SINUNDO ni Calvin King si Niccos mula sa labas, pinapunta niya kasi ang kanyang kaibigan para magpasundo. Wala kasi Heckson, mukhang may inaayos na problema tungkol sa malapit nitong kasal. "Sigurado ka bang dadalhin mo siya?" Napatingin siya kay Niccos na ngayon ay kasabay niyang naglalakad papasok sa loob ng kanyang resthouse. Na ikwento niya kasi dito sa phone kanina na dadalhin niya si Mary. Bumuntonghininga siya. "Oo…" "Pero, Calvs, alam mo naman na magulo buhay mo ngayon lalo pa't nasa kalagitnaan ka ng pangangampanya mo, anumang oras ay may maaari may mangyaring masama sa kanya kapag isasama mo siya sa mga lakad mo," malumanay na sabi ni Niccos na para bang sinubukan siya nito paalahanan. Napatigil siya sa paglalakad. "Alam ko iyon, Nic. At hindi ko hahayaang may mangyaring