12

1095 Words
Chapter 12 3rd Person's POV Nakatayo lang doon si Desiree. Inaalala niya iyong bata pa siya pina-drawing siya ng teacher nila ng family portrait. She didn't know anything— nagdrawing siya ng tatlong mother at isang daddy. Pinagmamalaki niya pa dati na tatlo ang mom niya since bata nga siya 'non hanggang sa ipatawag siya ng mga teachers then may nagreklamo na mga parents. Masyado daw siyang bad influence. Tigilan daw ang paggawa-gawa ng kwento. Pumunta ang parents niya ngunit hindi naman siya bobo para hindi maintindihan ang sinabi ng parents niya like pinararating ng mga ito na nasanay lang si Desiree na tawagin silang mom at kilalanin silang mom. Tinago ng mga ito na tatlo talaga silang mommy ni Desiree at iisa lang ang daddy niya. Hindi niya maintindihan— sinubukan niyang intindihin ang lahat. May naging boyfriend siya noong first year— umabot din sila ng 1 year iyon ang first love niya pero dahil sa nakakaramdam na siya ng boredom naghanap siya ng ibang guy. Pinagsabay niya iyon then nalaman ng guy na isang taon niya na naging boyfriend nagalit ito. Ini-explain nito ang about doon then nagalit ito sinabing nababaliw na siya. Then doon na-realize ni Desiree na walang love. Nakatingin lang siya kin Loki na nakatingin lang sa kaniya. Tinapik sila ni Fider sinabing bukas na lang sila mag-usap usap about doon. Hindi nagagawa ni Desiree magsalita. Paiyak na din ang babae. Napatingin sina Loki matapos lumapit si Azure kay Desiree at yumakap. Napatigil ang babae. "That's okay. Naiintindihan ka namin. Huwag kang gumawa ng ganiyan na expression— nasasaktan ako." Napatigil si Desiree. Humiwalay si Azure at ngumiti. "Hindi ka namin pinipilit mag-commit— pero kinakatakot ko na hindi na natin pwede ituloy ang mga laro natin. Worried sa iyo ang daddy at mga mommy mo," ani ni Azure. Napabuga ng hangin si Tiago at tumingin kay Loki. Umiwas ng tingin si Loki. Lumapit din sina Tiago at tinapik ang ulo ni Desiree. Nagpapaalam na sila. Uuwi na sila. In some reason masama ang kutob ni Desiree sa ginawang pananahimik nina Loki about sa issue na ayaw niya ng commitment. Malinaw naman na kasalanan niya lahat ng iyon. Umalis na sina Azure at nagpaalam kina Fider. Sinundan sila ng daddy ni Desiree na si Jackson. Umupo si Desiree sa sofa at nanahimik na lang doon. Tinakpan niya ang mukha at tinanong ang sarili kung anong ginawa niya. Bakit bigla siyang na-dissapoint. Posible ba talaga na magmahal siya ng tatlo. Hindi ba iyon infatuation. Natatakot siya. Naguguluhan na siya. — "Ha? Kayong tatlo? Pumayag kayo?". Nakatingin ang isang lalaki sa mga anak na nakaupo sa sahig at nakasandal sa gilid ng kama. Nakahilig si Azure sa ibabaw ng kama. "Na-in love kami sa kaniya papa. Sa tingin mo papa mali iyon?" tanong ni Azure. Sinabi ng lalaki na wala siya sa lugar para i-judge agad ang desisyon nila. Napatigil si Tiago at nag-angat ng tingin. Tinanong ni Tiago kung wala bang sasabihin ang papa niya na iba o pagagalitan sila. "Nandito lang naman ako para makinig sa inyo at bakit ko kayo pagagalitan? Hindi na kayo mga bata— may sarili na kayong mga desisyon at bilang mga magulang nandito lang kami para gabayan at suportahan kayo." Hinaplos ng lalaki ang ulo ni Loki. Sinabi ng lalaki na magpahinga na sina Tiago. "May pasok pa kayo bukas," ani ng lalaki. Tumayo na ang lalaki at naglakad palabas ng room ng tatlo. "Papa, dapat ba kami mag-give up?" tanong ni Loki. Napatigil ang lalaki at lumingon. Ngumiti ito at sinabing hindi siya ang dapat tanungin ng mga ito. "Kayo lang ang nakakaalam ng sagot diyan. Ang masasabi ko lang sa inyo— huwag kayong gagawa ng bagay na pagsisihan nigo sa huli. Siguraduhin niyo na bago kayo sumuko ginawa niyo ang lahat— nag-take kayo ng risk, may binigay kayo at nagsakripisyo," ani ng lalaki. Napatigil ang tatlo at lumingon. "Goodnight boys, matulog na kayo. May pasok bukas at hindi kayo pwede mag-absend dahil siguradong kakaretihin kayo ng daddy niyo. Bukas uwi 'non," ani ng lalaki. Umayos ng upo si Azure at nag-goodnight din. Pagkasara ng pinto bumuntong hininga ang tatlo. Nagreklamo si Tiago at sinabing ayaw niya na mag-isip. Kinabukasan, "Nakatingin sa iyo si Desiree," ani ni Fider. Nakatalikod si Azure sa direksyon kung saan nagpa-practice ang team ni Desiree. "Need ko mag-isip isip. Sumasakit ulo ko," ani ni Azure na hawak ngayon ang dalawang pisngi. Natawa na lang si Fider at hinayaan na lang ito. "Azure, water gusto mo?" tanong ng babae ng kaklase niya. Ubos na pala iyong hawak niyang bottled water. Napangiti si Azure at kinuha iyon. Nagpasalamat si Azure. May mga babae din agad ang lumapit at inaya nga si Azure na uminom. Natawa lang si Azure at sinabing isang bottled water lang need niya. "Desiree! Look out!" Napatigil si Azure at lumingon. Nakita niya na nagkagulo sa kabilang court. Natamaan si Desiree. Naibalik ni Azure ang bottled water sa babae at hahakbang para puntahan si Desiree nang mapatigil siya matapos maalala ang sinabi ni Desiree. Nakita niya na lumapit si Fider at sinabing siya na ang magdadala kay Desiree. "Huwag mo ako hawakan ayos lang ako," ani ni Desiree at pilit na tumayo. Napaupo ito ngunit tinulak niya pa din ang sarili para tumayo. "Kaya ko pumunta sa clinic mag-isa," ani ni Desiree. Nakatingin lang si Fider kay Desiree na pilit naglalakad paalis. "Anong nangyayari kay Desiree? Ayos lang ba siya?" tanong ng ilang classmate ni Desiree. Sa clinic— pinagalitan si Desiree ng coach nila dahil hindi ito nagpo-focus sa practice. Nagkaroon pa ito ng injury kung kailan malapit na ang destrict's competition. Hindi nagsalita si Desiree Habang pinagagalitan si Desiree may tatlong lalaki ang nakasilip sa bintana ng clinic. Hindi naman umiimik si Desiree at nanatiling nakayuko habang ginagamot ng nurse ang injury niya. "Huwag ka nga malikot Azure. Naiipit ako," reklamo ni Tiago. Sinabi ni Azure na hindi niya nga makita si Desiree. "Putangna, sabing huwag kayong malikot," bulong ni Loki. Nagsisikuhan kasi iyong dalawa sa likuran niya. Tinawagan kasi ni Azure sina Loki at sinabing nasa clinic si Desiree at may injury. "Bakit kasi hindi siya nag-iingat hindi ba?" ani ni Tiago na nakatingin sa ankle ni Desiree na ngayon ay binalutan ng nurse ng benda. "Ang kinis talaga ng hita ni Desiree," ani ni Azure. Inuntog ni Tiago si Azure sa baba. Napamura si Azure at agad na natakpan ni Tiago ang bibig ni Azure. Napadapa silang tatlo sa lupa. "Ano iyon?" tanong ng coach. Napatingin si Desiree sa bintana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD