Saktong pagpasok ng gate ng aking eskwelahan na pinapasukan ay umalingawngaw ang mga tilian ng mga babae at beki na kapwa ko mga estudyante sa aking direksyon. Napatakip ako ng pareho kong tenga sa sobrang lakas nito.
Huwag kayong mag-isip ng kung ano dahil hindi dahil sa akin. Duh! Babae rin po ako.
Paglingon ko sa aking bandang likuran ay ang pagparada ng isang magarang sasakyan. Nasa loob ng sasakyan na iyon ang tinitilian nila.
Si Kaden Steven Williams. Ang tinataguriang 'Campus Cold Prince' dahil hindi ito palangiti at tila galit sa mundo.
Lalong lumakas ang tilian nang unti unti bumukas ang pinto ng sasakyan at bumaba ang hinihintay nila. Napakusot ako ng aking mga mata ng tila slow motion at parang nasa commercial na bumaba si Kaden.
Mahinang napasampal ako sa aking pisngi para gisingin ang aking sarili.
'Maghunos dili ka, Sachi. Hindi ka pwedeng maging isang loka lokang taga-hanga niya. Ano na lang iisipin ng magulang mo?' Bulong ko sa aking sarili
Ngunit paglingon ko kay Kaden ay siyang pagtama ng aming mga tingin. Hindi ko alam pero tila tumatagos ang tingin na iyon. Dahil nakaramdam ako ng hindi pagkakomportable sa tingin niya ay agad ko iniwas ang direksyon ng aking tingin. Mahirap na baka isipin ng mga fan niya na may gusto rin ako sa kanya. Ayoko pang makalbo nang hindi oras.
Nang makakuha ng pagkakataon, pasimple ako dumaan sa gilid ng mga nag-aabang na estudyante kay Kaden. Napailing na lang ako ng ulo sa araw araw na scenario na ito. Alam ko na normal na magkaroon ng crush pero over naman yata sila para salubungin pa siya sa gate. Kulang na lang yata ay halikan nila ang dadaanan ni Kaden. Well, buhay nila iyan huwag natin pakialamanan.
Masaya na ako sa pagiging isang ordinaryo. Walang kaaway, walang problema. Simple lang.
Hindi nagtagal ay nakarating ako sa aming classroom "Sachi, hanga na talaga ako sa iyo. Kahit nakaharang ang mga baliw na taga-hanga ni Kaden ay nakakalusot ka pa rin" Natatawang bungad sa akin ni Lila, ang aking bestie
Ngumisi ako "ako pa! magaling ako sa ganyang lusutan" Sabi ko sabay kindat na ikinailing na lang si Lila
Palambing ako kumawit sa braso niya habang sumasabay sa kanyang paglalakad papunta sa aming upuan. Ngunit tila abala ang lahat at nag-aalis pa ng mga gamit nila na nasa ilalim na kanilang upuan.
"Magbabago na naman pala ng seatplan. Sabagay..." sabi ni Lila habang nililibot ang tingin saka nakigaya na rin sa pag-aalis ng kanyang mga gamit
Napanguso ako dahil magkakalayo na naman kami ng upuan. Sana swertehin muli ako na makatabi siya ng upuan.
Napakunot ako ng noo nang may biglang umakbay sa akin. Paglingon ko ay abot tenga ang ngiti binibigay sa akin ni Harold, isa pa sa aking bestie.
"Sana this time magkatabi tayo, Sachi" Umaasang sabi niya habang todo ngiti pa rin sa akin "You know para may gayahan ako kapag exam natin" Dagdag niya kaya nakatanggap siya ng malakas na batok mula kay Lila
"Langya itong si Harold. Iyon lang pala ang pakay niya." Komento ni Lila at sinamaan ng tingin si Harold.
Napailing ako ng ulo dahil nagsimula na naman silang magbangayan. Ewan ko ba lagi sila parang aso't pusa. Hindi sila ganito dati pero basta isang araw ay naging mainit ang dugo ni Lila kay Harold. Mukhang nakuha ni Harold ang bad side ni Lila.
Hindi nagtagal ay isa isa kami tinawag ng aming class president na si Eris. Isa isa niya kami pinabunot ng papel na magdedeklara ng aming panibagong seat number.
Dahan dahan ko binuksan ang papel na nabunot ko "number 9" Bulong ko ng mabasa ang nilalaman ng papel saka hinanap ang upuan na may nakadikit na number 9
Nakita ko na nasa bandang likuran si Lila. Napanguso ako muli dahil magiging malayo kami ngayon sa isa't isa. Nanlulumo ako lumapit sa aking upuan na natatakpan ngayon ng ibang estudyante dahil dinudumog nila ang magiging panibagong seatmate ko.
Si Kaden.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga dahil siguradong hindi ako titigilan ng mga fan niya para makipagpalit ng upuan sa akin. Baka makuyog pa ang mga gamit ko kapag dumagsa ang mga babae at beki. Mukhang hindi magiging peaceful ang upuang ito sa akin.
Pagtingin ko muli kay Kaden ay nakatingin na naman siya sa akin kaya nagtama ang aming tingin. Tulad kanina ay nakaramdam ako ng hindi pagkakomportable sa tinging binibigay niya kaya agaran ko iniwas muli ang aking tingin.
Napalumbaba ako habang nakatingin sa kawalan. Mukhang ito ang unang beses namin magkakalapit ni Kaden. Mula kindergarden ay kaklase ko na si Kaden. Noon pa lang ay sikat na siya kaya halos kayang bilangin ng aking daliri kung ilang beses kami nagkausap. Tatlong beses rin ako lumipat ng school at labis ko ipinagtataka kung bakit nakakasabay ko rin siya sa paglipat. Ewan ko kung nagkataon lang ba iyon.
"pssst! Sachi! Psst!" Sitsit sa akin ni Harold na nasa kabilang banda ni Kaden
Napakunot ako ng noo nang mapansin na wala na pala ang mga fan ni Kaden. Masyado yata malalim ang pagmumuni ko para hindi iyon napansin.
Parang batang kumakaway sa akin si Harold kaya natatawang kumaway rin ako sa kanya. Napahagikgik ako dahil nag-flying kiss pa sa akin ang mokong na akala mo wala si Kaden na siyang nasa gitna namin.
Nagulat ako ng biglang humarap si Kaden sa akin at binigyan ako ng masamang tingin. Iba ang tingin na ito sa binibigay niya sa akin kanina pa. Nakaramdam ako ng takot na tila may nagawa akong malaking kasalanan sa kanya.
***
Pag-uwi ko ng aming bahay ay naabutan sina mama at papa na abala sa pagpaplano ng aking debut. Next week na gaganapin iyon. Ewan ko kina mama at papa kung bakit big deal sa kanila ang debut ko.
Okay lang naman sa akin ang kaunting kainan dahil alam ko hindi kami mayaman kaya hindi ako humihiling ng isang magarbong selebrasyon. Makasama ko lang ang buong pamilya ko ay solve na solve na ako roon.
Pero ito sina mama ay nagplaplano ng isang magarbong party na akala mo hindi isang debut party kundi isang kasalan na. Ilang beses ko na silang pinigilan sa plano nila pero ito pa rin sila patuloy. Kaya sa huli ay hinayaan ko na lang sila.
Agad ako nagtungo sa aking kwarto at nag-open ng aking sss account. Walang bago bukod sa mga nagpapalit ng profile pic sa aking mga sss friend at kung anu anong sine-share nila. Habang patuloy ako s pag-scroll ay biglang may nagpop out na isang friend request.
Agad ko tinignan kung sino iyon pero bigla napakunot ang noo ko nang malaman kung sino iyon.
Si Kaden Steven Williams inaadd akong friend sa sss? As in seryoso?Bakit naman siya nag-friend request sa akin? Dahil seatmate na kami?
Wait...
Sabi nina Harold hindi raw nag-a-accept ng kung sinu sino itong si Kaden sa kanyang account kaya bakit niya naman ako i-a-add sa sss? Siguro scam ito na gumawa ng account na katulad ng kay Kaden. Huh! As if naman maloloko ako ng scammer na ito. Baka kung mga fan pa ni Kaden ang bigyan ng friend request ay walang alinlangan nila ia-accept ito.
*click ignore*
Agad ko sinara ang computer ko pagkatapos. Humiga ako sa aking kama saka tumitig sa kisame ng aking kwarto. Tomorrow will be another boring day for me.
***Kinabukasan...***
Habang naglalakad ako papasok sa school ay napansin kong maraming estudyante ang may hawak ng invitation. Tumitingin sila sa akin saka lihim na nagbubulungan.
Kanino naman galing ang mga iyon? Bakit tila ako lang ang walang natanggap?
*pout*
Patakbong lumapit si Harold sa akin habang hawak ang invitation na katulad ng hawak ng iba."Mayaman pala kayo, Sachi" Nagtatakang sabi niya sa akin
Napakunot ang noo ko "Hindi ah" Todong tanggi sabi ko "Nakapunta ka na sa amin kaya alam mo na hindi kami ganoong maykaya."
Inilapit niya sa mukha ko ang invatation na hawak niya "grabe! Inimbitahan mo lahat ng estudyante ng school sa debut mo! Hindi ka mayaman sa lagay na iyan?" Hindi naniniwalang sabi ni Harold.
"Huh?!? What?!? Ako?!?" Gulat na gulat kong sambit nang magsink in ang sinabi niya. "Is this a prank?!? Hindi nakakatuwa, Harold."
Agad ko inagaw ang hawak niyang invitation at agad nanlaki ang mata ko nang makitang invitation nga ng debut ko ang hawak ng lahat. Napatakip ako ng mukha sa sobrang hiya.
Paanong nangyari iyon?
Bakit wala akong ideya na iimbitahan nina mama ang buong school?
Saan naman kumuha ng ganoong pera sina mama para makaimbita ng ganitong karami?
"Something is odd here." Bulong ko sa hangin at binalik ang invitation sa kamay ni Harold.
"Sinong escort mo?" Curious na tanong ni Harold "Gusto mo ako na lang?" Dagdag niya saka tinaas baba ang kilay
Urrgh!
Tinakpan ko ng kamay ang mukha niya nang tila masyado na itong malapit "Sina mama ang gumagawa ng party kaya malay ko kung sino ang escort ko" Nanlulumo kong sabi sa kanya "sa kanila mo sabihin iyan"
Napasimangot naman si Harold sa sinagot ko. Alam ko na alam niya kung gaano siya hindi kagusto ni papa sa kadahilanang hindi ko alam. Iyon rin ang dahilan kaya ayaw nang pumunta sa aming bahay si Harold.
Suko napabuntong hininga si Harold. Umakbay siya sa akin saka sumabay pumasok ng aming classroom.
Tulad ng aking inaasahan, pagdating namin sa classroom ay hawak ng mga kaklase namin ang invitation. Ang iba ay lumapit sa akin para bumati sa nalalapit ko na kaarawan. Pilit na ngiti lang ang naibigay ko dahil hindi ako komportable sa atensyon nakukuha ko ngayon.
Dumiretso ako sa aking upuan saka nagpakawala muli ng isang buntong hininga. Napakunot ang noo ko ng makita si Kaden na nakaub-ob sa kanyang desk. Maaga yatang pumasok siya ngayon. Sa tagal ko na naging kaklase siya ay hindi niya alam ang salitang maaga.
"Sachi! Nagulat talaga ako ng makakita ng invitation sa locker ko" Masayang sabi ni Lila nang makalapit sa akin "Tapos lahat pala ng estudyante meron nito"
Napakunot ako ng noo. "Huh? Sa locker?" Ulit ko sa sinabi ni Lila saka napaisip
Ibig sabihin sa locker nilagay ang invitation. Hindi naman umalis sina mama kaya paano napunta sa locker nila iyon?
***
Pagkauwi ko ay naabutan ko sina Tita Yani at Tito Greg sa bahay. Agad ako lumapit sa kanila at binigyan sila ng tig-isang mahigpit na yakap. Parang mga pangalawang magulang ko sila pero minsan lang sila dumadalaw dahil lagi silang abala sa kanilang trabaho. Alam ko may-ari sila ng isang malaking kompanya kaya ganoon sila ka-busy.
"We miss you honey" nakangiting sabi ni Tita Yani at agad ginantihan ang aking yakap
"namiss ko rin kayo Tita" sabi ko naman saka kumalas sa aming yakapan "bakit po kayo nandito?" nagtatakang dagdag ko
"ah! Dinala lang namin yung dress mo sa debut mo" Malambing na sabi ni Tita Yani saka kinurot ang pisngi ko
Napangiwi ako sa sakit at pasimpleng hinimas iyon "nag-abala pa kayo, Tita" sabi ko "okay na sa akin ang kaunting kainan"
Umiling si Tito Greg "we can't do that to our princess" sabi niya "you know that you're very special to us"
Nanginit ang mukha ko sa sinabi ni Tito Greg. Alam kong bestfriend sina mama at Tita Yani pero hindi ba masyadong sobra ang binibigay nilang atensyon sa akin na parang anak na rin nila?
Pagkaalam ko may anak sila. Iyon nga lang ay never ko pa na-meet dahil na rin sa sobrang pagiging abala nila.
Biglang nagring ang phone ni Tito Greg kaya agaran niyang sinagot "sorry hija, we need to go" Nagpapaumanhing sabi ni Tito Greg "may kailangan kaming attend-an na importanteng meeting"
Tumango ako para sabihing nauunawaan ko. Nangako naman sila na dadating sila sa debut ko dahil hindi raw nila pwede palampasin ang araw na iyon.