GINUSTO ni Clirk Winston Gotchille na itayo ang kaniyang mansion sa malayong isla. Iyong tipong malayo sa pamilya niya dahil ayaw niya ng magulong buhay. At isa lang ang pangako niya sa sarili na wala siyang ibang dadalhin na babae sa isla maliban sa babae na kaniyang dadalhin sa harap ng altar.
Maraming babaeng humahabol sa womanizer na bilyonaryo, dahil maliban sa mapera ito ay guwapo pa. Hindi nagseryoso si Clirk sa mga babae, dahil alam niya na pera lang ang habol ng mga ito.
Si Clirk Winston Gotchille ay owner ng CWG FITNESS EQUIPMENT COMPANY. Maryoon rin siyang sariling Fitness Gym, at madalas dito siya tumatambay kasama ang kaniyang tropa.
Nang mabili niya si Benchay Serapio, sa halagang milyon ay unti-unting nagbabago ang pananaw ni Clirk sa mga babae.
Kung hindi lang sana nanganganib ang buhay ng Ama ni Benchay ay hindi sana siya mapasubo
at ibenta ang buong sarili sa lalaking hindi niya kilala.
Kahit masakit sa kaniya na talikuran ang lalaking minahal niya sa loob nang sampung taon ay kinaya niya. Alang-alang sa Ama niya. Gumaling nga ang Ama niya pero hindi niya ito nakikita sa loob ng mahabang buwan. Sapagkat nasa gitna siya ng malawak na karagatan.
Masagana nga ang buhay niya pero pakiramdam niya ay isa siyang bilanggo sa isla. Gustuhin man niyang tumakas subalit hindi niya magagawa.
Sa tuwing umuuwi sa isla si Clirk ay pinagsisilbihan siya ni Benchay. At kasama naroon ang pag-alay niya sa kaniyang sarili. Alam ni Clirk na napipitan lang ang dalaga at hindi siya mahal, kaya naiinis siya rito.
Hanggang sa unti-unting natanggap ni Benchay ang kaniyang buhay sa isla ag unti-unti ring nakapasok sa puso niya si Clirk.
Kung kailan pinalaya na siya ni Clirk ay doon rin niya natanto na mahal na pala niya ang lalaki. At kailangan niyang habulin ito dahil nasa sinapupunan niya ang magiging anak nila ni Clirk.