Misha's POV Habang tahimik akong nakatingin sa bintana ng kotse ay kanina ko pa pansin na nakatitig sa akin si mama. Simula nang maaksidente ako noong birthday ni lola ay naging sweet na siya lalo sa akin. Hindi na niya ako sinisigawan, tinatarayan at pinapagalitan. Alagang-alaga pa niya ako ngayon. Tinapunan ko na nang tingin si mama dahil naiilang na ako sa mga tingin niya. "Bakit kanina ka pa po nakatingin sa akin? May dumi po ba ako sa mukha?" tanong ko na sa kanya. Ngumiti siya. "Wala. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala na ayos ka na at maaga kang magkakaroon ng boses. Kahit ang mga doctor ay hindi rin makapaniwala sa nangyari sa iyo," sabi niya. Ilang beses na niyang sinasabi sa akin iyon. Puro iyon ang sinasagot niya tuwing mahuhuli ko siyang nakatingin sa akin