bc

I'm In Love With Them

book_age16+
782
FOLLOW
2.7K
READ
love-triangle
brave
confident
sporty
student
comedy
sweet
highschool
basketball
friendship
like
intro-logo
Blurb

Meygan Go - ang sobrang inlove sa dalawang gwapong gwapong MVP players ng WAB TEAM,o Wellton Academy Basketball TEAM. Mainlove din kaya sila sakanya?

Jayden Chi - MVP player. Gwapo. Medyo singkit. Maputi. Maganda ang pangangatawan. Masayahin. Mabait. At siyempre,ang normal sa isang basketbolista, Matangkad. Mainlove kaya siya kay Meygan Go na #1 fan nila ng ka-team niyang si Cailer Tan?

Cailer Tan - MVP player. Gwapo. Singkit. Maputi. Katamtaman ang pangangatawan. Tahimik. Mabait. At siyempre din,ang normal sa isang basketbolista, Matangkad. Mainlove kaya siya kay Meygan Go na #1 fan nila ng ka-team niyang si Jayden Chi?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
-- "Ayy! Grabe, Jaileen! Nakita mo iyon? Iyong three points ni Jayden Chi! Ang galing-galing niya talaga! Bagay na bagay talaga sa kanyang maging MVP!" tili ni Meygan habang iwinawagayway nito ang maliit lang na tarpaulin na hawak nito na siya mismo ang may gawa. Go WAB! Ang nakalagay sa bandang itaas at Jayden and Cailer sa bandang ibaba naman. "Ayy! Tingnan mo si Cailer Tan! Hawak niya na iyong bola! Grabe! Kahit pawis na pawis na siya ang g'wapo-g'wapo niya pa ring tingnan! Parang ang bango niya pa rin!" muling tili ni Meygan at kulang na lang ay tumalon ito mula sa bench na kinatatayuan papunta sa court na pinaglalaruan ng WAB vs GU o Wellton Academy versus Gonzales University. Kada taon kasi ay required ang lahat ng esk'welahan na mag participate sa basketball game. At ang araw na ito ay elimination round at ang WAB at GU nga ang unang team na nagtapat. "Oh my! Three points at may kasama pang foul! Galing —" Isang batok sa kaniyang ulo ang nagpatigil sa katitili at panggagaya ni Meygan sa madalas sabihin ng announcer kapag counted foul ang tira ng player. Binatukan lang naman siya ng kaibigan niyang si Jaileen dahil kanina pa ito naririndi sa mga tili niya. "Bakit mo naman iyon ginawa, Jai?" reklamo ni Meygan na hinihimas-himas pa ang ulo nito. "Dyusko naman kasi, Meygan! Eh napalabas na ata lahat ng tutuli ko sa tainga kasisigaw mo. Alam kong die-hard fan ka na ng team natin dahil kina Chi at Tan, pero baka puwede namang kontrolin mo ang sarili mo," sagot lang ni Jai. "Yes! Shoot lahat ng freethrow ni Cailer Tan! Ang galing niya talaga!" sa halip na pakinggan ang sinasabi ni Jai ay nagpatuloy sa pagtili si Meygan. Hindi naman lingid kay Jai na kanina pa sila pinagtitinginan ng mga katabi nila na ka-schoolmates din nila. Sobra kasing nangingibabaw ang boses ni Meygan. At kung hindi siya nagkakamali, ultimo iyong isang teacher sa eskwelahan nila na nasa baba na siya ring coach ng WAB, napatingin na rin sa gawi nila. "Tumigil ka na, Meygan. Kanina pa tayo sinasamaan ng tingin ng grupo nina Reina," bulong ni Jai sa kaibigan. Napalingon naman si Meygan sa kinaroroonan nina Reina at ng mga kaibigan nito saka siya umirap na sinadya niyang ipakita kina Reina. Natawa naman si Jai sa inakto niya. Kilala kasi nito si Meygan, mabait naman ito. Iyon nga lang, dahil sa sobra nitong pagtili lagi kapag sina Chi at Tan ay naglalaro ng basketball, maraming mga babae ang tila naiinis dito. Idagdag pang si Meygan ay may pagka maldita rin minsan. Maldita in term na, hindi paaapi. Kapag may umirap dito o nagparinig, 'di puwedeng 'di gantihan ni Meygan. Pero mabait ang kaibigan niya, palaban lang talaga. Matalino rin ito. Laging nangunguna sa klase kaya naman nadadagdagan ang mga naiinis dito. Insecure na siguro. Alam din niyang labis pa sa labis ang paghanga ng kaibigan kina Chi at Tan. Sinabi pa nga sa kanya nito na feeling niya raw ay mahal niya na ang dalawa. Itinatawa na lang niya ang mga sinasabi ni Meygan. Para kasi sa kaniya, hindi totoo iyong minsan daw ay tumitibok ang puso mo sa dalawang tao. Meron at meron pa ring mas matimbang. Kailangan mo lang analisahin mabuti ang nararamdaman mo sa dalawang tao na iyon. Iyon ang paulit-ulit niyang ipinapaliwanag sa kaibigan na hindi naman nito pinakikinggan. "Yeeessss! Yes! Yes!" muling nabulabog si Jai nang marinig muli ang sigaw na iyon ni Meygan. Hindi na lang siya umimik dahil siguradong mag-uuwian na sila. Kaya kasi napa-yes ng tatlong beses si Meygan, nanalo ang team nila laban sa GU. At sigurado siyang walang katapusang pagbibida nanaman ang maririnig niya kay Meygan bago sila matulog mamaya. *** "Grabe, Jai. Hindi ako maka move-on!" parang kinikilig pang sabi ni Meygan habang nakatitig sa kisame. Nandito na sila ngayon sa dorm nila. Sa dorm nila ay apat silang magkakasama. Dalawang double-deck ang nasa loob ng kuwartong iyon. Si Meygan ay sa bandang itaas ng double-deck at sa ilalim naman si Jai. "Saan na naman? Sa laro ng mga sinasabi mong mga mahal mo," bigla namang singit ni Anida na siyang umo-okupa sa isang double-deck at kasama niya roon ay si Brianna. Bumalikwas bigla ng bangon si Meygan at napailing na lang si Jai nang ibida na naman nito sina Chi at Tan kay Anida. "O, 'di ba? Paano ba naman ako makaka-move-on! Grabe naman kasi talaga sila!" nayakap pa ni Meygan ang unan na hawak nito habang nagsasalita. "Meygan, matulog ka na nga. Alam naman naming hindi ka talaga nakaka move-on eh. Kaya puwede ba, itulog mo na 'yan. May exam pa tayo bukas," sabat naman ni Jai. "Kj nito! Kapag ikaw na-inlove na rin, tingnan ko lang!" sagot ni Meygan bago nahiga at nagsimula ng matulog ng may ngiti sa mga labi. . . . *** "Okay. Gaya pa rin ng dati, si Ms. Go nanaman ang may nakuhang mataas na iskor," announce ng teacher nilang si Miss Luna kinahapunan bago sila mag-uwian. Pumalakpak naman ang mga kaklase ni Meygan pero mabibilang lang sa daliri ang mga pumalakpak at kasama roon si Jai. Pareho sila ni Jai na fourth year highschool. "And gaya pa rin ng dati, Ms. Co got the lowest score," muling saad ni Miss Luna at tumingin pa ito kay Ms. Co, si Reina Co. Pagkatapos niyon ay lumabas na si Miss Luna kaya nagtayuan na rin silang lahat. Agad hinila ni Jai si Meygan palabas. "Aray! Bakit ka ba nagmamadali ngayon, Jai? May gusto ka na rin bang makitang dreamboy mo?" nakangiwing tanong ni Meygan habang hila-hila pa rin siya ni Jai sa braso. "Sira! Wala 'no! Inilayo lang kita kaagad doon. Kita ko kasing ang sama na naman ng tingin sa 'yo ni Reina. Baka magpang-abot lang kayo roon," sabi ni Jai na binitiwan na ang braso ni Meygan nang makalayo na sila sa classroom nila. "Aba! Inis na naman siguro sa resulta ng exam kanina. Kasalanan ko bang mababa ang score niya, 'di ba?" umiirap pa sa hangin na sabi ni Meygan. "Eh hindi lang naman iyon ang kinaiinisan niyon sa 'yo. Alam mo naman 'di ba? Na inlove rin siya kay Cailer Tan kaya naiinis siya tuwing isinisigaw mo ang pangalan ni Tan," sabi nito. "Aba! Eh 'di mag cheer din siya. Bilang fan ni Cailer Tan, masaya akong makarinig ng cheer ng iba para sa kanya," depensa ni Meygan. "Eh sa hindi nga siya ganoon, 'di ba? Pakiramdam niya yata ang landi ng dating mo pag tsini-cheer mo si Tan," sagot pa rin ni Jai. "Problema niya na 'yon! At kung malandi nga ang dating ko, at least hindi ako pabaya sa pag-aaral. Matataas pa rin ang mga nakukuha ko," pagyayabang pa ni Meygan. "Naku, Meygan. Tigilan mo nga 'yang mga ganyan mo. Baka may makarinig pa sa 'yo, mayabangan sa sinabi mo. Madadagdagan na naman ang iyong haters kapag nagkataon," awat nito sa kaibigan. "Oh my... Jai, si Cailer Tan papunta sa atin," nanlamig pa ang mga kamay ni Meygan na ikinapit niya sa braso ni Jai at naramdaman naman ng huli. Dumaan lang naman si Cailer sa harapan nila at kasama nito ang ilan sa mga ka-team niya. Natatawang nagsalita si Jai nang makalampas sina Cailer. "Papunta sa atin, ha. Ang assuming mo talaga!" palatak ni Jai at nagtatawa pang muli, "nanlamig pa kamay mo, eh 'di naman ikaw ang pupuntahan. Ni hindi ka nga tiningnan eh!" tumatawa pa rin nitong sabi. Pero nakatulala pa ring nakasunod ng tingin si Meygan kina Cailer habang nagniningning ang mga mata nito. "Iyon na rin 'yon Jai eh... pumunta pa rin siya rito sa p'westo natin... hindi lang naman siya tumigil pero pumunta pa rin siya rito!" impit ng napatili si Meygan at kita talaga ang kilig sa anyo nito. "Dumaan ang tawag doon. Hindi pumunta. Ms. Go, nasaan na ang utak mo? Hindi mo na alam ang pinagkaiba ng dumaan sa pumunta," nakangiwi ng sabi ni Jai. Nang magpatuloy sila sa paglalakad ay para pa ring wala sa sarili si Meygan at hindi napapalis ang ngiti sa labi nito. "Tsk. Huwag mong kalilimutang matalino ka, Ms. Go, ha? Dahil diyan kina Chi at Tan, nabobo ka na," patuloy pa rin ni Jai. Bigla namang bumusangot si Meygan. "Alam mo sabi nila, kahit gaano ka pa katalino, pagdating sa pag-ibig nagiging hashtag bobo, hashtag tanga, at hashtag kung ano-ano pa," depensa ni Meygan. "Kung hahayaan mong talunin ng puso mo ang utak mo! Tandaan mo, kaya mas mataas ang utak para iyon ang pairalin, hindi laging puso!" pagpupumilit naman ni Jai. "Ano ka ba, kapag tumibok ang puso mo, kumukonekta na iyon sa utak," ayaw patalong sabi ni Meygan. "Patay na. Sira na ang kinabukasan ng kaibigan ko," bulong ni Jai na lumingon pa sa kabilang side kung saan wala si Meygan. "Ano?" kunot-noong tanong ni Meygan. "Wala." "May sinabi ka eh." "Wala nga." "Meron." "Wala." "Nagsisinungaling ka." "Si Jayden! Magkasama pa sila ni Cailer!" bulalas ni Jai na nakatingin sa daanang tinatahak nila. "Saan?" napatigil naman sa pangungulit si Meygan sa kaibigan. Napahagalpak ng tawa si Jai sabay takbo palayo rito. "Jaiii!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

IN BETWEEN (SPG)

read
269.8K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
330.2K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.0K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.2K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
456.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook