Chapter 5

1769 Words
Matuling lumipas ang mga araw at ngayon nga ay kasalukuyang abala si Xandrie sa kanilang opisina. Maya-maya pa’y tila may narinig siyang nagbukas ng kanilang gate, kaya naglakad siyang patungo sa sala upang silipin kung sino iyon. Ilang saglit lang at iniluwa na ng pintuan ng kanilang sala si Maggy. “I’m home!” excited na sigaw ni Maggy nang makapasok ito sa kanilang bahay.  Agad naman niya itong sinalubong nang yakap, at halik. Na-miss niya ang kaibigan, lalo pa’t limang araw rin itong nawala. “Eeeeeewww! Friend para ka namang lesbian!” nandidiring saad nito sa kaniya.  Hinampas naman niya si Maggy, dahil sa maarteng turan nito. Nagtawanan silang dalawa, at muling nagyakap. “I miss you baks!” sabi niyang muli kay Maggy. “I miss you too baks!” ganting wika rin nito sa kaniya bago sila kumalas sa kanilang pagyayakapan. “So how was it?” excited niyang tanong sa kaibigan. Tila naman kitikiti ang kaibigan, at halos maihi sa sobrang kilig. Natatawa siya sa reaksyon nito dahil hindi pa man ito nakakapag-kwento eh inuunahan na ito nang kilig.  “Naku sis, in love na talaga ako sa kaniya!” tumitiling pahayag pa nito sa kaniya, saka siya hinila para maupo sa sofa sa kanilang sala. Nagkuwento ito ng mga nangyari sa getaway ng mga ito. Ayon kay Maggy, muntik na niyang mayakap si Jaspher noong subukan nilang gawin ang plunge. Kundi lang biglang may tumawag dito na sanhi nang pagkaunsyame ng kaniyang balak. Natawa naman siya sa kamanyakan ng kaibigan, kababaeng tao puro kalokohan ang nasa isip. “Then we tried all the activities. Grabe friend, ang yaman pala talaga ni Jaspher. Akalain mo, napag-alaman kong may tatlong resort siya sa Zambales. In-offer pa nga niya na puwede nating gamitin ang mga iyon kapag may mga interested clients tayo na gustong mag-swimming, gano’n,” amuse na wika ni Maggy. Ayon pa sa kaibigan naging maayos naman daw ang team building nila Jasher dahil mas naging malapit ang bawat isa. Napag-alaman din nila na kaya pala nag-arrange ng ganoong activities si Jaspher, ay dahil sa mga naririnig nitong pagkakani-kaniya ng mga tauhan nito. “Wow sis ang ganda naman niyan. Saan mo nabili?” napukaw ang atensyon niya sa sinabi ni Maggy, na ang tinutukoy nito ay ang natanggap na anchor, at navigation wheel. Agad kumunot ang noo niya at takang hinarap ito. “Hindi ba ikaw ang nag-order niyan, at nagpadala para sa akin?” naguguluhang tanong niya rito. “Hindi ah! Ang tagal ko na nga rin naghahanap ng ganiyan ‘no!” Nagtatakang napatitig siya sa kaibigan sa isiping baka nagpa-power trip lang ito. “Weehhh, kung hindi ikaw, ay sino naman ang bibili niyan, at magpapadala sa akin, aber?” nagkibit balikat lang si Maggy, at saka naglakad patungo sa silid nito. “Baka naman may secret admirer ka, at alam na obsess ka sa mga ganiyan?” balewalang tanong pa nito sa kaniya, bago tuluyang pumasok ito sa sariling silid. Napahawak siya sa kaniyang dibdib, nang parang bigla siyang kinabahan. Oh no this can’t be, iisang tao lang ang may alam nang pagka-obsess niya sa angkla, at navigational wheel maliban kay Maggy. Pero paano naman nalaman nito kung saan siya nakatira? Waaahhhh! Ang gulo! Pero bakit parang mas lamang ang excitement sa kaniyang puso? Mabilis lumipas ang mga araw at buwan, balik na sila ni Maggy sa pagiging busy sa kanilang negosyo. Araw-araw silang may mga clients, lalo pa’t summer ngayon, at maraming mga nagbo-book ng tour packages nila. Kumuha na rin sila ng isa pang makakasama, para mapadali ang kanilang trabaho. Dahil peak season para sa mga beach tour packages nila, kinailangan talaga nilang kumuha ng extrang tao para ma-accommodate ang mga clients nila. Nakakapagod ngunit hindi rin maikakaila na masaya silang magkaibigan sa kinalalabasan ng kanilang negosyo. Unti-unti na silang nakikilala dahil sa pagre-recommend sa kanila ng mga satisfied clients nila. Magaganda rin ang feedbacks ng mga ito sa kanilang website. “Good Morning, Nature-al Travel services, Maggy speaking how may I help?” Narinig ni Xandrie ang energetic voice ni Maggy, habang sinasagot ang tawag. Dito naman talaga siya natutuwa sa kaibigan, kahit pagod ay puno pa rin ito ng enerhiya. Nakangiti na niyang ipinagpatuloy ang ginagawang report, at bagong tour package promo nila, nang lumapit ang kaibigan sa kaniya. Iniabot nito ang wireless phone na kanina lang ay hawak nito sa kaniya. “Certain Miggy is looking for you.” Sabay kindat sa kanya ng kaibigan, saka tumalikod na ito’t naglakad pabalik sa upuan nito. Nagtataka man, ay pilit pa ring kinalma ni Xandrie ang sarili. Hindi niya maintindihan ngunit parang bigla siyang kinabahan. “Hello Xandrie of Nature-al Travel Services, how may I help sir?” pilit pinapakalma ang sariling bati ni Xandrie sa kausap sa kabilang linya.  “Hi Xandrie, kamusta ka na?” Nabitiwan ni Xandrie ang telepono sa sobrang pagkagulat. Agad-agad naman niya itong dinampot, ngunit napasinghap siya nang mauntog ang ulo niya sa ilalim ng working table niya. Mahinang napamura pa siya sa sakit na natamo buhat sa pagkakauntog ng kaniyang ulo.  “Xandrie, are you still there?” tanong ng lalake sa kabilang linya.  Muling bumalik ang kaba sa dibdib ni Xandrie, dahilan para mapindot niya ang end button. Bakit ba siya minumulto ng boses na iyon? Hindi maaari ito! Waaahhhhhh! Ibinalik na niya kay Maggy ang telepono at naipagpaalamat na lang niya na hindi na ito nag-usisa kung sino ang tumawag na iyon. Habang siya naman ay hindi na natahimik hanggang matapos ang oras ng kanilang trabaho. Lintik na caller kasi iyon eh. Hapong-hapo si Xandrie matapos ang trabaho nila nang araw na iyon. Fulfilling naman dahil sa dami ng kanilang clients, at lahat naman ay maayos na na-accommodate. Wala rin naman silang naging problema sa mga bookings, at higit sa lahat walang pasaway na clients. Naisipan niyang tumambay sa porch ng bahay nila, habang nagpapahinga. Ipinikit pa niya ang mga mata, habang minamasahe ang mga iyon gamit ang kaniyang mga daliri. Nare-relax siya sa ganoong paraan, lalo pa’t maghapon na naman siyang nakatutok sa kaniyang laptop. Bahagya pa siyang napaigtad, nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone niya sa kaniyang bulsa. Patamad na kinuha niya iyon, at binasa ang mensaheng natanggap. Napaunat siya ng upo nang mabasa kung kanino galing ang mensaheng iyon. Miggy: Hi ‘Utang na loob tantanan mo akong impakto ka!’ aniya sa sarili.  Ni hindi niya talaga alam kung sino ito at bakit siya masyadong naaapektuhan nito. Hindi na lang niya pinansin ang mensahe nito at inilapag na lang ang kaniyang cellphone sa kaniyang tabi. Ngunit maya-maya pa nag-vibrate muli ang kaniyang cellphone. Miggy: I just want us to be friends. Muling kumunot ang noo niya, at akmang sasagutin niya ito ng mapagdesisyunan niyang i-view muna ang profile nito upang makita ang itsura nito. ‘Hahaha yari ka ngayon ‘pag nalaman ko lang kung sino kang impakto ka!’ aniya sa sarili.  Tatawa-tawa pa si Xandrie sa kaniyang naisip. Sa pagkadismaya, walang matinong larawan ang lalake. Panay nakatalikod ang kuha nito, at kung nakaharap man masyadong malayo ito sa camera, at tila galanggam lang ang size. The worse thing there, is that he’s even wearing a shade with a rider’s mask, or a helmet sa mga close up shots nito. Hindi rin sila friend sa social media. Inis na sinagot niya ang message nito. Xandrie: Hoy manong ano… ‘wag kang nang aano riyan, at baka ‘di kita matantiya ipa-salvage kita. (with angry emoji) Puwede tantanan mo ako, at ‘di naman kita kilala? Masyado akong busy para makipagkaibigan. Okay? Bye! Sent… Itinago na ni Xandrie and cellphone niya, at saka nagmartsang papasok sa kanilang bahay. Aabalahin na lang niya ang kanyang sarili sa pagbe-bake, para matanggal ang inis niya sa estrangherong lalakeng ka-chat niya kanina. Past time na niya ang pagbe-bake, lalo sa mga panahong nawawala siya sa katinuan. Katulad na lang ngayon, dahil bad trip siya sa buwisit na chat mate niyang feeling close.             Masyado ng hulog ang atensyon ni Xandrie sa ginagawa, kaya naman hindi niya napansin ang pagpasok ni Maggy. Bahagya pa siyang nagulat, nang bigla-bigla na lang itong kumuha ng cupcake, na katatapos lang niyang lagyan ng frosting. “Ano ka ba naman Maggy, papatayin mo ba ako sa nerbiyos?” napahawak pa siya sa kanyang dibdib. Ngingisi-ngisi naman ang kaibigan, habang nilalantakan ang cupcake na nakulimbat nito sa kaniya.  “Hmmm— Baks ang sarap mo talagang gumawa ng cupcake,” saad pa nito, habang ninanamnam ang chocolate cupcake na hawak nito. Ipinagpatuloy naman ni Xandrie ang paglalagay ng frosting sa iba pang cupcakes. Hindi lang naman si Maggy ang naunang pumuri sa mga gawa niyang cupcakes. Ganoon din kasi ang nagiging reaksiyon ng kaniyang mga kapamilya, sa tuwing nagdadala siya ng mga gawa niya. Sa tuwing bumibisita siya sa kanilang probinsya.  “Yan, diyan ka magalin!. Inuuto mo lang ako eh.” Natatawang biro niya sa kaibigan. Matapos malagyan ng frosting ang kaniyang mga cupcakes, agad niya itong inayos sa box. Nang mag-angat siya ng kanyang ulo, doon lang niya napansin na hindi pala nag-iisa ang kaibigan. Kasama pala nito si Jaspher, na ngayon ay nakaakbay sa kaibigan. Pinagpalit-palit niya ang tingin sa dalawa, at ang bruhang kaibigan niya ay ‘di mapuknat ang ngiti sa mga labi. Tumikhim muna siya bago muling nagsalita. “Hi Jaspher, sorry I didn’t notice that you were with Maggy.” Tinapunan niya ng makahulugang tingin ang kaibigan. “Mukhang sobrang focus ka kasi sa ginagawa mo, kaya hindi mo ako nakita nang sumunod ako kay Maggy,” nakangiting sagot naman ni Jaspher. “Actually Xand, yayayain ka sana namin sa bar ng kaibigan nitong si Jaspher. Ka-o-open lang no’ng bar about a week ago, and the place is amazingly, breath taking, beautiful atmosphere!” Halata sa itsura ng kaibigan na gandang-ganda ito sa lugar na iyon. And the way she described it, kulang na lang gamitin niya lahat ng magagandang adjectives na maisip. At dahil sa wala naman siyang gagawin, napa-oo siya kila Maggy para na rin makapag-relax. Batid niyang may namamagitan na sa kaibigan at kay Jaspher, halatang-halata kasi sa kilos, at ningning ng mga mata ng kaniyang kaibigan. Hindi rin maitatago ng dalawa na may special na pagtitinginan sila, lalo pa’t kay lalagkit ng kanilang tinginan. Malagkit pa sa bikong gawa ng kanyang lola. Mamaya na lang niya uusisain ang kaniyang kaibigan, kapag nasa bar na sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD