SUMULYAP si Lisa Mary kay King na ngayon ay nakaupo sa kanyang tabi. Nasa loob na sila ng kotse ng lalaki. Ito ang nasunod, kailan pa ba siya nanalo? Sa tuwing nagtatalo sila? Pero impreness kinilig siya to the bone sa pagiging possessive nito sa kanya. "Ayos lang ba talaga na isasama mo ako?" hindi maiwasang itanong niya. Akala niya hindi siya papanisinin ng lalaki pero nagulat siya nang hinawakan nito kamay niya at dinala sa mga labi nito. "Oo naman, bakit may problema ba?" Umiling-iling siya. "Wala naman, na itanong ko lang…" "Basta mamaya huwag ka kang umalis sa tabi ko," biglang giit ni King. Gusto niya sana magtanong bakit tila palagi na lang nag-o-overthink ang lalaki na may mangyaring masama sa kanya? Ganun ba karami ang kalaban nito? Kaya't ganun na lamang ito ka-ingat? "