Chapter 9 - Ang lalaking tumulong kay Christine

1343 Words
Christine's POV Isang nakakalungkot na umaga na naman ito para sa akin. Ang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung papasok pa ba ako sa school o hindi na? Kahit sa school namin tuloy ay natatakot na rin ako. Sobrang grabe kasi ang nangyari sa akin kahapon sa park ng Garay. Kapag naaalala ko iyon ay natatakot na talaga ako. Habang papauwi na ako sa bahay ay dumaan muna ako sa park para maupo at magmuni-muni muna. Sobrang hirap kasi ng quiz namin sa english. Na-stress ako bigla kaya gusto kong magpahangin muna roon. Sinadya ko talagang hindi magpasundo sa driver ko para makauwi ako mag-isa. For me, mas masaya kasi ang namamasahero. Marami akong mga taong nakakasalamuha at nakikita. Isa pa, nagbabakasakali akong makita ang number one crush kong si Dudes Bernardo. Sayang nga lang at sa ibang school siya nag-aaral. Bakit sa Norzagaray Academy pa kasi siya nag-aral? Nakaupo ako sa isang bench nang biglang may lumapit sa aking tatlong babae. Kung hindi ako nagkakamali ay mga estudyante iyon sa school na pinag-aaralan ni Dudes. Nang una ay inakala kong magtatanong lang sila sa akin pero hindi ganoon ang nangyari. Mga bully pala ang mga iyon. "Hindi ba't ganyang mga itsura ang madalas nating pag-trip-an? Kahit pala sa ibang school ay marami ding nerd," sabi ng isang babae na mahaba ang buhok at singkit ang mata. Hindi siya katangkaran. Sakto lang. Napag-alaman kong Jaika ang pangalan niya. "True, Jaika. Look...makapal na eye glasses, kulot na buhok, may braces ang ngipin at mahahaba ang suot na uniform. Ang jologs lang! Ganiyang-ganiyan ang kinasusurahan kong estudyante. Kumukulo ang dugo ko sa mga ganiyan!" sabi naman ng isang babae na medyo chubby. Mahaba rin ang buhok nito na sobrang tangos naman ng ilong. Napag-alaman kong Venuss naman ang pangalan niya. "Go na! Sampulan na natin iyan," mataray naman na sabi ng isang babaeng kasama nila. Simple lang ito, pero mukhang ito ang maton sa magkakaibigan. Ang pangalan naman niya ay si Zyrille. Inagaw bigla ni Jaika ang suot kong salamin. Dahil doon ay naging blur ang paningin ko. Sobrang labo pa naman ng paningin ko kapag wala akong suot na salamin. Narinig ko na nabasag iyon dahil sa pag-aapak nilang tatlo. Wala silang awa na pinagbabasag ang salamin ko habang nagtatawanan pa sila. "Please, maawa kayo. Huwag ang salamin ko. Wala akong makikita niyan. Hindi ako makakauwi sa bahay namin," sabi ko habang naiiyak na. Kinakabahan ako. Tiyak na hindi ako makakauwi nito dahil wala akong makikita sa daan. Pagabi pa naman na. Nang masigurado na nilang basag na ang salamin ko ay naramdaman kong may sumabunot sa akin. Hindi ko na alam kung sino iyon dahil wala na akong makilala sa kanila sa sobrang labo ng mata ko. Basta, naramdaman ko na lang na may anim na kamay na sumabunot sa ulo ko. Wala akong kalaban-laban sa kanila. Sadya ngang marami pa ring malditang estudyante na nagkalat sa mundo. Wala tuloy akong nagawa kundi ang umiyak na lang. Tinigilan na lang nila ako nang masiguro nilang gulong-gulo na ang buhok ko. Naiwan akong mukhang tanga sa park habang nakahandusay sa lupaan. Iyak ako nang iyak habang kinakapa ko ang salamin ko. Nagbabakasakali akong buo pa iyon, ngunit nang makapa ko ay wala na itong salamin. Puro bubog na lang ang nasa paligid niyon. Gusto ko na sanang tawagan ang kuya ko para magpasundo ako, kaya lang ay wala talaga akong makita kaya kahit hanapin ko ang pangalan at number niya sa cellphone ko ay hindi ko kaya. "Miss? Ayos ka lang?" narinig ko na may lalaking lumapit sa akin. Hindi ko kita ang mukha niya kaya hindi ko alam kung kakilala ko ba siya o hindi. "Actually, hindi. M-maari mo ba akong tulungan?" Kinapalan ko na ang mukha ko. Ayokong matulog at mag-isa sa park na iyon kaya kahit mukha akong bruha at madungis ay sumama na lang ako sa kanya. Ang bango niya, malambot ang kamay at mukha namang mabait. Akay-akay niya