MAGKASALUBONG ang kilay ni Calvin nang sumalubong sa kanyang mga mata ang isang mamahaling bar at maraming taong lumalabas-pasok sa loob nun.
"Why did you bring me here?"
"Iyon po ang habilin ni Boss, naroon po siya sa loob hinihintay kayo," magalang na sagot ng driver na naghatid sa kanya sa lugar na iyon. Nakarating na nga siya sa pilipinas at pansin niyang wala pa ring pagbabago ang lugar na kanyang kinalikahin mas lalo lang ata lumalala. Napailing siya at walang imik na lumakad papasok sa loob, wala na rin naman siyang magagawa kasi narito na rin lang siya.
Pagkapasok niya ay may sumalubong kaagad sa kanya at inaya siya papunta sa gilid kung saan mayroong maluwag na daan papasok sa isang hallway na katulad sa mga nakikita niya sa hotel dahil may mga pinto silang nadadaanan. Napa-angat ang gilid ng labi niya nang pinagbuksan siya ng lalaking nag-guide sa kanya. Kumunot-noo niya nang makita niya si Jin na prenteng nakaupo sa may malapad na sofa, habang may hawak-hawak na wine glass. Nang makita siya nito ay sumenyas itong lumapit siya.
"Magkasalubong na naman ang mga kilay mo–"
"Cut that drama, Jin. Why did you make me come here? Don't tell me pinauwi mo ako dahil bored ka at gusto mo ng kasamang maghanap ng aliw–"
Tumawa ang kaibigan niya. "Kilala mo talaga ako, Cal–"
"What the f**k!" mura niya.
"Just kidding, pinauwi kita dahil malapit na ang election, at saka para naman makapag-relax ka rin, naawa na kasi ako sa itsura mo, kulang na lang ibaon mo rin sarili mo sa hukay," serysong giit nito.
Napailing siya. "Whatever, just tell me, kung ano iyong importanteng kailangan ko malaman," aniya.
Bumuntonghininga ito at sumenyas na umupo siya kaya umupo siya. "Ang anak ng kalaban rati ng papa mo sa pulitika ay siya ngayon ang may planong tumakbo bilang Governor, alam naman siguro ang background ng lalaking iyon and tulad ng hinala mo, he might be the one who is behind sa pag-ambush sa papa at asawa mo. Although, ang papa niya ang pumalit sa papa mo dahil siya ang vice. Ang plano, kailangan mo tumakbo, to make them know na buhay ka at handa kang kalabanan sila, seek justice for your father at sa mamamayan rin rito. Higit sa lahat, it's best if malapit ka sa kanila, mas may access kang malaman ang mga baho nila," mahabang paliwanag ng kaibigan.
"Iyon naman talaga plano ko, but thank you for reminding me, iyon lang ba ang sasabihin mo?"
Natawa ng mahina si Jin. "Yeah, you have your own plan right? I will just assist and support you."
Tumango siya at tumayo. "Thank you–"
"Teka, huwag ka munang umuwi, may regalo ako sa iyo, today is your birthday right?"
Natigilan siya kaya pala pinatawag siya ng kanyang mama at dahil nagtampo ito sa kanya marahil ay nakalimutan na lang nitong batiin siya. Hindi nga siya nito kinikibo ng nasa daan sila pauwi sa mansion kung saan ito namamalagi.
"Yeah..." wala sa sariling sagot niya.
"Sabi na nga ba, kinalimutan muna na naman, by the way, happy birthday!" bati ni Jin sa kanya sabay pinaupo siya nito muli.
"Thank you pero you don't need to do this, Jin. Besides, ayaw ko nang tumagal pa rito, can l go home now?"
Umiiling ang lalaki. "No, hindi ka pwede umuwi hangga't hindi pa natatapos ang gabing ito. Minsan lang ako magregalo kaya't tanggapin muna, hindi masamang mag-enjoy paminsan-minsan."
Akmang magsasalita siya para magprotesta nang bigla na lamang bumukas ang pinto at may isang malaking box ang pinasok ang dalawang malaking lalaki. Kumunot-noo niya, may ideya na siya kung ano laman nun, knowing Jin.
