Belyn Hiyang-hiya mabilis akong bumitiw kay Aaron dahil sa panunukso ng Ginang sa aming dalawa. Ang unfair lang sa side ni Aaron, dahil wala naman itong kahihiyan kahit una naming tagpo. Makapal nga talaga ang mukha ng binata para pa nga nagustuhan nito nahuli kami sa ganoong posisyon ng Mommy nito at ni Daddy ko, sayang-saya pa kita ko sa mata kahit nagpipigil ngumiti. Hindi tuloy ako makatingin ng diretso sa kanila lalo na kay Daddy dahil mataman niya akong pinag-aaralan ng tingin. At kahit na wala naman akong nakikitang pangunugutya sa mata ni Mrs. Chong, nahihiya pa rin ako. Kasi kabago-bago naming magkakilala ng anak niya kahit na nga sabihin may anak na kami ng tukmol niyang anak. Hindi pa rin akong komportableng kumilos sa harapan niya. “Maari naman si Daddy mo na lang ang kumau