HUMIKAB si Lisa Mary habang pababa ng hagdan, nauna na si King sa kanya sa baba. Ayaw niya na sanang bumaba at sundin ang lalaki pero nakadama na rin siya ng gutom kahit pa inaantok na siya at gustong-gusto na niya isampa sa kama ang katawan sa pagod. Napatigil siya sa paghakbang ng makita niya ang gwapong Doctor na inaayos ang mga pagkain sa ibabaw ng mesa. Kumunot ang kanyang noo. "Hmmm…nagluto ka?" hindi niya maiwasang itanong at mabilis na lumakad palapit sa mesa. Sumulyap si King sa gawi niya. "No…" Tumaas kilay niya. "Pina-deliver mo?" "Yes, why?" Nagkibit balikat siya. "Wala lang, bakit ang dami?" Pinaghila siya ni King mang upuan kaya't napatitig siya sa upuan at sa lalaki na tumingin din sa kanya. "Seat down, Mary, and stop asking questions," seryosong sabi nito at hinawaka