ako at dinala niya ako sa loob ng isang sasakyan. "M-may sasakyan ka?" tanong ko nang makasakay na kami sa loob. Nakakainis. Hindi ko talaga makita ang mukha niya. Nakakapogi pa man din ang amoy ng pabango niya. Isa pa, para ngang pamilyar ang boses niya e. Gusto kong makita ang mukha niya kaya kahit wala akong makita ngayon ay sinubukan kong nakawan siya ng video. Madali lang naman i-open ang camera ko. Kabisadong-kabisado ko na iyon dahil selfie lord ata ako. Habang nagmamaneho na siya ay kinuhanan ko siya ng video na umabot siguro nang ilang minuto. Pagkatapos ay saka ko muling itinago ang cellphone ko. "Saan ka ba nakatira?" tanong na niya. "Sa Tabtab lang ako," sagot ko. "Matanong ko lang. Ano bang nangyari sa iyo at ganyan ang itsura mo?" tanong niya kaya bigla tuloy akong nahiya. "Na-bully ako nang mga malditang estudyante ng Norzagaray Academy. Baka kilala mo sila?" pagsusumbong ko. "Tamang-tama, doon ako nag-aaral. Sandali, kilala mo ba ang mga pangalan nila?" tanong pa niya. "Susubukan ko silang i-report para maparusahan sila," sabi pa niya. "Ang natatandaan kong pangalan nila ay Jaika, Venuss at Zyrille," sagot ko. "s**t! Sabi na e. Talagang hindi na sila magbabago. Don't worry, akong bahala sa kanila para maparusahan sila sa school," sabi niya kaya nagpasalamat ako sa kanya. Pagkatapos niyon ay hindi na kami nag-usap. Nagmaneho na lang siya nang tahimik habang ako naman ay mukhang tanga na hanggang ngayon ay inaaninag ang mukha niya. Ewan ko ba, nababaitan kasi ako sa kanya. Saka, kahit hindi ko siya kilala ay magaang ang loob ko sa kanya. Pero habang wala pa kami sa bahay ay inayos ko na ang sarili ko. Ayokong malaman pa sa bahay ang nangyari sa akin para hindi ako mag-cause ng problema sa kanila. Mainitin kasi ang ulo ng Kuya Jeff ko. Kapag nalaman niyang na-bully ako ay gaganti iyon kahit na babae pa sila. "Narito na tayo sa bahay niyo," anunsyo niya na kinagulat ko. "T-teka, magkakilala ba tayo? Bakit tila alam mo ang bahay ko?" tanong ko habang gulat na gulat pa rin. "Hindi na mahalaga iyon. Sige na, bumaba ka na at inaabangan ka na ng kuya mo sa gate niyo," sabi pa niya kaya nagmadali na akong bumaba pero bigla akong huminto. "Anyway, thank you sa pagtulong mo sa akin. Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob. Ba-bye. Ingat ka sa pag-uwi," sabi ko at saka na ako tuluyang bumaba sa kotse niya. Naramdaman kong sinalubong ako ni Kuya Jeff. Nang makita niya sigurong wala akong suot na salamin ay agad niya akong nilapitan. Alam kong magtatanong siya kaya nagsinungaling na lang ako na nawala ko ang eye glasses ko. Sobrang saya ko nang makauwi na ako sa bahay. Naka-survive ako. Sobrang thank you na lang talaga sa lalaking tumulong sa akin. Dahil sa kanya ay nakauwi ako nang maayos sa bahay namin. Bago ako tuluyang bumangon nang umagang iyon ay naalala ko ang nakaw na video sa lalaking tumulong sa akin kagabi. Dahil doon ay malalaman ko na kung sino siya. Nakakakita na ako dahil marami akong extrang salamin sa bahay namin. Ready ako dahil madalas talagang masira o mawala ang salamin ko. Kinuha ko ang cellphone sa bag ko na nasa kama ko lang din. Kagabi kasi ay hindi ko na nakutkot ang phone ko dahil sumakit talaga ang ulo ko sa pagsasabunot ng tatlong bruha sa akin. Nang makuha ko na ang phone ko ay sa gallery agad ako pumunta. Nakita ko agad ang video roon. Pagpidot ko sa play button ay agad na bumungad doon ang mukha ng lalaking tumulong sa akin. "PUTANG IN*!" napamura ako nang makita kong si Dudes Bernardo pala ang lalaking tumulong sa akin kagabi. Biglang kumabog ang dibdib ko. Na-shock ako. Hindi ako makapaniwala na siya pala ang kasama ko kagabi. Natawa pa ako dahil nagpa-cute pa ito habang bini-video-han ko siya. Hiyang-hiya ako sa sarili ko dahil alam pala niya na kinukuhanan ko siya ng video. Putakte! Sana lamunin na ako ng lupa ngayon. Hiyang-hiya ako sa sarili ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD