Mark's POV
Palabas na ako sa swimming pool area ng school nang marinig kong nagsisigawan ang mga kapwa ko estudyante. Kahit tuloy basa pa ako ay nagtatakbo ako papunta sa kumpulan ng mga students.
Malayo pa lang ako roon ay natanaw ko na ang isang sira-sirang kotse na hindi ko alam kung paano nakarating sa loob ng school namin.
"Galing daw iyan sa malaking ipu-ipo kanina. Kinain daw ang kotse niya at dito nalaglag sa school natin."
"Hala, okay lang kaya ang nasa loob?"
"Taga rito din daw ang nasa loob. Dito rin daw nag-aaral."
"Babae pa man din. Sana ayos lang siya."
Sari-saring komento ang narinig ko habang nakikipagsiksikan ako sa mga estudyante. Nang makarating ako sa bungad ay doon ko na nakita ang mukha ng babaeng walang malay-tao na naroon.
"Diana?!" sigaw ko kaya napatingin ka agad sa akin ang mga estudyante. Hindi ko na lang sila pinansin. Hindi na ako nagdalawang isip na puntahan siya. Baka kasi masama ang lagay niya. Dapat ay matakbo na siya sa ospital para may chance pa siyang mabuhay.
Binuksan ko ang sira-sirang pinto ng kotse at saka ko tinignan ang lagay niya. Tinapat ko ang kamay ko sa ilong at bibig niya. Nang maramdaman kong may mainit na hangin na lumalabas doon ay nakahinga na ako nang maluwag. Ibig sabihin ay humihinga pa siya.
"Okay pa siya, humihinga pa. Ang maganda siguro ay itakbo na natin siya sa ospital para matignan na agad ng doctor ang lagay niya," sabi ko sa mga kapwa ko estudyante pero wala manlang kumilos. Nadismaya ako. Sorry to say, pero wala silang silbi. Ang gusto lang nilang gawin doon ay magdiwara at kumuha nang kumuha ng video at litrato. Napapailing na lang tuloy ako.
"Please, Mark. Tulungan mo ang kapatid ko," bulong sa akin ng isang babae na namumutla ang mukha. Kilala ko siya. Isa siya sa palaging kamasa ni Thea na bully dito sa school. Hindi ko inaasahan na kapatid pala niya si Diana na madalas din nilang i-bully.
At dahil may abiso na sa isa sa kaanak niya ay binuhat ko na agad si Diana. Pagkabuhat ko sa kanya ay saka ko pinagtatabig ang mga walang silbing estudyante na madidiwara doon. Hindi naman sa masamang tao ako, ang sa akin lang ay kapag ganitong may emergency ay dapat alisto at palatulong sila sa kapwa. Hindi iyong, marami pa silang time sa pagkuha ng litrato at video kaysa sa isalba ang buhay ng taong nasa peligro.
Mabait ako, pero nagiging walangya ako kapag mga mali ang ginagawa ng mga taong nasa paligid ko.
Agad ko siyang dinala sa loob ng kotse ko na naka-park sa labas ng school namin. Nakasunod naman sa akin ang kapatid niyang babae. Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko patungo sa malapit na hospital sa amin.
"Thank you, Mark sa pagtulong sa kapatid ko," sabi bigla ng babaeng kapatid ni Diana na hanggang ngayon ay hindi ko alam ang pangalan.
"Anong pangalan mo nga pala?" tanong ko.
"I'm Mariel," sagot niya at saka ako binigyan nang matipid na ngiti.
"Kapatid mo pala siya?" tanong ko pa rin habang seryosong nagmamaneho.
"Oo," maikli niyang sagot habang nakatingin sa bintana ng kotse.
"Kung ganoon ay bakit ko madalas makitang binu-bully niyo si Diana? Hinahayaan mo lang si Thea na saktan at ipahiya si Diana? Anong pakulo iyon, Mariel?" tanong ko na siyang kinagulat naman niya. Bigla tuloy siyang umiwas nang tingin sa akin. Nahiya siguro siya bigla. Nakakadismaya lang dahil nahuli ko pa siyang umirap sa akin. Una pa lang ramdam ko nang maldita ang isa ito. Kawawa tuloy si Diana. Ano kaya ang rason niya at ganoon niya tratuhin ang kapatid niya?
Hindi na siya nakasagot sa akin dahil saktong nakarating na kami sa harap ng hospital. Bigla-bigla na kasi siyang bumaba kaya bumaba na rin ako. Binuksan ko ang pinto sa likod ng kotse at saka ko muling binuhat ang walang malay-tao na si Diana.
Nakaabang naman ka agad sa amin ang isang stretcher na tila ni-request ni Mariel sa loob ng hospital. Impyernes naman sa kanya, ngayong nasa peligro ang buhay ng kapatid niya ay asikasong-asikaso naman niya ito.
"Ikaw na ang bahala sa kapatid mo, basa ako kaya hindi na ako papasok pa sa loob," paalam ko sa kanya.
"Okay, maraming salamat, Mark," sabi nito at saka na siya sumunod kay Diana sa emergency room.
Anong kamalasan naman kaya ang mayroon kay Diana at siya pa ang na-timing-an na kainin ng ipu-ipo? Sadya atang pinanganak na malas ang isang ito e. Ang weird lang talaga. Sa tuwing magkikita o nakikita ko siya ay palaging may aksidenteng nangyayari sa kanya. Napapailing na lang tuloy ako.
Habang pauwi na ako sa bahay ay dasal-dasal ko na sana'y ayos lang ang lagay niya.
Pagdating ko naman sa bahay namin ay naligo muna ako bago pumunta sa birthday party ng kaibigan ko. Pagod ako sa swimming lesson ko kaya ayoko sanang pumunta roon, kaya lang ay sobrang close namin ni Jojo kaya hindi ako makatanggi. Isa pa, maganda ang place nang pagbi-birthday-han niya kaya napapunta talaga ako. Malalabas tuloy ako ng Garay dahil magandang resort ang venue ng birthday niya.
Dinaanan ko ang isang ko pang kaibigan na si Charles dahil nag-message siya sa akin na sasabay siya sa akin.
"Solid, tol. Maganda raw na resort ang pupuntahan natin. Tiyak na malalasing tayo mamaya," sabi ni Charles nang pumasok na ito sa kotse ko.
"Kayo lang, alam niyo naman na hindi ako umiinom ng alak," pagtatama ko agad sa kanya. Napailing naman ito ka agad.
"Alam ko, baka lang naman kasi mapilit kita. Masarap kayang uminom ng alak. Sanayin mo na kasi ang katawan mo. Hindi iyong puro juice ang iniinom 'pag kasama mo kami. Hindi ka ba nagsasawang mag-alaga sa amin kapag lasing na lasing kami? Lahat kami lasing, ikaw lang normal kapag umuuwi tayo," aniya habang tumatawa pa.
"Ayos na iyon, kaysa magwala ako kapag nakakainom ako. Ayokong nang mangyari ang nangyari sa akin noong naglasing ako. Sinabi ko sa sarili ko na huling inom ko na iyon nang mapanuod ko sa video ang mga pinaggagawa ko kapag lasing ako. Hindi tama, Charles. Makakapatay ako ng tao," sagot ko sa kanya kaya natawa na naman siya.
Pagkalipas nang ilang oras ay nakarating na rin kami sa resort na pupuntahan namin. Kahit mahaba ang biyahe ay nairaos namin ni Charles sa pamamagitan nang paghuhunta.
Pagbaba namin ni Charles doon ay sinalubong kami nang malamig na simoy ng hangin at tunog ng malalakas na alon ng dagat.
"Bakit wala atang sound system?" tanong ko kay Charles.
"Ang alam ko, 8pm pa ang start ng live band kaya tahimik pa sa ngayon," sagot niya kaya napatango na lang ako. Maaga pa pala. Pasado 7pm kasi kami nakarating doon.
Hindi kami nagpunta ni Charles sa maraming tao. Ayon kasi kay Jojo ay may isang bahay siyang pinahanda roon para sa aming magto-tropa at doon kami tumuloy ni Charles.
Pagpasok namin sa bahay na sinabi ni Jojo ay kumpleto na pala ang mga tropa namin doon.
Wala kaming sinayang na oras at kainan na agad ang nangyari. Ang solid lang ng mga pagkain. Ang sasarap. Rich kid talaga si Jojo dahil napakarami niyang pagkain na inihanda sa amin. Nang mabusog ako ay saglit akong lumabas sa bahay na iyon para magpahangin sa labas. Pumunta akong mag-isa sa harap ng dagat.
Malinis ang dagat. Sobrang tahimik doon dahil pribado ang lugar na ito. Sobrang nakaka-relax ang ganitong senaryo. Tila ba nawala ang pagod ko.
Naupo ako sa buhangin at saka pinagmasdan ang mga bituin na kumukuti-kutitap sa langit. Ang ganda-ganda ng panahon ngayon. Ganitong panahon ang gusto ko talaga. 'Yung hindi masyadong mainit at hindi masyasong malamig. 'Yung sakto lang ba.
Habang nakatingin ako sa langit ay isang maliwag na bagay ang nakita ko. Nang una ay inakala kong bituin din iyon, pero nang lumaon ay papalapit nang papalapit ang liwanag na iyon na malinaw ko nang nakikita na kulay pula. Doon pa lang ay natakot na ako dahil pakiramdam ko ay kakaiba iyon.
Tumayo ako dahil parang sa akin papunta ang liwanag na iyon. Dahan-dahan na akong naglalakad pabalik sa bahay. Nang gawin ko iyon ay tila lalong bumilis ang pagbulusok niyon papunta sa akin kaya natuluyan na akong magtatakbo habang sumisigaw.
Ang buong akala ko ay makakaiwas ako sa bagay na iyon pero bigla na lang akong nabuwal nang maramdaman kong tumama sa akin ang tila batong iyon na nilusaw ang likod ko. Ramdam na ramdam ko na napaso ako sa likod ko. Pumasok sa likod ko ang batong iyon.
Nanlaki ang mata ko nang makita kong unti-unting naging bato ang katawan ko. Hindi lang iyon dahil matapos maging bato ang katawan ko ay nagkaroon pa ng bitak-bitak ang balat kong bato at biglang lumitaw doon ang isang likido na tila umaapoy. Para bang lava iyon na galing sa bulkan.
Hindi ko alam kung nanaginip ba ako o hindi? Sa sobrang takot ko ay nagsisigaw na lang ako. Dahil doon ay biglang sumabog ang tila mga bato na humiwalay sa balat ko. Kitang-kita ko na naging malakas na apoy ang mga nawarak na bato na galing sa balat ko.
Nagmistulang bonfire ang mga iyon sa buhangin. Nakakatakot. Hindi kapani-paniwala ang nasasaksihan ng mga mata ko.
At dahil bumalik na sa dati ang balat at itsura ko ay nagtatakbo na ako papunta sa bahay namin. Papasok na sana ako sa loob ng bahay na iyon nang bigla naman akong mabuwal. Bigla na lang nagdilim ang paningin ko kaya tuluyan na akong nawalang ng malay-tao doon. Ang huli kong natatandaan ay bumagsak na lang ako sa buhangin.