UMILING-ILING si Lisa Mary. Hindi pwede, masyado naman atang maaga para magustuhan niya ang gwapong doctor na ngayon ay kidnapper niya. "I want you to take a rest right now, kitten, dahil mamaya hindi mo na iyan magagawa because I'll make sure to keep you awake until sunrise." Napakurap-kurap siya at napalunok ng kanyang laway kahit pa tuyong-tuyo na ang kanyang lalamunan sa hindi malamang dahilan. Tumingin siya sa lalaki, napakagat siya sa kanyang ibabang labi nang magtama ang kanilang mga mata dahil sumilip ito sa salamin ng kotse. "Sleep, Mary," utos nito uli sa kanya. Wala siyang magawa kundi pumikit at nagulat siya nang makadama siya ng antok at ilang saglit pa ay nakatulog na siya. KAAGAD na pinarada ni Calvin King ang kanyang kotse sa bakuran ng rest house niya. Lumingon siya s