Acelle's POV Pagdilat ng mata ko ay bumungad sa akin ang malalaking apoy na kulay bughaw. Nakapaligid ito sa akin na tila kinukulong talaga ako. Dali-dali akong bumangon. Tinignan ko ang buong paligid. Para akong nakakulong isa isang kuwarto na puting-puti. Ang tanging special lang ay ang apoy na bughaw na nagkalat sa paligid. Naisip kong baka nasa langit na ako dahil ang huling natatandaan ko ay nasa loob ako ng kotse at pumasok sa loob ng katawan ko ang batong umiilaw ng kulay asul. Hinawakan ko ang sarili ko. Kinurot-kurot ko pa ang balat ko, pero nakakaramdam naman ako ng sakit kaya alam kong hindi ito panaginip. Doon na ako nag-umpisang sumigaw. "Hello?! May tao ba rito?!" Nag-uumpisa na akong matakot. Hindi ko talaga alam kung nasaang lupalop ba ako ng mundo ngayon. Kung langit n