman siya sa akin at binigyan ako ng kiss sa aking pisngi. "Matulog ka na bunso, ha para magkasing pogi tayo paglaki mo " sabi ko sa kanya bago siya umalis sa aking kwarto at ako naman ay umupo sa aking study table para tapusin ang final requirement ko para sa isang subject. A werewolf or lycanthrope is a mythological or folkloric human with the ability to shape shift into a wolf or a wolf-like creature, either purposely or after being placed under a curse or affliction. Simula pa lang ng aking pag-aaral sa naibigay na topic sa akin ay napapailing na ako. May mga naniniwala pa ba sa mga ganito? Mga Werewolf,mangkukulam? At mga lamang lupa or mga engkanto? Eh sa mga libro at pelikula na lang sila nabubuhay, eh. Wala akong magagawa kundi ang ipagpatuloy ito kung gusto kong pumasa sa subject ko. The werewolf is a widespread concept in European folklore , existing in many variants which are related by a common development of a Christian Interpretation of underlying European folklore which developed during the Medieval period From the early modern period, werewolf beliefs also spread to the New World with colonialism. Belief in werewolves developed in parallel to the belief in withches, in the course of the Late Middle age and the Early Modern Period. Like the witchcraft trials as a whole, the trial of supposed werewolves emerged in what is now Swicherland in the early 15th century and spread throughout Europe in the 16th, peaking in the 17th and subsiding by the 18th century. The persecution of werewolves and the associated folklore is an integral part of the "witch-hunt" phenomenon, albeit a marginal one, accusations of werewolfery being involved in only a small fraction of witchcraft trials. During the early period, accusations of lycanthropy were mixed with accusations of wolf-riding or wolf-charming.  Wala talagang katuturan ang pinapagawa sa amin ng aming mga guro. Aanhin ko naman itong pag-aaral sa mga aso na ito eh gawa gawa lamang naman ito ng mga taong malilikot ang imahinasyon. Simula pa lang ng pag-aaral ko sa mga ito eh, naninikip na ang ulo ko! Marami pa akong isesearch na mga bagay na hindi makatutuhanan para lang sa requirement sa paaralan! Napailing na lamang ako sa aking kinauupuan. Dahil Friday naman ngayon, may dalawang araw pa ako bago ko tapusin itong pag-aaral sa mga Werewolf at kung ano-ano pang maituturing na kababalaghan .Tumayo na ako sa aking upuan at nagtungo sa aking kama at humiga. Chapter 1: Ang Pagdating ni Nathaniel John Nathaniel M. Mercado. 'Yan ang napakaganda kong pangalan. Kung maganda ang pangalan ko, syempre nababagay sa gwapo at maganda kong katawan. Maputi, singkit ang mata na nagugustuhan ng kababaihan, matangkad na mahigit sa anim na talampakan at kahit na nakadamit ako, mahahalata ang mapang-akit kong katawan. "Nath! Alam kong nakatingin ka na naman sa salamin. Bumaba ka na at malayo pa ang lalakbayin mo, " sigaw ni mama mula sa labas ng aking kwarto. Napailing na lamang ako sa narinig ko. Kinuha ko ang aking dalawang maleta na nasa gilid ng pinto at lumabas na sa aking kwarto. Limang buwan. Limang buwan ang pamamalagi ko sa Ilocos para magbakasyon. Ayaw ko sana doon magbakasyon ngunit ang mga lolo at lola ko na ang nagrequest. Ayaw ko namang biguin sila dahil minsanan lang naman ako o kami dumalaw doon. "Kailan kayo susunod doon,ma?" tanong ko kay mama nang makababa ako dito sa sala. Sinabi naman niya sa akin na hindi sila sigurado kung kailan sila susunod dahil sobrang busy ni papa sa aming negosyo. Naiintindihan ko naman sila pero mas masaya sana kung kumpleto kaming magbabakasyon. "Kuya, " napatingin ako sa bunso kong kapatid ng tawagin niya ako. Lumuhod ako para mapantayan ko ang taas niya at tinanong kung ano ang kailangan niya. "Pagdating mo doon, kuya ay ikiss mo ako kina lolo at lola, ha, " sabi niya sa akin. Nginitian ko na lamang siya at binuhat. "Masusunod bunso. Kiss mo nga ako, " sabi ko naman sa kanya na agad naman niyang ginawa. "Mamimiss kita bunso. Pakabait ka kina mama at papa, ha. Huwag ka masyado malikot, Ok?" bilin ko sa kanya na tinanguan niya lamang. "Hindi ka pa ba kikilos? Baka gabihin ka pa sa daan kung hindi ka magmamadali." Napalingon ako kay mama dahil sa kanyang sinabi. Alas sais pa lang ng umaga at halos sampong oras ang byahe mula Maynila hanggang Ilocos. Nagpaalam ako kina mama at bunso. Wala na kasi si papa kasi maaga siyang pumapasok sa trabaho. Kinuha ko ang susi ng aking maroon na sasakyan at lumabas na ako ng bahay. Katamtaman lamang ang aking pagpapatakbo. Kitang kita ko ang mga sasakyang nag-uunahan, mga batang kalye na namamalimos sa kalsada at mga taong naglalakad patungo sa kanilang trabaho o kahit saan. Ganito ang Maynila. Maingay, magulo, mausok at puno ng pulosyon. Hindi ko nga alam kung bakit karamihan sa mga tao ay gustong makipagsapalaran sa magulong mundo dito sa syudad. Makalipas ang mahigit isang oras ay nakalabas na rin ako ng Maynila. Sobrang trapic kasi sa NLEX dahil sa isang aksidente kanina. Naging normal na ang pagpapatakbo ko dahil kung babagalan ko ay baka hating gabi na ako makarating sa Ilocos. Tumitigil ako sa byahe para tugunan ang pangangailangan ng aking katawan. Pagkain, paggamit ng banyo at kung ano-ano pa. Medyo madilim na nang makarating ako dito sa Ilocos. Napakarami kasing mga daan na under construction ngayon kaya ako ginabi. Pinindot ko ang busina ng aking sasakyan at ilang saglit pa ay may nagbukas na ng gate. Pagbaba ko sa aking sasakyan, hindi ko maiwasan ang mapatingin sa bahay nina lolo at lola. Ang laki na rin pala ng pinagbago nito. Dati ay gawa pa sa kahoy ang ikalawang palapag ngayon ay purong semento na. Napanatili naman ang ganda ng aming bakuran at hindi nawala ang mga bulaklak na naggagandahan at mga puno na siyang nagbibigay ginhawa sa pakiramdam. Napatingin ako sa pintuan ng bahay ng bigla itong bumukas. Lumabas dito sina lolo at lola na nakangiti. Agad nila akong nilapitan at niyakap. Ramdam na ramdam ko ang sabik nila sa akin dahil sa higpit ng kanilang yakap. "Imbag ta kinayatmo immay agbakasyon ditoy?"(buti at pumayag kang magbakasyon dito?" sambit ni lolo sa akin. Hindi ako kaagad nakasagot dahil hindi ako marunong magsalita ng Iloco. Hindi naman kasi kami nagsasalita ng Iloco sa Maynila, eh. Si mama kasi ay hindi makaintindi rin kagaya ko kaya tagalog ang pangunahing gamit namin doon. "Anyaka laketdin. Ammom met nga madi makaawat ta apo ta ti Iloco, mahal!" (Ano ka ba naman. Alam mo namang hindi makaintindi yang apo natin ng Iloco, mahap!) napatingin na lang ako sa kanilang dalawa dahil hindi ko talaga maintindihan. "Ay,oo nga pala. Pasensya na apo at naexite lang ako sa pagdating mo. Ano? Kamusta na ang pinakagwapo kong apo?" napangiti na lang ako sa sinabi ng aking lolo. Naniniwala na ako ngayon na hindi marunong magsinungaling ang mga Ilokano. "Ito po lo, gwapo pa rin kagaya mo," sagot ko naman sa kanya. Nagtawanan kaming dalawa ni lolo habang si lola ay napapailing na lamang. "Halika apo. Alam kong gutom at pagod ka. Pinahanda kita ng paborito