waaaahhhh....... I woke up too early cause I am excited and nervous at the same time... I texted Rose..
Angel: "Hoy! asan ka na?" .
Angel: "nu oras ka papasok? agahan mo hanapin pa naten room naten..." .
Angel: "Hoy! gumising ka na!!!"
Rose: "bahay ...grabeh naman alas kwatro palang naman!!!!"" antok pa ako.."
Angel: "bangon na ta wala ako kasama"
Angel: "bilisan mo ah 6:30 dapat andun na tayo?" .
Rose:............... ......k.......zzzzzzzzz
And yes! maaga nga po sya... ayoko naman gumala gala sa school na mag-isa ko ah...
Unang subject namin, sobrang hanap kami, major subject is real...... syempre upo kami sa dulo, ayoko naman sa harap, hahahhaha.
Dumating si prof at nagpakilala. wahhhhhh! maliit din si maam. pero she is cute.. at dahil nga daw first day of school di muna kami pinepressure. Ang konti naman namin na girls sa section.
Prof: Good morning, I am Ms. Maria your PL instructor, I hope you will enjoy my subject. Do not worry to much kc i will help you naman along the way. but then since first day tayo, I will dismiss you earlier than our time for the subject. just pass your CCs(classcard yun mga sis) but while each one pass their CC I want to get to know you, so pakilala kayo one by one. then do not forget to attach a 1x1 picture in your CC.
Halla mga sis, papakilala pa talaga? Eto yung ayaw ko sa first day. Anyway nasa nearly 40 ata kami sa class pero naoverpower kaming mga girls ah.. Parang engineering to mga besss..
Pero in fairness, we have here different varieties of guys around here. May chinito, may foreign blood ata yung isang guy. AFAM. may tall, dark and handsome din may medyo maliit din and may malaking katawan, I think nag gygym 'to. Ang kukyut ng mga gurls.. 10 lang ata kami, tpos tibo pa yung isa.
There is a girl na maputi not that maputi pero ang clean tignan.... mukhang Richkid mga bess. Ang pretty nya, chinita like medyo koreana or somewhat chinese, basta singkit na bilog ung eyes.
Bumalik ako sa aking malalim na obserbasyon nung siniko ako ni Rose, hahahahaha kanina pa pala ako tinatawag, ako na pala yung magpapakilala. Paano ba naman kc inuna sa likod paharap daw.
Ano ba yan nakakahiya, parang gusto ko lumubog, unang araw palang parang wala na ako sa katinuan, tinawanan tuloy ako ng mga kaklase ko?..
" M--.My name is Angel Ventura, from Santiago, 18 and fresh graduate. I am a kpop fan, hope we enjoy the company of each other.
"pulang pula siguro ako sa kahihiyan. then sunod na sila nagpakilala.
"My name is Katie Park from Bulacan, but I move here for some reason, I shifted my course from Business Ad to ComScie for some reason as well.
I was totally new here kaya sana you guys will guide me. I am 24 yrs old. thank you.??"
Ate ko pala sya, may korean blood sya, Park apelyido nya waaaaahhhhh.... I want to get to know her. Sana di sya suplada. Ang ganda ng smile nya, kamukha nya si Park Shin Hye at matangkad din sya like me. UWu...,
And lahat ng subject ng morning same lang naman ng ginawa... Anyway, dahil ang ganda ni ate Katie, humanga ang mga boys... kantyawan sa klase kanina. lalo na nung malaman nilang single si ate.
Pero naku naman boys are boys talaga. pati ako pinagtripan din.. Mukha daw ako highschool na napadpad sa college. Naligaw lang daw ako.??. Lagi nalang.
Naglunch kami ni Rose, at pansin ko mag-isa lang ni ate Katie. Inaya ko nalang si Rose na puntahan namin si ate.
" Hi! ate, I'm angel."
Angel: “Hi! Ate, mag-isa ka lang?”
Katie: “Yes po! Ahmm, sabay ngiti…”
pati ngiti nya ang perfect. ang ganda ng ngipin. Ang bango nya din mga sis…..
Angel:”Kami pala yung nasa likod kanina, kaklase mo kami sa lahat ng subjects pero baka di mo lang kami napansin. I’m Angel nga pop ala and this is Rose”
Katie: “Katie!”
Sabay abot ng kamay nyang mukhang malambot and true mga sis… Malambot nga.. And nalaman ko na kalian lang din pala siya lumipat dito. Ang friendly nya din pero mukhang galing sa mayamang angkan.
Although friendly siya, halatang di sya open na tao, pansin ko kasi na konting info lang yung nakukwento nya, tpos di sya madaldal. Matanong lang about sa lugar pero not to the point na she will ask about you.
Katie: “Ang ganda naman dito, I marami bang mga beaches dito? Like even the nearest lang?”
Rose: “Ou naman po, kung gusto mo punta tayo mamaya pag maaga tayo madismiss?”
Katie: “Talaga? You will do that for me?”
Angel&Rose: “Óu naman po.”
At yun nga guys nagpunta kami sa tabing dagat malapit sa school, isang sakayan lang ng trike. Nagpapasalamat sya na dinala naming sya dun. And guys, wag kayo, bumili sya ng snacks namen, yung set sa Greenwich. Dalawang set yung binili nya eh magkano yun guys? Probinsya lang to. Magkano lang baon ko? 100 per day lang ako mga sis.
Nung nakarating kami sa dagat, kita ko yung happiness sa mukha nya, like yung nasorpresa na batang paslit. Tapos nagtanggal ng shoes nya and then walang kaarte-arte sa matatapakan…
Nagpaa-paa sya mga sis. Ang ganda ng mga paa nya, pinkish na ang puti ng talampakan, nahiya yung paa ko, kaya di ako nagtanggal ng shoes, nakakahiya.
Katie: “Ading bakit di ka nagtatanggal ng shoes mo? It will gonna soak with sand, ikaw din mahihirapan nyan.”
Hahahahaha… nahihiya man ako pero sige na nga magtatanggal na. Simple lang sya manamit, Yung long sleeves na maluwang lagpas sa pwetan yung haba, and nakajeans siya pero halatang magara yung suot.
Wala ka din makikitang earring nya, watch lang simple pero mukhang mamahali at ung necklace na gold nya. Di ko pa nakita yung pendant kc nakatapos sa longsleeves nya.
Nagulat ako sa sunod na ginawa nya mga sis. Nagtanggal sya ng pants nya pero may shorts naman sya and WOW…. Flawless….. no peklats.. wala man lang kahit isang bente-singkong dudumi sa mga hita niya.
Pero di naman kami inobliga na gumaya din, di ko keri yun mga sis. Nagtanong din sya kung pde naming hintayin yung sunset, pero inamin ko na mapapagalitan ako ni papa. Same with Rose may gagawin pa daw kasi sa simbahan later on.
Nalungkot man siya pero saglit lang. naglakad lakad lang sya sa may dalampasigan at tinatanaw tanaw yung malayong parte ng dagat. Tapos maya-maya nag-aya na magmeryenda, nahiya man kami kasi wala kaming ambag pero pinilit kami, pasasalamat daw nya sa pagsama sa kanya dito sa dagat.
Nalaman ko kasi na bihira lang din sya makapunta sa dagat kaya ineenjoy nya na ngayon na alam nyang malapit lang.
Napansin ko di rin sya maarte kumain, kahit alam mong malayo sa itsura nya pero cowboy pala kumain. Mas enjoy nya daw kasi kumain ng ganun.
Pagtapos naming magmeryenda, nabusog ako mga sis. Naupo sya sa may tabi ng tubig yung hindi naman abot yung pwitan nya pero hinahayaan nyang hampasin ng alon yung mga talampakan nya. Ang relaxing daw kasi kapag ganun,.
Ako naman selfie selfie lang. Hanap ng anggulo o di kaya magpapakuha kay Rose. Ahahhahahahha….
And nung medyo hapon hapon na, umuwi na din kami, kasi wla masyadong tao dun sa area, baka mapano pa kami eh babae kami lahat.
Hinatid namin siya sa sakayan ng bus bago kami nag-tricycle ni Rose. Umuwi kaming happy, pati tummy naming happy din.