HINDI maiwasan ni Lisa Mary mapakagat ng kanyang ibabang labi habang pinapanood si King na may hinuhukay sa may malaking abarador sa kwartong tinutuluyan niya. Naka-boxer lang ang lalaki, walang suot pang itaas kaya’t kitang-kita niya ang magandang likod nito. Ang pwet nitong maumbok, ang mga muscles nito sa braso na alam niyang masarap pisil-pisilin. “Here, wear this.” Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang boses ni King. Nagbaba siya ng tingin sa hawak nito tapos binalik niya ang kanyang mga sa may gwapong mukha ng lalaki. “Kanino mga iyan?” hindi niya maiwasang itanong at inabot ang binigay nitong pares na sport wear, kulay sky blue ang gilid nun tapos itim na ang kabuan. Umiwas ng tingin ang lalaki. “Just take it, I’ll be waiting outside,” seryosong tugon ng lalaki at nilagpas