Chapter 10 - Ang duwag na si Christine

1625 Words
Christine's POV Bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Nakita ko na niluwa ng pinto si Kuya Jeff. "Anong oras na, Christine? Bakit nakahilata ka pa riyan?" tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo. Sumibangot ako at saka ko siya iniwasan nang tingin. Ang totoo ay wala akong balak pumasok ngayon sa school. Tila nagkaroon ako ng phobia sa nangyari kagabi. "Sorry, Kuya Jeff. Hindi siguro ako makakapasok ngayon at sumama kasi ang pakiramdam ko," pagsisinungaling ko na lang sa kanya. Naupo tuloy siya sa tabi ko. "Bakit? Ano bang nararamdaman mo?" tanong niya habang sinasapo pa ang noo at leeg ko. Kinabahan ako dahil baka nakapa niyang ayos naman ako. Hindi ako mainit.  "A-ano kasi...masakit ang ulo ko. Siguro sa mata ito," pagsisinungaling ko ulit. Nakapikit ako at nakangiwi para kunyari ay totoong masakit ang ulo ko. Nang maramdaman kong tumayo na siya ay alam kong success ang pagsisinungaling ko. Nakukunsensya man ako sa pagsisinungaling ko sa kanya ay wala naman akong magawa dahil takot talaga akong lumabas dahil sa nangyari kahapon. Hindi naman ako masyadong nakakatanggap ng pambu-bully sa school namin. Kung mayroon man ay sinusura lang ako dahil sa itsura ko. Hindi naman ako nakakatanggap ng mga pisikal na pambu-bully doon gaya nang ginawa sa akin ng mga taga-Norzagaray academy. "Oh, sige. Magpahinga ka na lang muna riyan. Kung need mo ng gamot ay tawagan mo lang ako o tawagin mo si Manang Fracia para mabigyan ka. Aalis na ako at papasok sa school. Wala na rin sina mama at papa riyan kaya si Manang Fracia na lang ang kasama mo rito," sabi pa niya. "Sige na, umalis ka na at baka ma-late ka pa," sabi ko para umalis na siya. "Okay. Pagaling ka. Kumain ka na lang sa baba kapag ayos ka na." Nakapikit pa rin ako para maniwala siyang masama ang pakiramdam ko. Nang marinig kong sumara na ang pinto ng kuwarto ko ay doon na ako dumilat ng mata. Kinuha ko ulit ang cellphone ko at saka ko pinanuod ang video ko kay Dudes. Until now, hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang kasama ko at nagligtas sa akin kahapon. Ilang beses ko iyong pinanuod. Hiyang-hiya talaga ako sa ginawa ko.  Pero ang nakakapagtaka lang sa nangyari ay para bang kilala na ako ni Dudes at alam niya ang lahat-lahat sa akin. Kahit ang address ng bahay ko ay alam niya. Pati ang Kuya Jeff ay kilala rin niya. Ang weird lang talaga. Nang bandang 9am na ay nakaramdam na ako nang gutom. Dahil sure akong wala na roon ang parents ko at si Kuya Jeff ay bumaba na ako para kumain. Pagdating ko sa kusina ay nagulat pa sa akin si Manang Fracia. "Oh, ayos na po ba ang pakiramdam niyo? Balita ko kay Sir Jeff ay masama raw ang pakiramdam niyo? Gusto niyo po ng gamot?" sunud-sunod niyang tanong na siya namang tinanggihan ko. "Hindi na po kailangan. Maayos na po ang pakiramdam ko," sagot ko sa kanya. "Mabuti naman po kung ganoon. Itatawag ko iyan kay Sir Jeff. Nagbilin kasi siya na i-update ko siya sa lagay niyo," sabi niya kaya agad akong tumakbo papunta sa kanya para agawin ang phone niya. "No, manang! Huwag niyo pong sabihin sa kanya at malalagot ako. Actually po ay hindi talaga masama ang pakiramdam ko. Nagsinungaling lang ako sa kanya na may sakit ako para hindi ako makapasok sa school ngayon."  