Sa susunod na araw ang huling laban ng team ni Kaden para sa basketball tournament. Inaasahan na ng lahat na makakapasok ang kanilang team sa finals. "Last game niyo na anak sa susunod na araw di ba?" Tanong ni Tita Yani sa kanyang anak na inaantok sa sobrang pagod mula sa practice. "After naman ay summer vacation niyo na?" Nanghihina naman tumango si Kaden. "Yes mom." Sagot niya. "Why?" Ngumiti ng malapad si Tita Yani saka tumingin sa amin ng kanyang anak. May inabot siyang envelop kay Kaden. Nagtataka man ay kinuha niya ito. Pagbukas niya ay naglalaman iyon ng dalawang airplane ticket to Macau. Pati na rin mga importante na kailangan for a week. Like debit card, cash, passport at iba pang documents. "Para saan ito, Mom?" Kunot noong tanong ni Kaden. "Magbabakasyon ba kayo ni papa?"