Gulat na gulat si Yesha nang makita kung sino ang dumating. May pagtataka sa ekspresyon nito at nagtatanong ang kanyang mga mata nang sulyapan niya ang binatang si Rem. Ngunit nang makita ang hitsura ni Rem at kung paano mabilis na nagbago iyon nang masilayan si Dorren ay tila ba nagkaroon ng kasugutan ang sarili niyang tanong. 'Totoo ba 'tong nakikita ko? Si Dorren ang mystery wife na sinasabi ni Rem?' sigaw ng kanyang isipan. Sa isang iglap ay nawala ang kumpyansi ni Yesha sa sarili. Halatang nagmadaling makapunta sa hospital si Dorren dahil hindi ito nakaayos. Gano'n pa man ay umaapaw pa rin ang kanyang kagandahan sa kabila ng simple at magulo niyang hitsura. Napapalunok na napatitig si Yesha kay Rem nang mabilis siyang bumaba ng stretcher at saka dali-daling linapitan ang duma