Belyn “Wait Aaron!” pigil ko pa sa kaniya kasi ang bilis humakbang. Nakakalimutan yata nito na mahaba ang biyas niya, kung maglakad hindi iniisip na isang hakbang lang niya ay katumbas ng dalawa ang akin. Dagdagan pang medyo madilim ang paligid wala talagang pakisama ang kumag na ito parang gusto ko ulit itong awayin. Tumigil ito'y bumuntonghininga. Inaantay kong ito'y lumingon sa akin. Kasi hingal akong maghabol sa kaniya. Pagsasabihan ko dapat siya, baka gusto n'yang slight magdahan-dahan ng lakad dahil may kasama siya subalit biglang umurong ang aking dila kasi salubong ang kilay ng damuho ng humarap sa akin. “Why?” that's all he asked. “W-wala…s-sige na,” sabay bawi ko dahil sa kaseryosohan ng mukha nito, natakot na ulit akong magsalita. Baka kasi mapikon ulit ’to mahirap na magin