Belyn
Tila ako nakalutang nang lumabas sa office ni Daddy at tuloy-tuloy ang lakad ko patungo sa labas ng bahay. Hindi na ako umakyat upang masilip man lang ang k'warto ko basta ang tangi kong gusto ay makaalis ng bahay.
Tuliro ang isip ko sa nangyayari. Alam kong sa malao’t madali ay matutupad ang hiling ni Daddy at Mommy kahit anong pagtutol ko.
Walang imposible sa kinilalang kong Ina na si Vilma Kho. Kung si Daddy, ‘Protacio Kho’, maari kong paulit-ulit na kumbinsihin. Hindi ang, Mommy Vilma. Mas may boses ito sa bahay kaysa kay Daddy kung sa mga desisyon.
Pagdating ko sa labas naabutan ko ang Nanang Luisita. Hindi ko tinanong kung saan siya galing. Papasok na rin ito sa loob ng bahay ngunit bago iyon. Sinalubong na muna nito ako na may simpatyang nakaguhit sa mga mata ng Nanang Luisita.
I forced myself to grin, even though I felt something heavy on my chest. Malalim akong humugot ng hangin upang maiwasan ang kaninang bigat ng dibdib ko.
“Kumusta, hija? Anong pinag-usapan n'yo ni, Sir Protacio?” tanong pa nito pinisil ang kamay ko.
“Nanang, gusto na nila akong mag-asawa,”
“Ano?” gulat na gulat nitong sabi gumuhit ang pag-a-alala sa mata nito.
Dahan-dahan akong tumango. “Hindi mo po ito nabalitaan, Nanang?”
“Walang nabanggit ang Daddy mo, hija, bago itong nalaman ko,”
“Kailangan daw po nang hindi bumagsak ang negosyo na pinaghirapan pa ng magulang ni Daddy,” tila nagsusumbong kong saad sa kaniya.
“Talaga naman iyang si Sir Protacio. Sigurado nadala na naman iyan sulsol ng Mommy mo. Baka may nakilala na mayaman at naiinggit na naman si, Ma'am Vilma,” saad ng Nanang nasa reaction niya ang dis-gusto sa aking ipinagtapat.
“Hindi ko nga kilala ang gusto nilang ipakasal sa akin. Isa pa Nanang, napakabilis nilang maka desisyon two months lang po ang hinihinging palugit pumayag dito si, Daddy,”
Sumama ang mukha ni Nanang Luisita. Matandang dalaga ito si Nanang. Sabi nito hindi na siya nag-asawa dahil nalibang sa pagiging breadwinner ng pamilya niya.
Mabuti lang din kasi worth it ang pinaghirapan ng Nanang. Dahil nakapagtapos ng tatlong kapatid pare-parehong elementary teacher sa Sampaloc Tanay.
“Hayaan mo, hija, susubukan kong kausapin ang Daddy mo,” aniya para bang pinapalakas ang loob ko.
Tipid akong ngumiti. Kahit imposible ang sinabi nito. Kahit paano ay masaya pa rin ako. Hindi ako mahal ni Mommy Vilma. May Nanang Luisita naman ako na mabait at tagapagtanggol ko kay Daddy at Mommy.
“Kaya love kita Nanang Luisita, dahil ikaw lang ang nagmamahal sa akin dito sa bahay. I love you po, Nanang,” wika ko at niyakap ko pa siya ng mahigpit na kinabato nito sa kinatatayuan niya.
“Nang, ayaw n'yo po ba akong mahalin?”
“Itong batang ito oo kung anong sinasabi. Nagulat lang ako kasi ngayon mo lang akong sinabihan na mahal mo ako. Samantalang ako ang nag-alaga sa 'yo at laging kakampi mo,”
“Asus nagtampo. Sige po palagi na kitang sasabihan ng mahal kita, Nanang,” wika ko pa sabay hagikhik kasi suminghap pa ito.
Kumalas din ako ng yakap sa kaniya ng maging magaan kahit paano ang dibdib ko. Pinagmasdan ko ang Nanang, nagtataka ako kasi ang pula ng mata nito bakit kaya? Nakakaiyak bang sabihin ng, I love you? Kapag ganun hindi ko na lang siya sasabihan dahil ayaw kong nalulungkot ito.
“Nanang, Nakakasama po ng loob,” napanguso kong sabi.
“Bakit naman?” naguguluhan niyang tanong sa akin.
"Kasi ayaw mo ng ‘I love you’ tingnan mo nga parang umiyak ka pa,” himig ko tila nagtatampo ako sa kinaya.
