TATLONG araw na ang nakakalipas at sa wakas ay maayos na ang pakiramdam niya dahil okay na ang tahi niya. Pinayagan na nga siyang lumabas kaya't heto siya ngayon, tinatahak ang daan papunta sa ospital room ng kanyang ina. Oo dito rin naka-admit ang kanyang ina. Ngunit hindi nito alam na ospital rin siya, sinabihan niya si Jacqueline na huwag ipaalam dahil ayaw niyang mag-alala ina niya at magtanong ito.
Kapag kasi magtanong ito paniguradong hindi siya makakapagsinungaling at kapag malaman nito ang ginawa niya at ito ang naging resulta baka magalit pa iyon at hindi na lang magpapa-opera dahil nga ito inabot niya para lang makaipon ng pera para rito. Bumuntonghininga siya at napatitig sa may pinto ng ospital room ng kanyang ina.
"Kinakabahan ka ba?" basag ni Jacqueline sa katahimikan.
Napatingin siya sa kaibigan nasa likuran niya, marahan siyang tumango.
"Oo 'e, baka maiyak ako kapag makita ko siya, alam mo naman na hindi kami nagkakahiwalay ni mama ng matagal at hindi ako nagsisinungaling sa kanya," mahinang aniya.
"Sabagay pero, day. Ginawa mo lang naman iyon para din sa kanya kaya't huwag ka nang malungkot at ma-guilty diyan," pag-aalo ni Jacqueline sa kanya.
Huminga siya ng malalim at ngumiti. "Salamat, day, 'a."
Ngumiti lang ito. Binuksan na niya ang pinto at tumambad sa kanya ang kanyang ina na nakatalikod mula sa gawi niya. Nakatingin ito sa labas, tila ba may malalim na iniisip.
"Ma…" tawag niya sa atensiyon ng Ginang. Muntik na siya mapiyok kasi namiss niya ito kahit pa limang araw ata mula nang hindi sila nagkita.
Lumingon kaagad ito sa gawi niya at nang makita siya nito ay napakurap-kurap ang Ginang at namula ang mga mata nito.
"Lisa Mary? Anak ko, ikaw ba talaga iyan?" maluha-luhang tanong nito at akmang baba sa may kama.
Tinakbo niya ang pagitan nila ng Ginang at kaagad na hinawakan ang kamay nito. Parang gusto niyang maiyak nang makita niyang namumutla ito at pumayat.
"Ako nga, 'ma. Pasensya ka na kung matagal ako nawala pero huwag ka pong mag-alala hindi na po ako aalis sa tabi mo, 'ma," madamdaming pahayag niya at dinala ang kamay ng Ginang sa kanyang mga labi at hinagkan iyon.
Hinaplos naman ng Ginang ang kanyang buhok.
"Mabuti at ayos ka lang, kumain ka na ba?" mayamaya ay tanong nito.
Ngumiti siya. "Tapos na, 'ma. Oo pala may maganda hu, akong balita."
Nakita niyang napatitig sa kanya ang kanyang mama.
"Ano iyon, anak?" tanong nito.
"Dumating na daw iyong doctor na mag-oopera sa inyo galing states at guess what, 'ma, may pera na din hu akong pambayad sa operasyon ninyo," nakangiting turan niya habang nakatitig sa mukha ng Ginang.
"Saan ka kumuha ng pera anak?" tanong nito sa kanya.
Napalunok siya. "Hindi na iyon mahalaga, 'ma, ang imporante ma-ooperahan na hu kayo."
"Hindi mo naman siguro ibeninta ang hindi dapat ibenta, hindi ba, Mary?" seryosong tanong ng mama niya.
Alam niya kung ano ang tinutukoy nito, ang kanyang puri. Dalagang pilipina kasi ang kanyang mama at mahigpit na habilin nito sa kanya na huwag na huwag niyang ibibigay ang kanyang puri sa kung sino lang at higit na huwag niya iyon ibinta. Ngunit ano magagawa niya? Kung buhay naman nito ang nakataya? Wala siyang choice kundi baliin ang sariling paniniwala ganun rin ng kanyang ina, kumbanga, values vs practicality.
"Mary, tinatanong kita," seryosong ang boses na tanong uli sa kanya ng kanyang ina.
Ngumiti siya rito. "Oo naman, 'ma. Sa mabuti po ng galing itong pera ko, kaya't huwag kayo mag-alala," pagsisinungaling niya.
Hindi na umiimik pa muli ang Ginang hinaplos lang nito ang kanyang buhok.
"Sorry, 'ma, sorry, hindi ko lang kasi kayang mawala ka sa akin. Hindi ko kayang panoorin kang nahihirapan at wala man lang akong ginawa para iligtas ka o tulungan ka," piping hingi niya ng paumanhin sa kanyang ina.
***
MAGKASALUBONG ang kilay na tinatahak ni Calvin King ang daan papunta sa may opisina ng kaibigan niyang si Doctor Cyrex. Nakatanggap kasi siya ng email mula rito na kailangan raw nila magkita, importante daw. Wala sana siyang planong pumunta ngayon sa ospital dahil, he hate this place, dito binawian ng buhay ang dalawang taong mahalaga sa kanya pero naisip niya ring lumabas muna sa bahay niya, baka masiraan na talaga siya ng bait kapag nagkulong lang siya roon at humarap sa laptop niya habang nakikipag-usap sa mga investor at mga member ng itinayo niyang organization.
Pumikit siya ng mariin ngunit kaagad rin niya minulat ang kanyang mga mata nang makita niya sa kanyang utak ang klarong-klarong mukha ng babaeng kasiping niya ilang araw nakakaraan.
"f**k! Bakit hindi ka mawala-wala sa utak ko? Ilang gabi na!" inis na turan niya.
Mayamaya pa ay nakatayo na siya sa harap ng pinto ng opisina ng kaibigan. Kumatok siya ng dalawang beses bago niya pinihit ang doorknob.
"Hey," walang buhay na bati niya sa kaibigan na blangko ang mukha habang nakatutok sa may laptop nito. Bumuntonghininga siya at hindi na ito hintay na sabihan siyang umupo, siya na lang mismo ang umupo sa harap nito.
Tumingin ito sa gawi niya. "I'm glad you're here, l thought, hindi ka pupunta."
Tumango-tango lang siya. Wala talaga siyang gana makipag-usap ngayon, mainit ulo niya dahil hanggang ngayon wala pa rin siyang balita sa babae. Hindi pa din mahanap ng tauhan niya o ni Mikael.
"Pinatawag kita dahil dito." Inabot nito sa kanya ang puting folder. Kinuha naman niya iyon at binuklad.
Kumunot-noo niya. "Did you forget, i'm no longer accepting any kind of patient. Hindi na ako ngayon nag-oopera, alam mo iyan–"
"I know but, sinubukan ko lang baka magbago isip mo kapag mabasa mo iyang case niya. Alam nating dalawa na ikaw lang makakatulong diyan sa pasyenteng iyan.
Natahimik siya at napabuntonghininga. "Wala na akong oras sa mga ganitong bagay ngayon at isa pa matagal na nawala ang gana kong maging doktor, Cy."
Nabasa niya ang lungkot sa mga mata ng kaibigan na kaagad ring nawala nang kumurap ito.
"Okay, I understand but could you please try to consider this one? Just this once, Calv." Kinuha pa nito ang white folder na inilagay niya sa ibabaw ng mesa nito at inabot uli sa kanya.
Matagal niyang tinitingan si Cyrex at napabuntonghininga siya sabay abot sa folder.
"Kung talagang ayaw mo, could you just recommend a suitable doctor for this case?"
Napatingin siya sa lalaki. "Sa ating dalawa sa tingin ko mas marami kang kakilala mga magagaling na Doctor, Cy–"
"Not good as you," seryosong putol nito sa sinabi niya.
Hindi siya umimik, hindi niya kasi alam kung ano ba dapat niyang isagot sa naging komento ng kaibigan.
"By the way, kung hindi ka busy, you can talk to her daughter and you can visit her–"
"For what–"
"Just trust me, Calv. Go to this room and talk to her daughter," seryosong putol ni Cyrex sa kanyang pagtutol.
Matagal niyang minasdan ang kaibigan. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito o kung may pinaplano ba ito.
"Okay, l try–"
"Gawin mo, baka magsisi ka kapag pinalagpas mo ito–"
"What are you trying to say, Cy? Pwede bang diretsahin mo na lang ako?"
Ngumiti si Cyrex sa kanya. "Just do what l say, and thank me later."
"Here, this is their room number," sabi nito mayamaya nang hindi na siya umiimik.
Matagal niyang tinitingan ang kamay ng kaibigan na may hawak na maliit na card. Bumuntonghininga siya at inabot iyon dahil mukha kasing walang plano si Cyrex na ibaba ang kamay hangga't hindi niya tinatanggap ang inaabot nito.
"You my go now, baka hindi pa kayo magkaabot," seryosong turan nito sabay tingin sa laptop nito uli.
Bumuka siya ng hangin at tumalikod. Pagkalabas niya sa opisina ng kaibigan ay napasulyap siya sa kanyang kamay kung nasaan ang id card. Nagdadalawang isip siya kung pupuntahan ba niya o hindi.
"f**k! Marami pa akong kailangan aasikasuhin, l don't have time for this f*****g game of him!" inis na giit niya at malalaki ang hakbang patungo sa may elevator.
Bumabagal ang kanyang paghakbang nang marinig niya ang pamilyar na tinig na nagmula sa may 'di kalayuan at napatigil siya sa paglakad ng makita niya ang pamilyar na bulto ng isang babae na kakalabas lang sa may elevator at lumalakad ito papunta sa may unahan.
Kumunot-noo niya at hindi niya maiwasang sundan ng tingin ang papalayong bulto ng babae. Hanggang sa namalayan niya na lang na sumusunod na pala siya sa likod ng babae.
"Alam mo, days, bilib na talaga ako sa iyo 'e." Narinig niyang sabi ng katabi ng babae pamilyar sa kanya.
Tumawa ng mahina ang babae. "What do you mean?"
"I know that voice!" hiyaw ng utak niya. Tinigingan niya ng maigi ang nasa harapan niyang babae.
"That hips and a perfect pair of legs," dagdag ba ng utak niya.
Napakurap-kurap siya nang tumigil ang mga babae sa isang ospital room at dahil medyo malayo siya sa mga ito ng kaunti, hindi siya na pansin ng mga ito dahil busy ang mga ito pagkwekwentuhan. Nanlaki ang mga mata niya nang tumagilid ang babae at nakita niya ang nunal nito sa may gilid ng mukha.
Siya nga! Ang babaeng hinahanap niya, ang babaeng kamukhang-kamukha ng kanyang namatay na asawa. Nang tuluyan nang makapasok ang dalawang babae ay mabilis na lumapit siya sa may pinto kung saan pumasok ang mga ito.
Nagulat siya nang makita niyang pareho ang number na binigay ni Cyrex sa kanya at ng numero naka-ukit sa may pinto ng ospital room.
"I see, kaya pala tinutulak talaga ako ni Cyrex na pumunta rito kasi nandito ka." Ngumisi siya at kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa.
"Tinatanggap ko na," kaagad na sabi niya sa kabilang linya na walang iba kundi si Cyrex.
"That's good to hear," sabi ni Cyrex. Na-i-imagine niyang nakangisi ang kaibihan sa kabilang linya ganun kasi iyan kapag nakuha nito ang gusto o may ginawa itong kalokohan.
"Tss, ibaba ko na–"
"Wait, hindi ka ba magtatanong?"
"Hindi na, alam ko naman kung saan mo nalaman," seryosong aniya. Gets na niya kasi ang tinutukoy nito. Alam na niyang kay Mikael nito nalaman na hinahanap niya ang babaeng iyon. Sa daldal ba naman ni Mikael, hindi nakakapagtakang pinagsabi na nito sa iba pa nilang kaibigan.
Napakurap-kurap ang kanyang mga mata nang marinig niyang mahinang tawa ni Cyrex sa kabilang linya. Pindot niya ang end call at tumingin sa pinto kung saan pumasok ang babae.
"We will meet again tomorrow, my dear kitten. This time, you can't run away from me again," mariing bulong niya bago tumalikod at tinawagan ang kanyang kanang kamay na si Jason.