mong Pinakbet na sinahugan ng Bagnet!" dahil sa narinig ko na sinabi ni lola ay bigla akong nakaramdam ng gutom. Matagal tagal na rin na panahon na hindi ako nakakatikim ng pinakbet ng mga Ilokano. Nagpapaluto naman kami sa Maynila pero kakaiba pa rin ang sarap ng Pinakbet dito. Habang naglalakad kaming tatlo ay nagkwekwentuhan na rin kami. Tinanong nila sa akin kung kamusta kami sa Maynila na agad ko naman silang sinagot. Hinanap rin nila si Bunso dahil hindi pa nga nila ito nakikita dahil sa pagkabusy namin. Sinabi ko naman sa kanila na susunod sila sa akin na nagpasaya sa kanilang mukha. Pagdating namin dito sa kusina, nakahanda na ang lahat. Medyo maraming nakahanda na pinagtaka ko eh kaming tatlo lang naman ang kakain. Habang kami ay kumakain, hindi pa rin nawawala ang aming kwentuhan. Puro sila tanong kung kamusta sina papa at mama. Ang aming mga negosyo, ang aming pag-aaral at marami pang iba na malugod ko namang sinagot. Alam kong namimiss lang nila kami kaya sila tanong nang tanong lalo na at silang dalawa na lang ang magkasama dito sa probinsya. Sabihin na nating may mga katulong sila pero iba pa rin naman kapag kapamilya mo ang iyong kasama. Wala pa rin kapantay ang nakikita kong saya nila sa kanilang mukha. Habang nagkwekwento ako sa kaniala,napansin kong medyo naluluha ang mga mata ni lola na agad namang sinita ni lolo. "Bakit mahal? Hindi ka ba masaya na nandito ang apo mo?" tanong ni lolo kay lola. Pinahid ni lola ang kanyang mga mata bago niya ito sinagot. "Masaya mahal..masayang masaya. Talagang namiss ko lang ang ating anak at ang ating mga apo syempre pati ang asawa ng anak natin. Ang bilis kasi ng panahon. Nung huling punta nila dito eh batang bata pa itong si Nath pero ngayon tignan mo, napakagwapo at ang laki na niya," sagot naman ni lola kay lolo. "Huwag ka ng malungkot, magtatagal naman ang apo mo dito at tsaka susunod din yung anak natin kasama ang isa pa nating apo at ang asawa niya, " pagtatahan ni lolo kay lola. Napangiti na lang ako sa kanilang dalawa. Sa nakikita ko sa lolo at lola ko, napatunayan kong may Forever. Masaya pa rin silang magkasama kahit na matatanda na sila. Ganun lang talaga ang buhay, kung kuntento ka na sa mahal mo, makaamit mo ang Forever na inaasam mo. Ilan kasi sa atin ay sinasabi nating walang Forever dahil sa pag-iiwan ng mahal natin sa atin. Hindi naman maiiwasan ang maging bitter pero sana tanggapin nila na ang mga taong nang-iwan sa kanila ay hindi sila ang nakatakda. Meron nakalaan sa atin na ibibigay ng Maykapal. Ang gawin lang natin ay maghintay sa pagdating nito sa ating buhay. Matapos kaming kumain, pumanhik na ako sa aking kwarto. Pinasamahan ako ni lolo sa isang katulong para ituro ang magiging kwarto ko. Pagdating namin dito sa pinto, nagpasalamat ako sa katulong na pinangalan kanina ni lolo na Mylla. "Salamat manang Mylla sa paghatid, " pasasalamat ko sa kanya sabay kuha ng aking mga gamit. Pagpasok ko ng kwarto, bumungad agad sa aking paningin ang kulay asul na loob. Malawak ito at kumpleto ang gamit. Maayos rin ang pagkakaayos ng mga gamit ayun sa gusto ko. Naglakad ako papunta sa kama at inilapag ang aking mga gamit. Binuksan ko ang mga ito para maayos ko na ito sa dapat paglagyan. Pagkatapos kong mag-ayos ng aking mga gamit ay nagdisisyon akong maligo. Pagkatapos kong maligo at makapagpalit ay humiga ako sa kama. Dahil na rin siguro sa pagod sa byahe ay agad akong nakatulog. Kinabukasan, nagising ako dahil sa tunog ng aking cellphone. Buti na lang at malakas na rin ang signal