Chapter 08
3rd Person's POV
"Fider," tawag ni Azure. Binato niya ang bola kay Fider. Agad na nai-shoot iyon ni Fider sa ring.
"Sabi ko naman sa inyo huwag niyong pagsasamahin iyang dalawang iyan sa team," reklamo ng isa sa mga kasamahan nila na nasa kabilang team.
Tumawa lang si Fider. Pinunasan ni Azure ang pisngi gamit ang braso. Inipitan ni Azure ang buhok na kasalukuyang humaharang sa mukha at tiningnan iyong scoring board.
"Sinasabi niyo senior. Ang layo pa din ng score niyo sa amin. Ngayon pa nga lang kami ni Fider naglalaro parang gusto niyo na kami alisin sa court," ani ni Azure na nakangusong. Pinupunsan ang pisngi niya.
"Goshh! Azure!"
Napatigil si Azure at napatingin sa kabilang direksyon matapos may mga girls na sumigaw ng pangalan niya. Ngumiti si Azure at kumaway sa mga babae. May ilang babae pa ang nag-act na nahimatay.
"Aray!"
Muntikan na masubsob si Azure sa sahig matapos may tumamang bola sa likod ng ulo niya. Nakita niya ang bola ng volleyball. Dinampot iyon ni Fider.
Lumingon si Azure. Lahat ng varsity player nakatingin sa kabilang bahagi ng court. Nakita nila si Desiree na nakangiti ng matamis at humihingi ng sorry.
"Nadulas kasi ang kamay ko. Ang layo ng narating ng bola."
Napakamot si Azure sa ulo. Sinabing ayos lang iyon hindi naman masakit.
"Gago, naniwala ka?" tanong ng captain nila. Nilingon siya ni Azure at nagtatakang tiningnan ang lalaki.
Hinagis ni Fider ang bola pabalik kay Desiree na agad naman nasalo ng babae.
Nakita ng captain ng varsity team na sinadya ni Desiree na hampasin ang bola patungo kay Azure.
Umalis sandali si Azure at bumalik sa bench para kumuha ng towel. Nag-anunsyo kasi ang captain nila ng break. Kinausap ng captain nila ang captain ng volleyball team.
Magkasabayan lang natapos ang practice ng volleyball at basketball team. Inaya na nina Fider si Azure pumunta ng locker room sa gymn para mag-shower.
"Una na kayo pahinga lang ako," ani ni Azure. Kumakain ang lalaki ng chocolate.
"Mag-isa ka na lang mamaya sa locker room. May multo pa naman doon tuwing gabi," ani ng vice captain. Namutla si Azure.
"Vice captain, nanakot ka naman," ani ni Azure. Tumawa ang lalaki at sinabing biro lang iyon. Umalis na ang buong team. Ayaw ni Azure makipagsabayan at isa pa binilin sa kaniya ng mga kapatid niya na after game huwag daw muna maliligo at magpahinga. Sigurado daw kasi na sasakit ang katawan ni Azure.
May ilang girls ang lumapit kay Azure. Hinihingi ng mga ito ang number niya pero siyempre— number ng kapatid niyang si Loki ang binibigay niya.
"Nasa locker ang cellphone ko. Check ko mamaya," ani ni Azure na may ngiti sa labi. Gusot ang mukha ni Desiree habang nakatingin kay Azure na nakikipaglampungan sa ibang girls.
Nag-iisa si Desiree sa bench dahil umalis na nga din ang mga kasamahan niya. Nakaupo si Desiree sa bench at kasalukuyang umiinom ng tubig habang masama ang tingin kay Azure na nasa kabilang bahagi ng court.
"Desiree."
Napatigil si Desiree at lumingon. May gwapong lalaki ang lumapit sa kaniya. May dala itong bulaklak at chocolate. Type niya din ang mukha kaya naman kinuha niya iyon.
"Thanks sa flowers," may ngiti na sambit ni Desiree. May nakita siyang mga lalaki sa entrance ng court. Sumisilip ang mga ito at nagtatawanan.
"Ahm, gusto kita sana makausap. Pwede ka pumunta sa bakanteng room sa building 12 class 2?" tanong ng lalaki. May kalmado itong aura at kakaibang ngiti. Mga fuckboy type. Isa ang mga ito sa kinaiinisan niya sa mga lalaki.
Tumayo si Desiree at nag-act na excited siya. Bakit hindi siya muna makisakay since sira na kanina pa ang araw niya.
"Bakit hindi? Magsha-shower lang muna din ako," ani ni Desiree na may ngiti sa labi. Sa kalayuan nakatingin si Azure kay Desiree na may kausap na lalaki.
Kaklase ni Azure iyong lumapit kay Desiree at kilala niya ito. Araw-araw maraming girls ang pumupunta sa classroom nila dahil sa lalaking iyon.
Mayaman ito at isa ang parents nito sa sponsor ng university kaya kahit nagreklamo ang maraming estudyante walang silbi. Niri-rape daw ng lalaki ang nagkakagusto o sumasama sa kaniya then ibibigay sa mga kasamahan.
Malakas ang loob kasi mayaman. Nakita niya tumungo si Desiree papasok sa restroom area. Nagpaalam na din si Azure at sinundan si Desiree.
Bahagya niyang nilingon ang lalaki na ngayon ay naglalakad palabas ng court at nakangisi.
"Desiree," habol ni Azure kay Desiree. Napatigil si Desiree at lumingon. Wala ng hawak si Desiree na bulaklak at chocolate.
"Layuan mo ang lalaking iyon. Katawan mo lang ang habol 'non at pagkatapos 'non ibibigay ka sa mga kagrupo niya. Huwag kang sasama—"
"Alam ko— kilala ko siya," sagot ni Desiree. Nanlaki ang mata ni Azure.
"Then sasama ka?" ani ni Azure. Ngumisi si Desiree at sinabing mga ganoong lalaki ang kalibre niya.
"Isa pa— mukhang malaki siyang lalaki. Hindi na din masama sa first experience hindi ba?" tanong ni Desiree. Nalaglag ang panga ni Azure matapos marinig iyon. Umiling ang lalaki at hinabol si Desiree na nagpatuloy sa paglalakad.
Hinarangan niya si Desiree at sinabing hindi iyon pwedeng gawin ni Desiree.
"At bakit? Sino ka ba?" tanong ni Desiree at nag-cross arm. Tinaasan ni Desiree ng kilay si Azure.
"Unang-una hindi kita parents, pangalawa hindj kita kaano-ano at mas lalong hindi kita boyfriend. Huwag niyo nga ako pakialaman. Katawan ko ito at buhay ko ito. I have a rights to choose who i want to f**k with," ani ni Desiree at nilampasan si Azure. Napa-pokerface si Azure at bahagyang nilingon si Desiree na naglalakad palayo.
Hindi na siya sinundan ni Azure. Medyo dissapointed si Desiree akala niya kasi ko-kornerin siya ulit nito para pigilan. Napa-ismid si Desiree. Pumasok si Desiree sa restroom ng girls. Doon na lang siguro siya magsha-shower bago umuwi. Before kasi maglaro kanina nanigarilyo pa siya at sure siyang dumikit ang amoy 'non sa katawan niya. Naka-apat nq stick din siya.
Pumasok siya sa isa sa mga shower room sa loob ng restroom ng girls sa loob ng gym. Walang tao doon kaya naman naghubad na lang si Desiree na kinuha ang towel niya, extra na damit, undergarments at skirt sa loob ng gymn niya at naglakad patungo sa shower room.