KINABUKASAN, nagising siya na may ngiti sa kanyang mga labi dahil naalala pa niya ang pinagsaluhan nila ni King kagabi. Napapikit muli siya at hinawakam ang braso ng lalaki sa kanyang bewang nakapulupot na animo'y isang kadena sa higpit. Sinubukan niyang alisin ang braso ni King para bumaba at paghanda ito ng breakfast at kape. Ewan ba niya pero feel niyang ipagluto ngayon ang lalaki, na dati 'e hindi niya naman naisip gawin ngayon-ngayon lang. "Saan ka pupunta?" paos ang boses na tanong ni King sa kanya at hinigpitan pa nito ang pagyapos sa kanyang bewang. "Babangon na, umaga na po," natatawang aniya at tumagilid ng higa paharap sa lalaki. Tumingala siya para makita niya ang mukha ni King at napakagat siya ng kanyang ibabang labi nang tumambad sa kanya ang gwapong mukha nito. Napapi