dito. Hindi napag-iiwanan ang aming lugar sa teknolohiya. Hinanap ko ang aking cellphone na agad ko namang nakita. Nakita kong tumatawag si mama kaya agad ko itong sinagot. Tinanong niya lang ako kung kamusta ako na agad ko namang sinagot. Sinabi rin niya sa akin na medyo matatagalan sila sa pagsunod sa akin dahil nagkaproblema raw si papa sa isang branch ng negosyo namin. Kailangan pa niya raw itong ayusin bago niya iwan at ipagkatiwala sa mga tao niya. Matapos ang aming usapan, nagtungo ako sa banyo para maghilamos. Pagkatapos ay bumaba na ako at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Pagpasok ko ng kusina ay nadatnan ko sina lolo at lola na nagkakape na habang nagbabasa ng dyaryo si lolo. Binati ko sila at binati rin nila ako. Tinanong nila ako kung kamusta ang tulog ko at sinabi ko namang mabuti. Inaya nila akong kumain na. May nakahanda na rin kasing agahan at sinabi nilang hinihintay lang nila ako para sabay kaming mag-agahan. Matapos kaming mag-agahan, lumabas ako ng bahay para magpahangin. Sa paglabas ko, may nakita akong nagbibisekleta at may mga taong abala sa pagbubuhat ng kung ano. May malaking lupain kasi sina lolo dito na kanilang sinasaka at pinapasaka sa iba. Ito ang pinagkakabalahan nila lolo dito, ang imanage ang aming sakahan. Medyo malaki pa naman ang lupang dapat nilang bantayan. Napapatingin sila sa akin at nginingitian kaya ginagantihan ko rin sila ng ngiti. Ganito ang buhay dito sa probinsya. Simple lang pero ang sarap. Hindi gaya sa Maynila na puno ng polusyon, ingay at kahit na gabing gabi na ay may mga tao paring naghahanap buhay. "Apo, kung gusto mong mamasyal ay ok lang basta huwag ka lang pupunta diyan sa gubat na sinabi ko sayong bawal puntahan, " biglang sambit sa akin ni lolo. Napatingin naman ako sa kanya. "Ok lang po lo. Dito na muna ako, " sagot ko sa kanya. Nakitabi siya sa aking pag-upo at humugot ng hangin. "Ah lo, bakit pala bawal pumunta sa gubat eh ang lapit lapit lang naman ng bahay natin. Diyan na lang oh, wala pang sampung minuto eh makakarating na tayo, " tanong ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit pero simula pa noong bata pa ako ay pinagbawalan na ako ni lolo na lumapit sa bundok. "Hindi ba naikwento ko na syo ang tungkol dito?" sagot naman niya sa akin. "Eh lo, wala namang katutuhanan 'yung mga kwento mo, eh. Ang alam ko, sinabi niyo lang sa akin 'yung kwento na yun para matakot ako na pumasok sa gubat at ngayon nasa tamang edad na ako, hindi niyo na ako mapapaniwala sa kwento mo, lo," sabi ko naman sa kanya. Napatingin siya sa akin dahil sa aking sinabi. "Apo, hindi mo alam ang kayang gawin ng gubat na iyan. Marami nang nawawalang tao na pumasok diyan, " sabi niya sa akin. "Eh bakit ang lapit lapit natin diyan lo kung nakakatakot po ito?" nagtataka kong tanong sa kanya. Napatigil siya ng ilang sandali. Hindi niya agad nasagot ang aking katanungan. "May mga bagay kasing hindi pwedeng iwanan Apo. Mga bagay na kahit gusto mo nang lumayo ay hindi pwede dahil may mapapahamak na mahal mo. Basta apo. Ipangako mong huwag na huwag kang papasok sa gubat, " sabi niya sa akin. Kahit na nagtataka ako ay tumango na lamang ako bilang sagot. Ano nga ba ang nasa loob ng gubat at pinagbabawalan ako ni lolo na pumasok dito? May hiwaga bang nababalot dito na gaya ng Mt. Makiling? May mga lamang lupa bang nakatira dito? Hindi ko alam pero namayani ang curiousity sa akin kung ano nga ba ang nasa loob ng gubat. ....................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD