Shock pa rin si Althea ng pauwi na sila pagkagaling sa hospital buti nalang babae ang doctor na tumingin sa kanya kaya kahit papano medyo hindi na sya nahiya pero kasama nila sa loob ng clinic si Yoshin. Korean language ang usapan ng dalawa at masyadong mabilis kaya di nya masyadong maintindihan basic lang ang alam nya pero ng marining nya ang word na 4 times at tumawa ng bahagya ang doctora na gets na nya ibig sabihin nun.
Sinamaan pa nya ito ng tingin kanina ng mapalingon ito sa kanya. Kaya naman pala sobrang sakit ng katawan at puday nya dahil 4 na beses pala sya nitong pinag sawaan at ni wala man lang syang maalala.
“Tigang ka ba? wala ka bang ibang babaeng kinakama? tingin mo normal yun na maka apat na round sa isang gabi.” wala sa loob na naisatinig na niya habang nasa daan na sila. Tagalog iyon at dala ng inis at buwisit di na nya alam kung paano intatranslate iyon sa english language.
“English please.” nakangisi pang sagot nito.
“Engilishing mo mukha mo. Hindi ito ang daan pauwi. Saan mo nanaman ako dadalhin naku pasalamat ka talaga guwapo kang buwisit ka.” nakasimangot na turan nya habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan.
Nang ipasok nito sa loob ng basement parking saka palang na realize ni Althea na sa apartment nanaman sya nito iniuwi.
“I want to go home.”
“You can’t no one will take care of you there the doctor said you need to rest for at least 4-7 days.”
“I can’t stay here with you im working.” pero ang totoo ayaw lang talaga nya mag stay kasama nito dahil pakiramdam nya hindi safe ang puso nya kapag ganito kaguwapo ang makakasama nya araw araw. Hindi healthy sa heart nya tiyak may kalalagyan ang puso nya kapag ganito ito. Pa fall kasi ang lintik na nilalang na to.
Nag start sa breakfast in bed. Ibinili pa sya ng magandang damit at bagong sneakers na puti dahil madumi ang rubber shoes na suot nya kahapon. Todo alalay pa ito sa kanya ngumingiti ito kahit sinisimangutan nya. Paano sya magagalit ng tuloy tuloy rito kaya na iinis tuloy sya sa sitwasyon. Dapat magalit sya pero wala syang maramdaman. Instead mas nakakaramdam pa sya ng kilig at hiya. At the same time hiya dahil sa nararamdaman nya.
“You can file a sick leave for 7 days. I will took care of you and beside it’s my fault so im willing to take care of you until your alright.” wika pa nito saka lumabas ng kotse at pinag buksan pa sya ng pinto. Napakuyom naman sya ng kamay habang nakahawak sa laylayan ng dress nyang na hanggang tuhod sabay kagat labi pinipilit nyang paganahin ang utak nya.
“Come on i can’t bring you home. No one is there. Who will look after you they are all——-
“I can manage my self alone.”
“You have fever.” anito oo meron syang sinat ayon sa doctor kanina pero napainom na rin sya ng gamot.
“Im old enough to take care of my self.”
“But i can’t let you go alone.” giit pa rin nito.
“Fine marry me.” hamon nya rito bahagya itong nagulat habang nakayuko at nakatingin sa kanya. Nasa pinto lang ito ng kotse.
“Okay i will fix our document but you need to rest first if you can walk normal again we will get married.”
“Are you really serious.” di na iwasan bulalas ni Althea.
“Why? Are you not?” balik tanong naman nito na inabot na ang kamay nya para bumaba ng kotse nito.
“Im just only 21.”
“and im 25. old enough to be serious.” ganti nito habang deretsong nakatingin sa mga mata nya. Mukhang seryoso talaga ito ng alukin sya ng kasal.
“If you just see me as your responsibility because of what happen to us please don’t. I don’t want my married life to be ruined because of the whirlwind decision i think.” naguguluhan wika nya habang inaalaayan syang mag lakad patungong elevator.
“Same here! divorce is not in my vocabulary word.” napaangat sya ng tingin rito.
“If we get married then prepare yourself to grow old with me.” tumikhim si Althea para pigilan ang sarili na mapangiti kinurot pa nya ng bahagya ang sarili dahil na sisiraan na talaga yata syang ulo. Bakit kinilig agad sya e ni hindi pa nga nya ito lubos na kakilala.
“Do you want to sleep or stay here at the couch. I will order food for our lunch.” tanong nito habang papasok sila sa loob ng apartment nitong napakagara talaga. Mukhang hindi lang ito ordinaryong mamayaman ng South korea. Itinuro nalang nya ang sofa kaya naman na nyang lumakad ng pero ayaw syang bitawan ni Yoshin. Kaya hinayaan nalang nya. Pag kaupo sa sofa na upo din ito. Iniharap nito ang phone sa kanya at pinapili sya ng gusto nyang kain sa mga picture ng pagkain nag isip muna sya bago itinuro.
“Do you owned this place.” tanong nya kay Yoshin ng matapos itong makipag usap sa phone ng order nito.
“Nope.”
“Are you rich?” tanong pa nya.
“What if im not?”
“Di bale guwapo ka naman.” sagot nya na wala sa loob. Ngumiti naman si Yoshin at kinagat pa ang labi kaya napatingjn tuloy sya sa labi nito. Ano kaya ang feeling habang nakikipag halikan rito. Kainis bakit ba wala sya maalala kagabi sa dami ng kissmark nya tiyak ang magandang labi nito nag sawa sa buong katawan nya pero sya walang maalala.
“English please.”
“I said i want to marry a millionaire.” pakibit balikat na wika nalang nya.
“Im not a millionaire but i have a best genes to make you a millionaire.” ngisi nito na di nya napigilan mapangiti oo nga naman.
“Hay! Ano bang kagagahan yan pinag gagawa mo Althea. Umayos ka nga.” bulong nalang nya sa sarili nya.
“You can ask me everything you wanted to know about me?” anito saka umayos ng upo paharap sa kanya habang nakasampay ang isang braso sa backrest ng sofa at nakatukod sa panga nito habang nakatitig sa kanya.
“Seriously?”
“Yes of course were getting married so i think we should learned to get to know each other. What you like and dislike.”
“I don’t know what to ask.”
“ahm let see let’s put in this way i will tell you everything about me and so do you hows that.” tanong nito na nag taas baba ang kilay habang nakangiti.
“It’s that a real tattoo?” nguso nya sa isang braso nito na puno ng tattoo hanggang sa mga kamay.
“Ahmp yes! Don’t you like it?” tanong pa nito na napatingin sa sariling braso.
“It’s okay. Since when do you start having a tattoo.”
“Hmmm 16 piercings also.” sagot nito sabay salat sa hikaw na nasa sulok ng labi nito. Napatango naman si Althea.
“My biological mom wants me to audition when i was i teen for some Kpop idol and surprisingly i get in but my father get mad and took me out.” Hindi na sya nagulat ng sabihin nitong natanggap ito sa pagiging kpop idol pero nagulat sya ng mabanggit nito ang salitang biological mother.
“What do you mean in biological mother?”
“I am illegitimate child of my father.” hindi naka imik si Althea.
“My mother died 5 years ago. I grew up in Us but my father took me and bring me here but i can’t breathe so i left and cut ties with him. He has his family i also have Elder sisters and Step mom. They are so traditional and cultured oriented and im not. Thats why i left when i was 21 and starting working on my own. Im Electronic Engr. by profession. How about you?” tanong nito.
“Me. Im an orphan. My family dies when i was a kid. i grew up in a church.”
“That’s explain why your still a virgin.” biro nito na sinimangutan naman nya.
“It’s not that. being a virgin is depend on woman decision. And honestly speaking im questioning my self why would i let you took it that easily. Am i easy to get?” Nagyuko naman ng ulo si Yoshin saka tumikhim sandali.
“Your not! im just an asshole taking advantage.”wika nito na kahit papano nakakagaan ng pakiramdam.
“Your too beautiful to resist and i can’t just let you go.”
“Don’t you have a girlfriend?”
“Why would i ask you to marry me and bring you home if i have one.”
“Aba malay ko? Sa guwapo mong yan baka nga meron ka pang tinatagong pamilya.” wika ni Althea pero napabuga nalang sya ng tingin ng mapatitig kay Yoshin na di na intindihan ang sinabi nya.
“Why?” tanong nalang nya.
“Why i don’t have girlfriend?” balik tanong nito. Tumango naman si Althea. Na bahagya pang nagulat ng alisin ni Yoshin ang throw pillow na nasa kandungan nya at bigla nalang itong nahiga sa mga hita nya. Kinuha pa nito ang kamay nya at kinulong ng dalawang kamay nito at dinala sa dibdib.
“No women can make my heart beat fast the way how you make my heart trembling like hell.” natameme na napatitig nalang si Althea kay Yoshin. Nakatingala naman sa kanya juicko paano ba kakalma ang puso nya kapag ganito kaguwapo ang mag sasabi sa kanya ng ganun. mukhang di ata sya aabot ng 50 years old kung lagi sya nito pakikiligin ng ganito. Nakita pa ni Althea ang pangiti ni Yoshin ng umiwas sya bigla ng tingin.
“Why are you always look away when i stare at you?” tanong pa nito na pinipilit iharap ang mukha nya rito.
“Isn’t too fast we just met last night and yet you acting as if we have a relationship.”
“Because im sure that this will going to happen sooner or later you know why?” tanong pa ni Yoshin.
“Because im have no intention to let you go. Im intended to have you mine. Mine alone.” direkta nito.
“What if this wont work?”
“We make it work worth.” speechless na talaga sya grabe ang mentality nito. Pakiramdam tuloy nya napakaganda nya.
“Im giving you 7 days to fall in love with me.”
“Ano?” natatawang wika nya ng bumangon ito. tumayo saka derederetso pumasok sa isang pinto katabi ng pinto ng kuwarto ng binata. pag balik nito meron na itong dalang dalawang papel at ballpen. Kumunot ang noo na kinuha nya iyon.
“Write down what you like and dislike. And also Do and don’t.” wika nito sabay kindat natawa naman si Althea ng tumalikod ang binata lumipat ng ibang upuan. 25 na ito pero para pa itong batang mag isip napaka childish ng naisip nito.
Natigil lang sila pag susulat ng tumunog ang doorbell kasabay ng pagtunog ng cellphone nitong nakapatong sa center table. Sinilip nya kung sino natawag. Yoona ang naka phonebook sino kaya yun Yoona. Ate nito?
Itinaas pa ni Yoshin ang dalawang plastic bag ng pagkain ng nakangiti saka dumeretso sa dinning area tumayo naman sya at sumunod rito napagalitan pa sya ng makita sya nitong nasa may pintuan na bakit daw sya tumayo. Balak pala nito mag dadala nalang ng pagkain nila sa sala. Ayaw nitong pakilusin sya dahil baka daw di agad sya gumaling kung lakad sya ng lakad. OA lang pero nakakakilig.
Pinanood nalang nya si Yoshin habang inaayos ang kakainin nila parang sanay na sanay ito kumilos sa kusina. Akala nya sa tapat nya ito uupo pero instead sa tabi nya ito naupo.
“Infairness hindj ka amoy kimchi.” bulong nya ng maayos ang hininga nito ng bigla itong lumapit para lagyan sya ng kanin sa plato akala pa nya ng una hahalikan sya muntik ng sumalangit ang kaluluwa nya sa gulat.
“You don’t like kimchi? tanong nito. Tumango sya hindi talaga nya gusto ang lasa kahit anong pilit nya kumain nun pero ang mga kaibigan nya gustong gusto libre kasi yun side dish sa canteen nila pati r****h kimchi. Ewan nya bakit gustong gusto iyon ng ibang pilipino.
“I do love kimchi but not my favorite.” gets nya ibig nitong sabihin. Habang kumakain sila dinig nya na panay ang ring ng phone ni Yoshin pero parang wala itong pakialam.
“Aren’t you going to answer it.”
“Probably not. It was just Yoona im sure.” balewalang sagot nito habang panay lagay ng pag kain sa plato nya.
“Arent’t you gonna ask me who is Yoona.” tanong naman nito.
“I don’t think so it is your persona-“
“Were getting married so you should know everything about me.”
“Are we really getting married.” kumunot naman ang noo nito na nilingon sya.
“Why i thought you agree?” Napahinga ng malalim si Althea na napakagat labi. Naguguluhan pa talaga sya sa nangyayari nag dadalawang isip nya. Kasal na kasi yun parang napakabilis naman porket may nangyari na sa kanila.
“You won’t regret if you married me.” wika pa nito.
“okay 7 days im giving you 7 days to think.” napalingon sya rito.
“If i failed to make you fall in love with me then i will set you free but it doesn’t mean im letting you go. I will stick to you like a glue until your heart race with me.” nakangiting wika ni Yoshin.
“And just for a record. Yoona is just a close friend. Sometimes she act like a girlfriend but don’t be jealous because i don’t date a friend.”
After kumain sa kuwarto na sya nito pinapunta at pinadala pa sa kanya ang papel na sinusulatan nya kanina. Pinainom muna sya nito ng gamot saka nag paalam na lalabas muna. Ito pa ang nag save ng number nito sa phone nya. Nag bilin pa ito na wag syang aalis o mag tatangkang umuwi dahil kakaunin lang din daw sya nito kahit anong mangyari.
Pinag patuloy nalang nya ang ginagawa sa papel hanggang sa antukin na sya ng tumalab na ang gamot.
******