“Ha?” aniya sabay hawak sa pisngi nito at sa mata.
“Joke po. Paniwala ka po agad.”
“Sandali saan ka nga pala pupunta ha, Belyn?” tanong niya at pinasadahan pa ako ng tingin.
“Sa kaibigan ko po. Alam mo na kanino iyon Nanang, ha? Ikaw na po ang bahala maghabi ng alibi,” bulong ko pa.
Nalungkot ulit ito sa aking sinabi.
“Sige magi-ingat ka sa pagmamaneho ha?”
“Hindi ako gagamit ng kotse. Nanang makakalimutin,” bulong ko pa.
“Ay, sus! Oo nga pasensya na hija. Nawala sa isip ko,”
“Oo naman po,” masayang na akong napangiti ngayon.
“Anong oras ka niyan uuwi?” bulong din nito.
“Doon po ako matutulog. Diretso na po ako sa bukas sa trabaho. Meron naman akong damit doon,”
Bumuntong-hininga ito. Hinaplos ang mukha ko. Wala naman itong sinabi basta pinagmasdan lang niya ako.
“Tuloy na po ako, Nanang, ha?” mahina ko pang sabi. Tumango ito tinapik ako sa balikat ko.
Hindi ako nagdala ng kotse para iwas akong paghinalaan ni Daddy, na umalis. Si Nanang alam na ang gagawin kapag aalis ako.
Wala sana akong balak ngayon umalis kasi galing na ako doon noong isang araw. Kaya lang kapag ganitong malungkot ako gusto ko ng iba ang aking kapaligiran hindi rito sa mansyon kun'di sa ibang bahay.
Nasa Sampaloc Manila itong bahay ng magulang ko. Ang pupuntahan ko ay sa Pasay City. Hindi ako sa tapat ng gate kumuha ng taxi. Nagtiyaga akong maglakad sa labas ng subdivision upang walang maging problema.
Dahil nga ala-sais na. Inabutan ako ng traffic kaya nakarating ako sa pupuntahan ko. Pasado alas-siyete na. Sana lang gising pa ang pupuntahan ko para maalis agad ang bigat ng dibdib ko.
“Kuya, para ho. Dito na lang po ako,” saad ko sa driver ng nasa tapat na kami ng mansion condo.
11th floor unit 104 ang pupuntahan ko. Walang tao sa elevator mabilis akong nakarating sa pupuntahan kong unit.
I have a key. I didn't ring the doorbell; instead, I slowly opened it using the key I had.
Matamis akong napangiti ng makita ko ang pinaka paborito kong tao sa buong buhay ko. Balak ko na sanang gulatin ngunit hindi na iyon natuloy dahil lumingon na ito sa pinto namilog ang mata.
“Mommy!” she giggled.
Nanonood ito ng barbie movie as usual her favorite. Basta lang nito iniwan ang TV at tuwang-tuwa tinakbo ako.
“Tita Rhonda, Mommy is here po,” masayang sigaw ng anak ko pinagsalikop pa nito ang magkabilang kamay kinikilig.
Yes, I have a child. Mahigit tatlong taon. Ang bata ko pa. Twenty three pa lang ako ngunit may anak na ako.
Her name is ‘Benesha Margaret Kho’. Kutis at straight niyang itim na buhok ang minana lang niya sa akin, maliban doon wala na. Meron pala pareho kaming babae.
Ito ang pinakamaganda nangyari sa buhay ko, pagkatapos ng bangungot na iyon. Iwanan man ako ng lahat kayang-kaya ko. Dahil sa mahal kong anak.
Kapag malungkot ako. Ito ang tanging sandalan ko. Uuwi lang ako rito pagmamasdan ko lang siya. Pinapawi na nito ang lahat ng agam-agam sa aking dibdib. Pinapalitan ng lakas ng loob at pag-asa na kahit paano may isang taong hindi ako iiwan at ito ang anak ko.
Kinarga ko ito at pinupog ng halik sa pisngi niya. “Hmm.. mabigat na yata ang anak ko, ah,” wika ko hinalik-halikan ito sa leeg niya. Napuno ng hagikhik ang buong sala dahil doon ako pumunta kalong ko siya umupo sa sofa.
Kaya sobrang tipid ko noong nag-aaral ako ng college dahil dito sa anak ko. Si Daddy kasi malaki kung magbigay ng allowance sa akin at lihim iyon kay Mommy. Dahil din siguro meron na akong anak. Kaya naisip kong magtayo ng laundry shop dito lang din sa baba ng 'mansion condo.' So far ok naman ang kita. Meron akong naitatabi laan kapag may emergency para kay Benesha.
