Belyn Nasa loob na kami ng ‘kids station’ enjoy na enjoy ang anak kong si Benesha sa paglalaro. Pumayag ang bantay sa counter na dalawa kami ni Rhonda, pumasok. Dapat kasi ay isang parent or guardian lang sa policy nila, nakiusap lang ako buti mabait at isa pa. Wala raw ang manager kaya napagbigyan kami. Hindi ko namalayan nakatulala na pala ako sa anak ko habang pinagmamasdan itong masayang tumatawang pabalik-balik sa padulasan. Ang saya ng tili nito sa tuwing babagsak siya sa baba ng padulasan. Hinahayaan ko lang pero nakabantay naman ako kung sakali. “Belenda!” “Ro-rhonda ano nga iyon?” napa kurap ako. “Bestfriend, pansin mo ba?” wika nito nakapangalumbaba pa. Humarap ako upang usisain ang tinutukoy niya. “Alin?” ani ko. “Si handsome ba hindi mo na notice na kamukha ni Benesha