Chapter 2

1731 Words
Three years back…             “I had something to tell you Xandrie,” malungkot ang mga matang saad ni Brix. They were ashore that time, at katatapos lang nilang mag-lunch. Tumingin si Xandrie sa kasintahan at nginitian ito ng ubod ng tamis. “Yes baby, what is it? You look so bothered,” nag-aalalang tanong ni Xandrie sa kasintahan. Hinawakan ni Brix ang kaniyang mga kamay na nakapatong sa mesa at malungkot na tinitigan siya nito. “Sorry baby.” Umpisa nito. Naguguluhan man ay hindi muna umimik si Xandrie. “I have a fiancé back in the Philippines, and we’re getting married next year.” Gulat na gulat, at halos hindi makapaniwala si Xandrie sa kaniyang narinig. Binawi niya ang kaniyang mga kamay mula rito, at nag-iwas nang tingin. Parang biglang may bumikig sa kaniyang lalamunan at itak na tumarak sa kaniyang dib-dib at hindi siya makapagsalita agad. Ilang minuto muna ang pinalipas niya saka siya muling nakapagsalita. “Let’s go back to the ship,” tanging nasabi ni Xandrie, saka siya tumayo at dirediretsong lumabas ng restaurant na iyon. Tahimik na naglakad sila pabalik ng barko na may distansiya sa bawat isa. Wala silang kibuan hanggang sa maihatid siya ni Brix sa kanilang cabin. Walang lingon-likod na pumasok si Xandrie sa kanilang silid, at doon bumuhos ang kanina pa niya pinipigilang mga luha. Parang kandilang unti-unting namamatay ang pakiramdam ni Xandrie.  Luckily off niya nang araw na iyon, at wala pa si Maggy sa kanilang kuwarto.. Unti-unti niyang ina-absorb kung ano ang nangyari kanina. Totoo ba ang lahat ng kaniyang narinig? Hanggang ng mga sandaling iyon ay hindi pa rin niya maintindihan kung ano ang nangyari. Alam niyang kailangan nilang mag-usap, pero hindi muna ngayon. Masyado siyang nabigla at nasaktan sa ipinagtapat na iyon sa kaniya ni Brix. Nakatulala si Xandrie at tahimik na lumuluha, nang magbukas ang pintuan ng kanilang silid. Agad siyang nilapitan  ni Maggy at hinawakan sa kamay. Punom-puno ng pag-aalala ang mukha ng kaibigan.  “What happened? Sinong sira  ulo ang nagpaiyak sa iyo?” tanong nito sa kaniya. Napahagulgol naman si Xandrie, at parang batang nagsumbong kay Maggy. “Maggy I don’t know kung anong gagawin ko,” humihikbing sambit nito matapos maikuwento ang nangyari sa kaibigan. “I love him so much!” humihikbing saad pa niya rito. Puno ng simpatiya namang inabutan siya ng tubig ng kaibigan. “Xand, don’t worry everything will be fine.” Pang-aalo naman ni Maggy sa kaniya. Hinawakan ni Maggy ang kamay niya at tinitigan siya sa kaniyang mga mata. “You know what? You need to clear things up with Brix. He needs to explain, and tell you everything,” anito sa kaniya. “But not now. You need to accept, and digest first everything that just happened a while ago. Para ‘pag nag-usap na kayo ulit malinaw na iyang isip mo, and you will not have a wrong decision to make, and that you can listen to him properly,” mahaba-habang litaniya pa nito sa kaniya. Tumango-tango lang si Xandrie bilang tugon sa kaibigan at tipid na ngumiti rito. Mabuti na lang at naroon si Maggy para damayan siya ng mga oras na iyon. Nang pumasok siya sa kaniyang trabaho ay wala pa rin siya sa sariling huwisyo. Hindi naman kasi siya nakatutulog nang maayos nitong mga nagdaang araw. Palagi na lang siyang balisa at iniisip pa rin ang nangyari sa kanila ni Brix.             “Are you okay?” pukaw ng amo ni Xandrie sa kaniya nang makita nitong wala ang focus niya sa ginagawang presentation.             Isang lingo na ang matuling lumipas simula nang mangyari ang dramatic na paghihiwalay nila ni Brix. She’s still can’t believe it na nagawa siyang lokohin ng kaniyang kasintahan. Knowing that they’ve been together for three years now. Wala sa sariling lumingon si Xandrie kay Alina at tumango. Pilit siyang ngumiti rito upang itago ang kaniyang tunay na nararamdaman. “If you are not feeling well, you can take an off today. Don’t worry we can handle this. Anyway, you had finished all the presentations for today,” nakangiting saad ni Alina sa kaniya. Tila nauunawaan naman siya ng kaniyang manager sa kaniyang pinagdaraanan. “Thank you, boss,” sagot naman ni Xandrie rito. “I promise that I will be fine tomorrow.” Tinanguan lang siya ng kaniyang amo, at iniwan na siya sa kaniyang puwesto.  Inayos ni Xandrie ang lahat ng kakailanganin para sa presentation nila, at inihabilin iyon sa mga kasamahan niyang naroon, bago siya nagpaalam sa mga ito. Naglalakad na siyang pabalik sa kaniyang kabina, nang makita niyang nag-aabang si Brix sa kaniyang daraanan. Didiretso na sana siya, nang harangin siya nito. “Can we talk?” tanong nito, habang pigil siya nito sa kainyang braso.  Alam niyang kailangan nilang mag-usap, pero handa na ba siya? Tiningnan niya si Brix, at pilit binawi ang kamay sa dating kasintahan. “Please Brix, give me some time. I’m still in the process of absorbing everything. We will talk, but please not now,” puno nang hinanakit na saad niya sa binata. Tinalikuran na niya ito at nagmadaling makapunta sa kaniyang kuwarto. Sinundan lang naman siya nang tingin ni Brix habang papalayo. Pagpasok niya sa kanilang silid ay napasandal siya sa nakapinid na pintuan at saka tahimik na umiyak. Hanggang ng mga sandaling iyon kasi ay masakit pa rin sa kaniyang damdamin ang nangyaring pagtatapat ng binata sa kaniya.  Makalipas ang ilang minuto, napagpasyahan na lang niyang aliwin ang kaniyang sarili. Binuksan niya ang kanyang laptop, at itinuon ang atensyon doon. Nakahanap siya nang mapapanood, kaya agad niyang ipinuwesto ang kaniyang laptop sa kanyang higaan, at tahimik na nanood. Comedy and kaniyang napili upang aliwin ang kaniyang sarili, ngunit ‘di niya namalayang may mga luha nang dumadaloy sa kaniyang mga mata, at namamalisbis sa kaniyang mga pisngi. Nanatili siya sa ganoong sitwasyon hanggang gupuin siya ng antok. Nagising si Xandrie nang maalimpungatan siya at may maulinigang mga tinig na tila nagtatalo. Batid niyang si Maggy ang isa sa mga nagmamay-ari ng tinig na naririnig niya. Pero sino ba ang kausap nito, at tila nanggigigil ito sa inis?  Maingat na binuksan niya ang kurtina ng kaniyang higaan, upang makita kung sino ang kaaway ni Maggy. Bahagya pa siyang nagulat, nang makita si Brix na nakasandal sa tapat ng pintuan ng kanilang silid. Muling naramdaman ni Xandrie ang lungkot sa kaniyang puso. Maingat siyang kumilos at inayos ang sarili bago lumapit sa kaibigan. “At ano sa tingin mo ang dapat maramdaman ng kaibigan ko? Magtatatalon sa tuwa, at paghahalikan ka dahil niloko mo siya? My God Brix, where’s your heart? Or do you really have one?” maanghang na wika ni Maggy sa binata.  Hinawakan ni Xandrie ang balikat ng kaibigan upang awatin ito. Tinanguan at nginitian pa niya ito upang iparating dito na kaya na niya iyon. Agad namang naunawaan ni Maggy ang nais niyang iparating, kung kaya’t agad itong lumabas, at nagpaalam na aakyat muna sa Mingle (non-smoking bar sa kanilang barko). Matalim na pinukol pa nito nang tingin ang binata, saka tumalikod sa kanila. Sinundan nang tingin ni Xandrie ang kaibigan bago harapin si Brix. Niluwagan din niya ang pagkakabukas ng pintuan saka iminuwestra sa binatang pumasok. Kailangan na niyang ayusin ang lahat, para matapos na ang paghihirap niya.             “I’m sorry Xandrie,” agad na wika ni Brix nang makapasok na ito sa kanilang silid. Akmang yayakapin siya ng lalake, pero pigilan niya ito. Pinaupo niya ito sa upuang malapit sa kanilang kama, habang siya naman ay naupo sa isa pang silyang katapat nang inuupuan ng binata.  “As much as I want to accept your sorry, I can’t. Not at this moment. Masyado mo akong nasaktan Brix. I’m asking myself if I did something bad to deserve all of these. The only reason kung bakit kita pinakiharapan ngayon, iyon ay para maging maayos ang paghihiwalay natin. Ayaw kong maging kontrabida sa paningin ng mga kaanak niyo ng fiancé mo, o ng mga kaibigan mo. I just hope and wish that after this, I will not see you again!” matatag na pagkakasabi ni Xandrie sa binata. Malungkot ang mga mata ni Brix na nakatingin sa kaniya. “Sorry baby, I don’t want us to end up this way. Believe me I don’t want to hurt you—” Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin nang pumalatak si Xndrie. Nang-uuyam na ngumiti siya sa binata. “Really Brix? Wow! At talagang ayaw mo akong saktan ng lagay na iyan huh? Kaya naman pala itinago mo ng tatlong taon sa akin, bago mo nasabi ang tungkol sa pagpapakasal mo!” Pinalakpakan ni Xandrie si Brix, at mapaklang napangisi rito.  “Baby, believe me minahal kita. Mahal kita Xandrie. It’s just that—” Hindi na naman naituloy ni Brix ang sasabihin, nang humalakhak si Xandrie. “Oh yeah? It's just that what Brix? It’s just that, wala kang balls para ipagtapat sa akin ang lahat? It’s just that, nahihiya kang humarap sa mga kaibigan mo ‘pag nag-break tayo? Or it’s just that, natatakot ka sa parents mo?” May bahid ng pagkairita sa mga mata at tinig ni Xandrie. “You know what Brix, minahal mo ba talaga ako? O ginamit mo lang akong substitute sa fiancé mo?” Nanatiling nakayuko si Brix, at hindi alam kung anong sasabihin. “Hindi sa ganoon Xandrie. Minahal kita, kaya lang ‘di ko puwedeng takbuhan ang responsibilidad ko sa fiancé ko. I hope someday you will forgive me for all of these. For all the pain that I have caused you. Someday you will understand.” Kunot-noong nakatingin si Xandrie kay Brix. Parang may mali sa mga sinabi nito. Minahal kita, kaya lang hindi ko puwedeng takbuhan ang responsibilidad ko sa fiancé ko. Someday you will understand. Hindi niya alam kung anong ibig sabihin nito tungkol doon, pero hindi na siya magpapauto pa rito. Matapos ng ginawa nito, hindi na niya hahayaan pang muli nitong linlangin siya sa matatamis nitong salita. “Goodbye Brix. I wish you all the best. Loving you is the worst thing happened to me!” walang emosyong saad ni Xandrie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD