Chapter 5 Suitor

1194 Words
Diane: MAGHAPON AKONG nakahilata lang sa kama. Pakiramdam ko'y nanlalata pa rin ako. Matamlay ako sa 'di ko mawaring dahilan. Wala naman akong sinat. Pero para akong kagagaling sa matinding training. Ang bigat ng katawan kong parang nabugbog ng sampung katao. "Anak what's wrong? Aren't you feeling well?" si mommy. Nanatili akong nakasubsob sa unan ko na padapang nakahiga ng kama. "Diane" untag pa nito na naupo sa gilid ng kama at hinaplos ako sa ulo. "I'm okay Mom" inaantok kong sagot. Hinahaplos pa rin naman ako nito sa ulo. "Why are you still here?" tanong ko sa katahimikan namin. Napahinga ito ng malalim. "I'm going to Vancouver again tonight sweetie" malungkot nitong sagot. Napaismid na lamang ako total hindi naman niya nakikita ang reaks'yon kong nakasubsob sa unan. "I'm staying there for a few weeks. Maybe one or two months" napaangat ako ng mukha na tumihayang kunot ang noong napatitig dito. Inayos naman nito ang comforter ko dahil nalihis 'yon at tumambad ang kahubaran ko. "Two months?" nag-iwas ito ng tingin na inayos ang comforter hanggang leeg ko. "Ahuh, kailangan kong tutukan ang kumpanya doon" anito. Nangunotnoo ako lalo. Pakiramdam ko'y may hindi ito sinasabi sa akin. "But Mom--" "You take care of yourself hija huh?" putol nito sa sasabihin ko at mariing humalik sa noo ko bago tumayo. Napamaang na lamang akong nakamata dito. Ngumiti ito pero hindi pa rin makatingin sa mga mata ko na parang iniiwas iyon sa akin. Hindi na lamang ako umimik at tumango. Alam ko namang stressed na rin si mommy na pamahalaan ang malaking kumpanya namin idagdag pang nagdadalamhati pa rin ito. Pero dahil maraming pamilya ang nakaasa ang hanapbuhay sa Casanova Empire Group of Company ay wala naman itong ibang pamimilian kundi magpatuloy. Hindi siya pwedeng magmukmok. Hindi siya pwedeng magpabaya. LUMIPAS ANG ILANG linggo na hindi nagpaparamdam si mommy. Pero napapanood ko naman siya sa balita na maayos nitong pinamumunuan ang kumpanya kaya hindi ko na rin ito ginulo. Ayaw kong makadagdag sa mga inaalala pa niya. Hindi ko na rin muling nakasalamuha si Dionne. Bagay na ipinagpapasalamat ko kaya kahit paano ay natahimik ang mundo ko. Maging ang mga kaibigan ko ay busy na rin sa kanya-kanya nilang gawain. Si Liezel, Lira at Naeya ay busy sa buhay may asawa. Habang si Kristel ay nasa America kasama si Louis na inaalagaan nito. At si Irish? Ewan ko sa bruhang 'yon. Matapos matakasan ang engagement na nakalaan dito sa pamamagitan ng pagpapanggap naming magkarelasyon ay nanahimik naman ang bruha. Nagliliwaliw kung saan-saan at umiiwas sa ina dahil alam naman ng ina nitong hindi tomboy si Irish lalo nang hindi kami magkarelasyon. PAGEWANG-GEWANG AKONG bumaba ng kotse at halos magsara na ang mga mata kong antok na antok na. Pero biglang nawala ang kalasingan ko na mapansin ang kotse ni mommy na nakaparada dito sa garahe namin. Napapilig ako ng ulo. Mahigit dalawang buwan na rin pala magmula nang umalis itong tinutukan ang kumpanya sa Vancouver. Napangiti akong excited na pumasok ng mansion pero natigilan ng makita itong kasama na naman ang lalakeng pinakilala nito dalawang buwan na ang nakakalipas na nagngangalang...Davidson. Napalunok ako. Napakaseryoso ng itsura nila na halos pabulong na kung mag-usap kahit magkatabi naman sila sa sala. "Mom?" napalingon itong kaagad na tumayo at matamis akong nginitian. Sinalubong ko naman ito na mahigpit niyakap. "How are you hija? Hmm?" malambing saad nito na mariing humalik sa noo ko. Yumakap ako dito nang igiya niya akong maupo kaharap ang bisita nitong matiim na naman ang mga matang nakatutok sa akin. Hindi naman ako naiilang na tipong minamanyak niya ako sa isip-isip niya pero. Parang makahulugan lang ang mga mata nitong tumitig. "I'm good Mom" saad ko ngumiti dito habang haplos ako sa buhok. Kakaiba rin ang kislap ng mga mata nito na matiim nakatitig sa akin. "How about you? How's the company?" baliktanong ko. "Well. I'm good too hija. And the company goes as well" simpleng sagot nito. Napalingon na ako sa kaharap namin na bahagyang napaiwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin. "You still remembered him, right?" tumango lang ako na kiming ngumiti sa kaharap namin. "Hello po, nice to see you again Sir Davidson" pormal kong pagbati na ikinangiti nitong napatango. "Yeah, it's so nice to see you again Diane hija" saad nito na iba ang dating sa akin lalo na ang pagbanggit nito ng...hija. "Ahm hija" napalingon ako kay mommy. Hinawakan nito ang kamay ko na marahang pinipisil-pisil ito. Napalunok akong napatitig sa mga mata nitong may mga halo-halong emosyong nakikita ko doon. Takot. Lungkot. Saya. Pag-aalala. Mga bagay na hindi ko mawari kung bakit? At para saan. "Yes Mom?" untag ko dito. Hindi na rin maganda ang kutob ko sa mga nangyayari at nakikita dito. Napahinga ito ng malalim. Ramdam ko pa ang panlalamig at paninigas ng kamay nitong nakahawak sa kamay ko. "Ahm, is it okay with you hija if....if--" "If what Mom?" putol ko dahil halos hindi nito maituloy ang ibig sabihin. Bakas ang kaba sa mukha nitong namumutla na naglulumikot ang paninging hindi makatitig sa mga mata ko. "Mom? Common, I'm willing to listen whatever it is" marahan kong pinipisil-pisil ang kamay nitong nanlalamig. Pilit itong ngumiti sa akin na hinaplos ng isang kamay nito ako sa pisngi. "If I allowed Davidson to.....to c-court me" mahinang sambit nitong sapat na para marinig ko. Napapilig ako ng ulo na inaalisa ang sinaad nito. May parte sa puso kong nasaktan ako na magpapaligaw na ito dahil kamamatay pa lang naman ni daddy kung susumain. Halos tatlong buwan pa nga lang. Napatitig ako sa mga mata nitong bakas ang pangungusap at pangungulila. Sino ba ako para hadlangan ang mommy ko sa kaligayahan niya? Hindi ko naman maibibigay ang mga pangangailangan niya bilang babae. Isa pa ay byuda na siya. Buong buhay niya ay ibinibigay ang lahat ng hingin ko ng triple pa sa hinihingi ko. Ngayon lang siya humiling sa akin. Tatanggihan ko pa ba? Ngumiti akong hinaplos din ito sa mukha. "Is that what's makes my Mom's happy?" malambing tanong kong ikinangiti at aliwalas na ng mukha nito. Nangilid ang luha nitong tumango-tango. Napahinga ako ng malalim. "Then make yourself happy Mom. Because when you're happy? I'm happy too Mommy" tuluyang tumulo ang luha nitong napalabi kaya natatawa na lamang akong niyakap ito. "Thank you hija. You have no idea how you make me happy tonight!" bulalas nito na sa tono ang saya. Matapos maipagpaalam sa akin ni mommy kung maaari ba niyang payagang manligaw si tito Davidson na pinayagan ko ay nakikita ko na muli ang dating mommy ko na masayahin at parang hindi nauubusan ng energy. Bagsak ang balikat kong pumasok sa silid. Kahit ayaw ko pa sanang magpaligaw si mommy ay ayaw ko namang malugmok ito sa kalungkutan. Isa pa ay kayang-kaya ko naman siyang protektahan kung sakali at lokohin lang siya ni tito Davidson. Para saan pa at isa akong professional trained assassin kung hindi ko maprotektahan ang nag-iisang ina ko? Hwag lang magkakamali ang sino mang babanggahin o saktan ang ina ko cause I swear. I won't hesitate to kill whoever they are. I'll show them how's this angel......turns into devil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD