Napuno ng mahabang katahimikan sa kapaligiran. Anumang oras ay tila magsasalpukan ang galit sa isa't isa nina Hannah at Lila kaya mas minabuti ko na hilahin palayo si Lila habang si Jerron naman ang naglayo kay Hannah. "That's enough." Pigil ni Jerron sa kanilang dalawa. "We are here to enjoy our summer vacation. Tama na muna ang away away na iyan." "Hindi ako ang nagsimula, Jerron." Pagtatanggol ni Hannah sa kanyang sarili bago mataray na hinawi ang kanyang buhok. "Sila kaya! Nakita mo na tinulak niya ko di ba?!" "Kahit na, Hannah. Huwag ka na kasi pumatol." Nahihirapang pagpapaliwanag ni Jerron. "You're not invited here kaya mag-behave ka naman." Naghalukipkip lang ng braso si Hannah at padabog na tinalikuran si Jerron. Humingi muna ng paumanhin sa amin si Jerron bago sinundan ang ka