SA NARINIG, hindi alam ni Mary pero nakadama siya nagpananabik at takot sa banta ni King. Huminga siya ng malalim at luminga-linga sa paligid, namatay ng kusa ang tawag. Akmang papara siya ng taxi nang bigla na lamang may isang itim na van na mabilis ang takbo papunta sa direksiyon niya. Dahil sa kaba at gulat, hindi niya magawang umalis sa kanyang kinakatayuan. "T-teka, sino kayo? Saan ninyo ako dadalhin?" kabadong tanong niya nang may lumabas na dalawang lalaki na kulay itim ang damit at may mga takip ang mukha at hinawakan siya sa magkabilang kamay. "Mga kuya, maawa kayo, huwag po ako! Hindi po ako mayaman, ganun rin ho ang pamilya ko kaya wala po kayong makukuhang pera sa akin o sa kanila," aniya at pilit na kumakawala sa dalawa pero himdi niya magawa kasi malalaking tao ang mga ito