BeLyn “Hindi ka papasok ngayon at hindi ka na rin p'wedeng umalis ng bahay.” “Ano po?” sagot ko kay Mommy. Sinundan pa ako nito dito sa kitchen para lang sabihan ako ng walang kabuluhang bagay. “Oo, baka kung ano pa ang maisip mo hindi mo siputin ang anak ni, Mrs.Ching, mapahiya pa kami ni Protacio, Belyn,” nakahalukipkip niyang saad sa akin. Ano raw? Ang nice talaga ng kinilala kong Ina. Biglang naging masungit si Mommy, samantalang kanina para itong isang madreng hindi makabasag pinggan ng kaharap namin ang magulang ni Aaron. Napaka plastic talaga nito kay daling magpalit ng anyo kapag wala ng kaharap na mahalagang tao. “Anong tinitingin-tingin mo r’yan. Ano nag-iisip ka ng plano para tumakas? Ngayon pa lang itigil mo na, Belyn. Wala rin patunguhan iyang binabalak mo." “Bakit nama