Agad namang nagtaka si Manang Fracia. "Ngunit bakit naman po? Anong dahilan niyo at um-absent kayo ngayon?" tanong pa niya. Sa pamilya namin ay sa kanya lang ako nagsasabi at nagbabagsak nang saloobin. Lahat ng sikreto ko ay sinasabi ko sa kanya. Parang lola ko na kasi siya. Naupo ako sa hapagkainan habang hawak-hawak ang gatas na ibinigay niya. "Kahapon po kasi ay nakaranas ako nang pambu-bully," sabi ko sa kanya kaya lalo siyang nagulat. Isinalaysay ko sa kanya ang lahat nang nangyari kahapon. Sa huli ay siya pa ang galit na galit sa mga estudyante ng Norzagaray Academy na nam-bully sa akin. "Hindi ko talaga gusto na inililihim mo iyan sa pamilya mo. Dapat nagsusumbong ka para maaksyunan nila iyan. Hindi tama na nagpapaapi ka. Masasanay ka niyang maging duwag. Hindi maganda iyan, Christine!" galit niyang sabi. Natatawa ako dahil siya pa sa huli ang pinakalma ko. Galit na galit talaga siya sa mga nalaman niya. Ganiyan kasi niya ako ka-love kaya gustong-gusto ko rin siya.  "Ayoko po nang gulo. Tama na iyong ako na lang ang tumahimik. Alam mo naman sina mama at papa...iba iyon magalit. Tiyak na kung saan-saan pa mapupunta ang alitan. Lalo naman si Kuya Jeff. Kapag nalaman niyang mga babae ang umaway sa akin ay hindi niya iyon palalagpasin. Iniiwasan ko lang na makagawa nang masama ang pamilya ko. Ganoon ko sila kamahal, kaya kahit ako na lang ang masaktan ay ayos na po sa akin," paliwanag ko sa kanya. Walang nagawa si Manang Fracia kundi ang makinig na lang sa akin.  Naiinis ako dahil alam kong hahanapin ako nila Acelle at Misha sa school. Ayaw pa naman nila na hindi kami buo sa school. Ewan ko nga ba sa sarili ko? Bakit ba hindi ako binayayaan ng tapang? Takot na takot talaga ako sa nangyari sa akin kahapon. Pakiramdam ko tuloy ay araw-araw kong dadanasin iyon simula nang mangyari sa akin iyon. Ganoon ako kaya nalulungkot ako ngayon. Pero ipinagtatanggol naman ako sa school nila Acelle at Misha kapag may nang-aasar sa akin. Ganoon pa man ay hindi rin naman kami palaging magkakasama dahil humihiwalay ako sa kanila kapag kakain. Iba-iba kasi ang trip naming kainin. Kaya kapag wala sila sa tabi ko ay doon umaatake sa akin ang mga nang-aasar sa akin na mga feeling perfect na student doon. Kapag ako talaga ay gumanda, who you silang lahat sa akin! Pagsapit nang tanghali ay biglang umandar ang sakit ng ulo ni Manang Fracia. Siya pala ang tunay na may sakit dahil ayon sa kanya ay napuyat siya dahil sa pag-aalaga ng apo niyang inaapoy nang lagnat kagabi. Dahil naawa naman ako sa kanya ay ako na lang ang nagprisintang mamalengke kahit takot akong lumabas. Ganoon pa man ay naging maingat na lang ako. Kapag alam kong may mataray na taong nasa paligid ko ay ako na lang ang unang umiiwas. Namasahero lang ako papunta sa palengke dahil ayaw kong gamitin ang sasakyan ko kung doon lang ako tutungo. Ayokong magpakasosyal dahil minsan, iyon din ang sanhi kung bakit ako nabu-bully. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ang ilan sa mga tao ay galit sa mga nakaangat sa kanila. Porket ba nerd ako ay wala na akong karapatang magkaroon ng kotse, magmuni-muni at mapag-isa? Iyong tipong nanahimik ka na nga ay sila pa ang malakas ang loob na mang-trip sa akin. Nakakainis lang. Kasi naman, kapag inggit, pikit. Simple lang naman. Joke lang! Hindi ako mataray. Gusto ko lang pasayahin ang sarili ko. Yes, sarili ko na lang ang nagpapasaya sa akin kapag mag-isa ako. Ganito kaming mga nerd. Pagkatapos kong mamili ay napagpasiyahan kong maglakad na lang kaysa mag-tricycle. Trip kong magpapawis ngayon kaya iyon ang naisip kong gawin. Sobrang weird lang dahil walang masyadong tao nang araw na iyon. Sabagay, sino ba naman ang gustong lumabas nang ganitong tirik na tirik ang araw?  Hindi ko ininda ang mainit na panahon. Enjoy na enjoy pa nga ako dahil tahimik ang paligid ko kahit nasa labas ako. Nang mapadaan ako sa isang mapunong lugar ay naramdaman kong biglang humangin nang malakas. Ang buong akala ko pa nga niyon ay uulan na dahil lumamig talaga ang buong kapaligiran.  Laking gulat ko na lang nang paglipad ng payong na dala ko ay isang umiilaw na batong kulay pink ang bumungad sa harap ko. Ang weird, dahil akala ko ay may nangti-trip na naman sa akin. Pero nang biglang pumasok sa loob ng katawan ko ang batong iyon ay doon ko na naisip na iba na ang nangyayari. Alam kong kakaibang bato ang lumusot sa katawan ko. Hindi ko nga lang alam kung ano kakaibang bato iyon at kung saan iyon galing? Naramdaman kong bigla akong lumakas. Para bang kaunting lakad ko lang ay ang gaang-gaang sa pakiramdam. Natakot ako nang una pero nawala rin dahil wala namang masamang nangyari sa akin. Baka nagkamali lang ako nang kita sa batong umiilaw ng pink kanina. Baka namalik-mata lang ako at hindi naman talaga iyon pumasok sa katawan ko. Ang pinagtataka ko lang ay habang naglalakad ako noon ay lahat ata ng taong nadadaanan ko ay nakatingin sa akin at nginingitian ako. Pakiramdam ko noon ay binu-bully na naman ako dahil sa itsura ko kaya mabilis akong tumakbo papauwi sa bahay. Kainis lang kasi at nilipad nang malakas na hangin ang payong ko kaya hindi ako makapagtago sa kanila. Pagdating ko sa bahay ay naramdaman kong bigla akong nanghina ulit. Tila ba nagamit ko ang lakas ko sa pagtakbo kanina. Hiwagang-hiwaga ako sa batong nakita ko kanina na lumusot sa katawan ko kaya't kinuwento ko iyon kay Manag Fracia. Pinagtawanan niya lang ako. Hindi siya naniwala sa akin. Nainis na lang ako sa kanya kaya iniwanan ko na lang siya sa kusina kasama ang mga pinamili kong gulay at karne. Nang pabalik na ako sa kuwarto ko ay biglang naging itim ang paningin ko. "Manang Fracia?!" sigaw ko agad sa kanya. Tila ba kinarma ako sa pagsisinungaling ko kay Kuya Jeff. Mukhang nagkatotoo na ang sakit na ina-acting ko kay Kuya Jeff kanina. "Bakit? Anong nangyayari?" gulat na gulat na tanong ni Manang Fracia nang dumating na siya sa tabi ko. Paglapit ko sa kanya ay tuluyan na akong nawalan nang lakas. Nang tuluyang magdilim ang paningin ko ay sinalo na lang ako ni Manang Fracia. Pagkatapos niyon ay tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD