Tahimik lamang ako nakadungaw sa labas ng sasakyan ni Kaden. Ramdam ko ang paminsan minsan na pagtingin niya sa aking direksyon habang nagmamaneho. Ngunit sa ngayon ay wala ako sa mood na kausapin siya. Alam ko naman na walang kasalanan si Kaden. Si Hannah ang mismong humalik sa kanya at hinayaan niya lang ito para hindi mapahiya ang babae. Gayun pa man ay hindi ko rin magawang makalimutan ang eksena na magkadikit ang kanilang mga labi. Inaamin ko na nagngitngit ako sa galit. Gusto kong sugurin nang oras na iyon si Hannah at itulak palayo kay Kaden. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa aking naramramdaman. "Wife? My love?" Malambing na tawag sa akin ni Kaden ay naramdaman ko pa ang kanyang paghalik sa aking kamay. "Are you still mad?" Napakagat labi ako at hindi pa rin nilingon ang lal