Dati wala akong pakialam basta bibilhin ko ang gusto ko. Lalo pa ang mga kaibigan ko noon ay palaging updated sa mga bagong signature trends kaya ako bibili rin para makasabay sa mga sosyal kong barkada.
Iba nga talaga kapag dumaan sa matinding pagsubok. Doon nagiging matured katulad sa akin. Katulad ko sa batang edad ay single mom na. Hindi pa nga ako nag-twenty four may maganda na akong anak.
Lingid sa kaalaman nila Mommy at Daddy may anak ako. Ayaw kong danasin ng anak ko ang feeling na walang nagmamahal sa kaniya kaya ayaw kong ipakilala si Benesha sa kanila.
Kahit ako lang sapat na ako. Pinararamdam ko sa kaniya na kahit wala siyang ama. Sapat na akong maging Mommy at Daddy niya.
“Mommy, wala ka pong work?” aniya. Umiling ako.
“Bukas pa, baby,”
“Yes, yes, dito matutulog ang Mommy ko,” She said that she couldn't get rid of the happy smile on her lips.
Naghaharutan kami ng anak ko lumabas si Rhonda sa kuwatro. Two bedroom ang kinuha kong unit isa kasi ay akin at kay Rhonda. Sa kaniya natutulog ang anak ko kapag wala ako rito.
“Kanina ka pa?” nakangiti ito lumapit sa akin.
Bumaba si Benesha sa hita ko pinuntahan ang nakalatag na laruan sa center table at niligpit. Ito kasi ang palagi kong turo sa kaniya. Pagkatapos maglaro iligpit ang kalat.
“Kararating lang. Kumusta rito?” tanong ko sa kaniya.
Si Rhonda ay pamangkin sa pinsan ni Nanang Luisita. Ulilang lubos na ito pinagmalupitan kasi ito ng kumupkop na Tiyahin. Imagine, kapatid din ng Ina nito pero masama ang ugali kaya lumayas si Rhonda at doon naglagi sa bahay ng tatlong kapatid ni Nanang Luisita.
Magkasing edad kami at ito ang itinuturing kong matalik na kaibigan at para ko na ring kapatid. Sa katauhan niya nagkaroon ako ng kapatid na babae.
“Dito ka matutulog?” tanong pa nito.
“Oo,” matipid kong sagot na kinataas ng kilay nito.
Napanguso ako at binigyan siya ng babala na ‘wag magtanong ng malungkot na bagay kapag kaharap ang anak ko. Saksi kasi ito sa mga hinaing ko sa buhay dahil kasama ko na ito ng limang buwan pa lang ang tiyan ko.
Umalis ako sa bahay noon kasi takot akong mahalata ng Mommy at Daddy. Sumama ako sa Nanang Luisita, nang magbakasyon sa kanila, timing kasi noon binawian ng buhay ang Inay ng Nanang Luisita sa sobrang katandaan.
Saktong pinayagan ako kasi tuwang-tuwa pa si Mommy at hindi raw ako makikita sa mansyon ngunit hindi ang Daddy.
Maraming tanong sa akin muntik pa akong hindi makalusot. Sabi ko kasi noon ay tinatamad akong mag-aral gusto kong hanapin na muna ang sarili ko baka makatulong sa Province ng Nanang Luisita. Nag-isip pa ang Daddy. Kinausap pa siya ng Nanang Luisita, tsaka lang ito pumayag.
Naka plano na noon four months akong sasamahan ng Nanang. Bahala na raw gumawa ulit siya ng alibi kapag pauuwiin siya ng Daddy. Hanggang sa isilang ko si Benesha. Kaso lang seven months lang pumutok na ang panubigan ko kaya napaaga ang pagluwal kay Benesha.
“Nagtatanong iyan sa akin kung kilala ko ang, Daddy, niya,” bulong ni Rhonda. Napa ubo ako sa pagkagulat tumingin agad si Benesha sa akin.
“Mommy, are you feeling sick?” aniya binalikan ako at sinalat pa ang noo ko. Napangiti ako at niyakap ko siya ng mahigpit.
“How sweet naman ng anak ko. Wala po akong sakit dahil nakita na kita,”
“Wow! Parang ako po ang superhero mo, Mommy,” inosente niyang sabi.
“Wala ng iba ikaw ang laging nagpapalakas sa, Mommy, kaya hindi siya dinadapuan ng sakit,” saad ko.
Humagikhik naman ito nagustuhan ang sinabi ko. Buti binalikan ulit ang ginagawa. Susme ito talaga ang palagi kong preblema kapag nagtatanong sa Daddy niya.