KUMUNOT ang noo ni Lisa Mary nang tumigil ang sinasakyan nila ni King sa isang mataas na building na hula niya’y isang mamahaling hotel. “Ano ginagawa natin dito? Akala ko ba uuwi na tayo?” nagtatakang tanong niya sa lalaking nakapikit na nakasandal sa may sandalan ng upuan ng sasakyan. “We will stay here tonight,” maikling sagot ni King na hindi siya tinapunan ng tingin. “Bakit?” may bahid ng inis na tanong niya. Minulat ni King ang mga mata at tumingin sa kanya. “Stop asking–” “Aba’y, karapatan ko din naman siguro malaman kung bakit na naman ako naririto sa lugar na hindi pamilyar sa akin, ano–” Hindi matapos ang kanyang sinabi nang binuksan ni King ang pinto sa may gilid nito at walang lingon-lingon na bumaba ito. Nalaglag ang banga niya, seryoso ba ang lalaking ito? Parang gus