Pagkatapos ng nangyari kagabi ay hindi ko malaman kung paano haharapin si Kaden. Hindi naman ako ganoon kainosente para hindi malaman ang dapat mangyari kagabi. We almost kissed! Shocks! Kung natuloy iyon ay siya ang aking magiging first kiss. Pinangako ko sa aking sarili na sa lalaking mamahalin ko lang ibibigay iyon. Anong kaluluwa ng kalandian ang sumapi sa akin para hindi man lang siya pigilan? Tama ba sila na nagiging isa na akong hibang na kanyang tagahanga? 'pero asawa mo siya kaya normal lang iyon' sabi ng isang parte aking isip Napailing ako ako ng ulo at lihim na binatukan ang sarili. Buti na lang talaga ay dumating si Manang. Pero aaminin ko na parte sa akin na tila nanghinayang. Dahil doon ay hindi man lang ako pinatulog. Damn! This feeling! Ang gulo di ba? Ngunit kun