Chapter 7 - Eating disaster

1526 Words
Diana's POV Nagising ako nang maramdaman kong may malamig na tubig na bumuhos sa mukha ko. Napabalikwas ako nang bangon dahil sinadya pa talaga niyang may yelo ang tubig na binuhos sa akin. "Ano na? Tanghali na po! Wala ka bang balak pumasok sa school?!" sigaw agad ni Mariel na gayak na gayak na. Naka-uniform na ito at ready nang pumasok sa school. Napairap ako dahil sa ginawa niya. "Puwede namang gisingin ako nang maayos, kailangan bang buhusan pa ako ng tubig?!" iritado kong sabi. Hindi ako madalas sumagot sa kanya dahil ginagalang ko siya, dahil siya ang mas matanda sa akin. Ang sa akin lang ay hindi manlang ba niya naisip na kaya ako napuyat at ngayon lang nagising ay sa akin niya inasa ang project niyang hindi ko naman inaasahan na sobrang hirap pa lang gawin. Tapos ang igaganti lang pala niya ay pagbuhos sa akin ng tubig ngayon umaga? Kairita! Kung puwede ko lang siyang labanan ay ginawa ko na. "Paano kasi ay wala kang pagkukusa sa sarili mo! Kailangang may gumigising pa sa iyo. Ako ang napapagalitan nila mama at papa!" galit pa rin nitong sabi sa akin. Nakakainis. "Kung ganoon naman pala ay dapat matuto kang gumawa nang project mo. Hindi iyong inaasa mo pa sa akin. Hindi mo ba alam na dahil sa project mo ay kaya ako napuyat," mahinahon kong sabi habang tinitiklop na ang sapin ng kama ko. Pahihirapan pa tuloy niya akong ibilad ang foam ng kama ko sa labas. Hindi naman na siya nakasagot sa akin. Kinuha na lang niya ang folder na naglalaman ng project niya at kahit pasasalamat manlang ay wala siyang ibinigay. Talaga ngang tatlo na ang sungay ng kapatid kong iyan. Pagkatapos kong ligpitin ang higaan ay tumuloy na ako sa banyo ko. Dahil ilang minuto na lang ang natitira sa akin ay mabilisang pagligo ang ginawa ko. Hindi ko na nakuhang mag-almusal dahil kanina pa ako binubulungan ni Mariel. Para itong manok na putak nang putak. Takot na takot ma-late. Ako naman ay walang magawa kundi ang sumunod na lang sa kanya. Kahit kasi sa sarili kong kapatid ay nakakaranas ako nang pambu-bully. Isa kasi siya sa alipores ni Thea na bully girl sa Casay National high school. Sunud-sunuran siya sa gagang iyon na pa-famous lang sa school. Puro ganda lang, wala namang utak. Hindi ko alam kung bakit iritang-irita sa akin ang kapatid kong si Mariel. Wala naman akong maling ipinapakita sa kanya. Ayos naman ang pakikitungo ko. Ginagawa ko naman ang mga assignment at project niya. Minsan, kapag wala siyang pera, palihim niya akong hinihingan, bigay naman ako nang bigay...kaya hindi ko lubos maisip kung saang nanggagaling ang galit niya sa akin? Minsan tuloy ay naiisip ko na baka baliw lang siya. Nakakainis ang ugali. Pagdating namin sa school ay ayaw naman niya na sabay kaming bababa sa sasakyan. Dapat, mauuna muna siya bago ako. Kaya naman naghihintay pa ako ng 10 minutes bago ako bumaba sa sasakyan namin. Sobrang arte niya talaga. Nang ako na ang bumaba ay nagulat ako sa mga litrato na nakapaskil sa labas. Akala ko ay may kung anong masama na nangyari sa mga estudyante. Naroon kasi ang mga litrato nila Acelle, Leeya, Misha, Christine, Czedric at Molen. Ayon sa nakalagay doon ay lahat sila ay nasa hospital. Hindi naman critical ang lagay nila. Ang nakakagulat lang ay tulog ang mga ito na para bang comatose. "Ang weird! Kung tulog lang naman pala sila ay bakit nanghihingi pa sila ng dasal sa atin? Bakit hindi na lang silang gisingin para maging maayos na," pilosopong sabi ng isang estudyante na papasok na rin sa gate na narinig ko. "Pero, hindi biro ang mga nangyari kay Czedric at Molen. Napanuod ko kahapon ang mga iral video nang mga aksidente nila. Kahit ako man ay takang-taka na nakaligtas pa sila," sagot naman ng isang babaeng estudyante na kasama nito. Naalala ko tuloy ang mga video nila. Kahit ako man ay nagtakaka. Hindi ko lubos maisip na makakaligtas pa sila. Pero kay Czedric ako naawa. Super crush ko kasi ang sikat na basketball player na iyon. Laking pasasalamat ko nga at ayos pa siya. Sana lang ay magising na siya. Siyempre, hindi lang siya kundi ang iba pang mga nasa peligro ang buhay. Pagkatapos kong titigan ang mga litrato nila ay naglakad ba ako papunta sa room namin. Pagdating ko roon ay nasunggo ako ng isang lalaki. "OMG!" sabi ko. Nabuwal ako at nalaglag ang suot kong salamin. Dahil nawala ang suot kong salamin ay wala tuloy akong makita. Sobrang blur nang paningin ko kapag wala iyon. Kinapa ko ang salamin ko sa lapag pero biglang may humawak sa kamay ko kaya napatigil ako. "Huwag mo nang hanapin ang salamin mo at hawak ko na," dinig kong sabi niya. Pamilyar ang boses niya. Nagulat pa ako nang siya pa ang nagsuot niyon sa mata ko. Dahil doon ay malinaw ko na tuloy nakita kung sino siya. "M-mark?" sabi ko. "S-sorry kung nabunggo kita. Nagmamadali na kasi ako dahil may training ko. Super late na kasi ako," paliwanag niya. Kilala siyang magaling na swimmer. Ang alam ko sa kanya ay good boy ito. Cute rin naman siya pero iba pa rin ang pagkagusto ko kay Czedric. "Okay lang, sige na, umalis ka na at baka ma-late ka pa," sagot ko kaya nagtatakbo na siya paalis sa akin. Dahil doon ay tuluyan na kong pumasok sa loob ng room namin. Sinalubong naman agad ako ng dalawang BFF ko na sina Tisay at Mika. Kaming tatlo ang magkakatabi palagi sa room namin. Dalawang nerd ang kaibigan ko. Si Tisay at maputing kulot na mahaba ang buhok, habang si Mika naman ay straight hair na morena ang balat. Hindi sa pagmamayabang, pero kapag tumatabi ako sa kanila ay umaangat ang ganda ko. Pero hindi sa sinasabi kong pangit sila. Maganda rin naman sila. Mag-ayos lang sila ay tiyak na aangat din ang ganda nila. Sadyang ayaw lang talaga nilang makinig sa akin dahil gusto nila ang ganoong itsura. Hindi ko naman sila maitaboy dahil sobrang bait nilang dalawa. Elementary pa lang ay magkakaibigan na talaga kami kaya solid na solid ang pagkakaibigan namin. Pagkatapos nang morning class namin ay naisipan kong umuwi sa bahay namin dahil naiwan ko ang book na gagamitin ko para sa afternoon class namin. Naiwan ko iyon dahil sa pagmamadali sa akin ni Mariel kanina. Nainis ako dahil hindi tuloy ako nakasamang mag-Korean restaurant sa mga kaibigan ko. Ang sarap pa naman doon. Tahimik lang ako habang nagmamaneho si Manong Onse. Hawak ko ang phone ko habang tumitingin ng mga update sa life ng mga friends ko sa f*******:. Hanggang ngayon viral pa rin ang mga video nila Czedric at Molen. Iyon at iyon pa rin ang lumalabas sa timeline ko. Napaisip tuloy ako bigla. Bakit kaya sabay-sabay silang iisa ang problema. Puro tulog at hanggang ngayon ay hindi pa nagigising? Hindi ko alam kung ako lang ang nakakaisip nito, pero ang weird talaga. Pakiramdam ko ay may kung anong misteryo ang nababalot sa kanila ngayon Isang malakas na kalabog ang bigla kong naring kasabay nang pagsubsob ko sa kotse namin. "Ahhhhhhhhh!" Napasigaw ako nang pagsilip ko sa labas ay lumilipad na ang kotse namin paitaas sa ere. Nagulat ako dahil nilamon pala ang kotse namin ng malaking ipo-ipo. Ang kinakatakot ko ay mag-isa na lang ako sa loob ng kotse namin. Wala na si Manong Onse. Mukhang sa lakas ng ipo-ipo ay nabuksan ang pinto ng sasakyan at aksidente siyang nalaglag. Iyak na ako nang iyak at sigaw nang sigaw. Takot na takot ako. Pakiramdam ko ay katapusan ko na. Kumapit na lang akong mabuti sa sasakyan namin para maligtas ako kahit liyong-liyo na ako sa kakaikot ng kotse sa loob ng buhawi. Pinikit ko ang mata ko para maibsan ang liyo ko. Umiiyak ako nang nakapikit. Isip-isip ko ang pamilya ko. Hindi ko alam kung makakaligtas pa ako kaya grabeng pagdadasal ang ginawa ko. Matagal akong nakaganoon. Hanggang sa napadilat na lang ako nang maaninag ng mata ko ang liwanag sa harap ko. Doon ko nakita ang isang bato na kulay yellow na nakatapat sa akin. Hindi ko alam kung ano iyon pero sinubukan ko siyang hawakan. Doon ay tila hinigop ng katawan ko ang buong bato na iyon. Dahil doon ay unting-unting pumasok sa bibig ko ang buhawi na nagwawala sa labas. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari, pero sa nakikita ko ngayon ay parang kinakain ng katawan ko ang higanting ipo-ipo sa labas. Kusang na lang nawala ang malakas na hangin sa laba kaya mabilis akong nahulog sa lupaan habang nakasakay pa rin sa kotse. Napunta ang malaking buhawi sa loob ng katawan ko. Hindi ko tuloy alam kung nanaginip ba ako nang gising o totoo ang mga nangyayari. Hindi kasi kapani-paniwala ang mga nasaksihan ko. Saktong pagbaba ko sa baba ay agad naman nagdilim ang paningin ko. Ang huli kong natatandaan bago ako mawalan ng malay ay ang mukha ng kapatid kong si Mariel na naroon sa tapat ng sasakyan namin. Sa school kasi namin nahulog ang sinasakyan kong nilipad ng ipo-ipo. Pagkatapos niyon ay tuluyan na akong nilamon ng dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD