HINAGIS siya ng lalaki sa kama, imbis na magalit ay natawa pa siya. Nababaliw na ata talaga siya dapat ay hindi ganito ang mararamdaman niya pero ito ang sinisigaw ng katawan at utak niya. Hindi pa siya nakakabawi at nakaayos ng higa nang makita niya na si King na gumapang papunta sa direksiyun niya at sa isang kisap mata niya lang ay nasa ibabaw na niya ang lalaki. "It's time for you to pay, kitten," bulong ni King sa kanyang tenga sabay kagat niyon. Napabuka ang kanyang mga labi at napakapit siya sa unan sa kakaibang sensasyon na sumidlit sa kanyang kalamnan sa ginawa ng lalaki. Nararamdaman niya ring unti-unti nang kumakalat ang init sa buong katawan niya. Para siyang lalagnatin sa sobrang init, ramdaman niyang pinagpapawisan ang kanyang noo pababa sa kanyang dibdib, kahit pa kaka