"If you are planning to give me a woman as a gift then you better keep it to yourself, Jin. I'm not interested–"
"Naku ang KJ mo talaga kahit kailan, Calvs. Tanggapin muna, binibigyan ka na nga ng palay ayaw mo pang tukain," singit ng pamilyar na tinig.
Napatingin siya sa kanyang likuran at napailing siya ng makita si Mikael nakasandal na ngayon sa pinto at ang malaking kahon ay nasa gilid na nila ni Jin at ang dalawang malaking mama ay lumabas na.
"What are you doing here?" magkasalubong ang kilay na tanong niya.
"Luh, Maximo 'yan?" natatawang sabi nito at nagpamulsa. Ang tinutukoy nito ay ang kaibigan nitong si Maximo Winston, aso't-pusa kasi ang dalawa. Nasaksihan niya rati ang away ng mga ito kaya alam niya.
"Uwi na ako total narito naman pala si Mikael, sa kanya mo na lang ibigay–"
"Hep, hep, loyal na ako ngayon no, isang kweba na lang ngayon ang pinapasok ko, kaya't, no, no," putol ni Mikael sa sinasabi niya.
Umangat ang gilid ng labi niya. "Kung loyal ka bakit ka narito?"
"Pumunta ako rito kasi nalaman kong uuwi ka, gusto kitang makita–"
"Baka kamo gusto mo makita ng hubad na babae, gawin mo pa akong excuse–"
"Hoy, hindi no, pumunta talaga ako rito para maki-chismis iyon lang. Besides, nakapikit ako kanina habang dumadaan ako sa mga sumasayaw–"
"Asus, palusot ka pa, paano mo nalaman kung ganun na sumasayaw sila kung nakapikit ka?" nakangising asar niya.
Sumimangot si Mikael. "Bakit ang daldal mo? At marunong ka nang mang-asar ngayon 'a."
Hindi niya ito pinansin. Ngunit nang dadaan na siya sana sa gilid nito at kaagad siya nitong pinigilan.
"Saan ka pupunta? Tanggapin muna ang regalo namin sa iyo ni Jin, minsan nga lang kami maglambing, tatanggihan mo pa, saka gusto mo ba talagang tuluyan nang lumbot iyang manoy mo? Ilang taon na iyang hindi nakatikim ng exercise, maawa ka naman," humahaba ang ngusong giit ni Mikael.
Hindi niya tuloy maiwasang bumaba ang tingin sa kanyang manoy. Totoo ang sinabi ng kaibigan niya, matagal na nga niyang hindi ito ginagamit dahil nawalan na siya ng ganang makipagsiping sa ibang babae, sa palagay niya'y tanging asawa niya lang ang may kakayahang buhayin ang dugo niya.
"No, use, l can't have s*x with just anybody, besides, baka maka-HIV pa ako–"
Hinila ni Mikael ang braso niya. "Huwag ka mag-aalala, birhen pa iyang regalo namin sa iyo, fresh at batang-bata."
Binawi niya ang braso sa lalaki at tumingin sa gawi ni Jin nakamasid lang sa kanila.
"Try mo lang, malay mo baka siya pa makapagpabago ng buhay mo–"
"Hindi ko mawari kung police officer ka ba o taga bugaw ng mga babae, ang galing mo mag-sale talk, 'e."
Natawa si Mikael. "Special kills ko talaga iyan–"
"Ang magaling mamdudol?"
"Grabe ka naman, basta, maiwan ka namin ni Jin. Hindi namin bubuksan ang pinto hanggang umaga kaya wala ka nang takas, i-enjoy mo na lang." Kumindat pa ito sa kanya bago pa man siya makaprotesta ay narinig na niyang sumira ang pinto at naiwan siya sa loob. Hindi nga niya alam kung paano nakalabas si Jin ng ganun kabilis.
Bumuntonghininga siya at nagdesisyon tumungo sa banyo dahil pakiramdam niya nanlalangkit ang katawan niya. Maybe, kakausapin niya na lang mamaya ang babae na uma-acting na may ginagawa sila kahit wala. Gusto niya na lang kasi matulog.