SA INIS niya kay King ay inapakan niya ang paa nito sa ilalim ng lamesa, how dare him na itaya siya sa sugal? Tao siya hindi bagay na pwedeng gawing premyo. Akala niya ay magagalit si King pero tumingin ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya, nilapit ang bibig sa may tenga. “Trust me, kitten, I won’t let him take you away from me–” “Sigiraduhin mo lang dahil kapag natalo ka at kunin ako ng lalaking iyan, babalikan kita at puputulin ko iyang jumbo hotdog mo,” banta niya habang nakangiti, mahina lang ang pagkasabi niya sa mga salitang iyon para hindi mapansin ng mga kasamahan nila. Nakita niyang umangat ang gilid ng labi ni King pero hindi na ito sumagot, ilang sandali pa ay ibigay na sa mga ito ang card, tumingin sa kanya si King at sumenyas na hawakan niya ang card. “Bakit?” kunot-no