Dei's POV
Inabutan ako ni Sean ng facial tissue pantanggal ng make up. Naupo na rin siya at nag-usap na silang tatlo.
"What?" gulat na sabi ni Sean matapos sabihin ni Ice ang planong pag-aaral ni Maggie sa DAU.
"Paano 'yan, bro? E, hanggang ngayon lang ang pagpapanggap ninyo ni Dei." May bahid ng pag-aalalang tanong ni Sean.
"Yeah, I know."
"Eh kung palabasin na lang kaya natin na nag-break na kayo?" suhestiyon ni Sean pero marahas na umiling si Ice.
"No. Hindi puwede. Mukhang seryoso na si Maggie sa Marky na 'yon. At ayokong isipin niya na hindi pa ako nakakahanap ng seryosong relasyon."
"So what? Hindi pa rin naman talaga, 'di ba?" sabi ni Kyle.
"Pare, wala ka naman kasing dapat ikaganti, e. Not just because may seryoso na siyang relationship, eh dapat mayroon ka na rin," Sean stated.
"No, you will never understand. At hindi ako gumaganti. Gusto ko lang ipakita kay Maggie na kaya ko ring magseryoso." Napahikab ako sa pakikinig sa usapan nila. Matagal pa ba 'to?
"That's it. E 'di lumabas din ang totoo. Na kaya mo ito ginagawa ay dahil sineryoso mo ang biro noon ni Maggie na hinding-hindi siya mahuhulog sa'yo dahil playboy ka," sabi ni Kyle at hindi sumagot si Ice.
Tiningnan ko ang aking sarili sa hawak kong salamin. Wala nang bakas ng make up. Siguro dapat na akong umuwi bago pa man magising sina kuya. Tumayo na ako kaya napalingon sila sa akin.
"Alis na ako," paalam ko. Tatalikuran ko na sana sila nang magsalita si Ice.
"No, you'll stay."
"Ha?"
"Maupo ka at may pag-uusapan tayo!" utos ni Ice. Nagkatinginan sina Sean at Kyle na para bang na-gets na ang sasabihin ng kaibigan. Naupo ako. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin?
"I still need you. Ipagpapatuloy mo ang pagpapanggap bilang girlfriend ko," diretso niyang sabi.
"Baliw ka na ba? Ano ba talagang trip mo at pati ako-" Itinaas niya ang kamay niya para sabihing tumigil ako.
"Save that! Let me finish first." Nanahimik ako. Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. "One hundred thousand a month, De Alejandrino University full scholarship, one condominium unit. Just say yes." Napanganga ako sa mga offer niya. One hundred thousand a month? Saan ako makakapulot ng ganoong kalaking pera? Sayang!
"'Pag pumayag ba ako, ganito lagi ang isusuot ko?" tanong ko.
"Of course. Don't worry, may magsa-shopping ng mga damit mo. What can you say?" he asked impatiently. Tiningnan ko sina Sean at Kyle na nakangiti at parang nakikiusap din.
"Puwede bang dagdagan 'yong offers mo?"
"A car? A house? Sure, just name it," sabi niya na para bang simpleng bagay lang ang mga iyon sa kanya.
"HRM ang gusto kong course, if ever na matapos ko ang HRM, puwede bang tulungan mo akong makapasok sa isang culinary school abroad?" Napatingin siya sa akin nang seryoso.
"That's it?"
"Oo..."
"Then it's settled." Inilapit niya sa akin 'yung palad niya na para bang may hinihingi siya.
"Akala ko ba-"
"Akina ang phone mo. Save my mumber," sabi niya kaya iniabot ko sa kanya ang phone ko. Nagtakha siya at tinitigan iyong mabuti. Halatang nagpipigil siya ng tawa. "3310 'to, 'di ba?" natatawa niyang sabi.
"Excuse me? 3315 'yan." Inirapan ko siya.
"Yeah! Sorry," sarkastiko niyang sabi. Tinype niya ang number niya at iniabot pabalik sa akin ang cellphone ko. "Puwede mong pagkakitaan 'yan, ibenta mo sa museum," sabi niya at nagtawanan silang tatlo. Hindi ko sila pinansin at tumayo na ako.
"Una na ako. Baka hinahanap na ako sa amin," paalam ko at nagkatinginan sila.
"You won't ask us to drive you home?" Kyle asks.
"Kaya kong umuwi nag isa." Tinalikuran ko na sila at naglakad na ako palabas. Muntik pa akong maligaw sa loob ng bahay. Bakit ba nila kailangan ng ganitong kalaking bahay. Umuwi na ako at naabutan kong gising pa si Kuya Rick.
"Diyos ko, Dei! Ano bang nangyari? Bakit ngayon ka lang?" Ikinwento ko kay Kuya Rick ang mga bagay na napag-usapan namin ni Ice. Maging ang pagpapanggap ko bilang girlfriend niya.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag-asikaso.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Kuya Sam pagkababa ko ng hagdan. Kasalukuyan silang naglalaro ng xbox.
"Sa mall lang, kuya. Mamimili ng school supplies," paalam ko at isinuot ang cap ko. Nasabi ko na rin sa kanila ang tungkol sa DAU pero ang sabi ko ay may nag-offer lang sa akin ng scholarship.
"Wala talaga akong tiwala riyan sa scholarship na 'yan. I mean, lagi kang nasa last section tapos biglang may scholarship?" Buo ng pagdududang sabi ni Kuya Mike. Napatingin tuloy ako kay kuya Rick. Buti na lang at naintindihan niyang kailangan ko na ng tulong.
"Wala ba kayong tiwala sa bunso natin? Sige na bunso, basta huwag kang magpapagabi masyado." Tumango ako at lumabas na ng bahay. Tinext ko si Ice kagabi at ang sabi niya ay magkita raw kami sa mall. Ibibili niya raw ako ng mga kakailanganin ko. Nakita ko si Ice na nakaupo sa loob ng coffee shop na sinabi niya.
"Sorry, kanina ka pa?" nahihiyang tanong ko at umupo sa tapat ng upuan niya. Kinunutan niya ako ng noo. Bigla niyang hinila 'yong cap ko.
"Stop wearing that s**t!" sabi niya.
"Eh pero-" He glared at me kaya nanahimik na lang ako at uminom sa iced coffee na nasa harapan ko.
"Aside from buying your school supplies, we will buy your iPhone to replace your 3310." Nakangisi niyang sabi. May kung ano talaga sa ngisi niya na nakakakulo ng dugo.
"3315," pagtatama ko.
"Yeah. Whatever." Inirapan niya ako.
"'Di ba may condo ako? Doon na lang siguro muna ako," sabi ko pero umiling siya.
"You don't need your condo 'cause we will have our dorm."
"Ano?"
"Yeah! It's a boarding school by the way. And one more thing, Maggie will be your dorm mate and Marky will be my dorm mate kaya umayos ka," he warned.
"Oo, ako na ang bahala." Inubos lang namin ang iniinom namin at umalis na rin kami. Namili na kami at unang pumasok sa isang dress shop. Nang makapamili ay umalis na. Ipapakita pa raw niya sa akin 'yung condo na parte ng contract namin. Tumigil kami sa tapat ng isang unit.
"0716 is the code," sabi niya habang nagpipindot ng passcode. Pagka-accept ng code ay pumasok agad kami sa loob. Ang ganda. Sobrang ganda. Na-i-imagine ko na ang sarili ko na rito nakatira. Kaya lang magdo-dorm kami, e. Inayos ko ang mga pinamili namin dahil hindi ko 'yun puwedeng dalhin sa bahay. Dito ko na lang muna itatago.
"I better get going," sabi ni Ice kaya tumango ako. Ifi-feel ko muna 'tong condo bago ako umuwi. Lumabas na si Ice at naiwan akong mag-isa. Naupo ako sa couch at nag-isip. Hindi ko pa puwedeng palipatin ang mga kuya ko rito dahil magtataka ang mga 'yon kung paano ako nagkaroon ng ganito kagandang unit.
Nag-ring ang iPhone ko-ang bagong-bago kong iPhone. Nakakapanibago lang gamitin. Hindi ako sanay.
"Sino 'to?"
"Hey, it's Kyle."
"Kyle? Oh, bakit?" Ano kayang kailangan ng lalaking 'to?
"Nothing, I just want to ask if you're free tonight? It's our birthday,"
"Happy birthday sa inyo ni Sean. Pupunta ba si Ice?" tanong ko.
"Thanks. Oo, pupunta si Ice. Don't worry, naipagpaalam na kita sa kanya. Pumayag siyang isama ka since pupunta sina Maggie." Magpapanggap na naman kami?
"Okay, I'll be there"
"Hindi ka pala masusundo ni Ice. Susunduin niya kasi sina Maggie dahil male-late si Marky."
"Okay lang. Kaya ko namang pumunta mag-isa." Hindi sumagot si Kyle. "Iyon lang ba ang sasabihin mo?" tanong ko nang hindi na talaga siya muling nagsalita.
"Uh-yeah."
"Ibababa ko na-" Ibababa ko na sana ang tawag nang marinig ko ulit siyang magsalita.
"Dei-"
"Oh?"
"G-gusto mo bang ako na lang ang sumundo sa iyo?"
"Ha? Bakit?"
"Wala lang. Pero kung ayaw mo-"
"Sige, okay lang. Nakakatamad bumyahe, e." Naghihikab kong sabi.
"Great! I'll be there by 6pm." Binaba na niya ang tawag. May two hours pa ako para mag-ready. Tinext ko na si Kuya Rick na male-late ako ng uwi at siya na ang bahalang magdahilan kina Kuya Sam at Kuya Mike. Hindi ako puwedeng umalis sa amin nang naka-dress, 'no. Magtatakha ang mga kapatid ko.
Kumuha ako ng isang dress sa mga pinamili namin ni Ice. Inihanda ko rin ang make up kit. Pinili kong maligo ulit para fresh. Matapos maligo ay nagbihis na ako at naupo sa tapat ng salamin. Try ko mag-apply kahit pressed powder at lipgloss lang. Then 'yung iba ay sa susunod ko na lang pag-aaralan gamitin.
Hindi ko akalain na kailangan kong gawin ang mga ito. Pero no choice na, e.
-